MALING PAHINA

24 5 0
                                    


Magandang pahina na ating binuksan
Na ngayon ay atin nang wawakasan
Mga alaalang dapat ng kalimutan
Upang ako'y hindi na muli pang masaktan

Akala ko na tayo ang itinadhana
At sa huling hininga'y tayo ay magkasama
Ngunit ako lang pala ay pinaasa
Dahil hindi pala tayo para sa isa't isa

Lahat pala ng meron tayo'y laro lang sayo
Napakagaling, ako'y napaniwala't napasaya mo
Siguro'y maling libro ang napili ko
Kaya't maling pahina rin ang aking nabuo

Ako'y talagang sobrang nasasaktan
At ang aking puso'y patuloy na nasusugatan
Maaari nga na may maganda tayong sinimulan
Ngunit nand'yan ang masakit na katapusan


A/N:Salamat sa pagbabasa, h'wag niyo lamang na kalimutan na mag vote or comment.

MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon