Prologue

7 1 0
                                    

Jerk. That's probably what you would say to someone who romantically pursued the woman that's your ex's best friend. I do question if I am. Masama bang nagkagusto ako dati sa kaibigan ng girlfriend ko?

"CJ!" Napalingon ako sa lalakeng tumawag ng pangalan ko, yung classmate kong si Henry na laging nakangiti. Lumapit ako sa kanya at nagtaas ng noo, tinatanong kung anong kailangan niya.

"Sali ka sa'min, truth or dare."

Hindi ako makatanggi dahil wala akong ibang ginagawa. Nakaupo lang kasi ako rito sa sulok at nanonood sa kanila.

"Upo ka sa harap ni Juliana. Kapag sa kanya tumuro yung bote pwede bang itanong mo kung sinong crush niya?" bulong sa akin ni Henry. Ma-issue naman akong tumingin sa kanya.

"Crush mo?"

"Hindi, gusto lang malaman ni Adrien hehe," sabi niya at tinuro yung classmate namin. Tumango ako at naglaro na kami.

"T-truth or dare?" tanong ko kay Juliana dahil sa kanya nakatutok yung bote. 'Di ko napigilang kabahan, agad-agad ba naman nanyari.

"Truth," malumanay na sabi niya.

"Sinong crush mo?" Tanong ko at naghiyawan naman yung mga classmates ko. Ma-issue rin sila.

"Oy, ano 'yan CJ?" Pabirong tanong ng mga classmate ko. Umiling ako dahil napag-utusan lang naman ako. Si Henry talaga yung mastermind nito.

Nakita kong nagsimula nang mahiya si Juliana at agad niyang binawi yung sinabi niya, "d-dare na lang." Nilingon ko si Adrien na dismiyado sa biglaang pagbabago ng sagot ng crush niya.

"Daya mo Juliana!"

Gusto ko silang pagsabihan na itigil yung pag-pe-pressure kay Juliana kasi mukhang bibigay na siya kaso nanahimik na lang ako. Kung ipagtatanggol ko siya ay ako yung aasarin nila kay Juliana. Baka mapagkamalan pa na ako yung may gusto sa kanya.

"Basta hindi ikaw!" sigaw ni Juliana sa akin. Narinig ko yung mga 'oof' ng classmates ko. Natahimik naman ako dahil hindi ko alam kung anong i-re-react. Did I just got rejected without even confessing? Pero hindi naman ako offended.

Napatingin kami kay Adrien na bigla na lang tumayo sa gitna namin. Nakayuko siya at namumula ang mukha.

"Inutusan ko si CJ na itanong 'yon. Sino ba talagang c-crush mo?" tanong ni Adrien. Natahimik naman si Juliana at nagkatitigan silang dalawa. Agad na naghiyawan yung classmates ko nang namula yung pisngi ni Juliana sa loob lang ng ilang segundo.

Nabigla ako sa lakas ng loob na pinakita ni Adrien kanina. 'Di ko napigilang mapangiti. Ganoon ba pag inspired? Sana lahat.

Tumayo ako at lumabas ng classroom para lumayo sa ingay. Naglalakad ako sa hallway na walang tao at pabulong na kumakanta. Narinig ko yung pag-announce ng mga nanalo sa singing contest mula sa gym at naisipang maglakad papunta ro'n para manuod. Sayang nga lang at huli na ako nakarating.

"Honorable mention, Sarah Jane Molina for being the most entertaining candidate! The enthusiasm and performance that you displayed are heartfelt. We would like to request a one last performance from you," sabi ng MC.

Napatingin ako sa paligid kasama ng ilang mga tao dahil hindi pa umaakyat yung tinawag ng MC nang may nakabangga sa akin.

"Ay, sorry!" Sabi niya at natigilan ako nang makita siya. May sinabi pa siya pero nabingi na ako sa ingay ng pagkabog ng dibdib ko. Ang tanging nagawa ko lang ay sundan siya ng tingin ko habang umakyat siya sa entablado.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Sa pagkakataon na dumilat siya ay may kasabay itong ngiti. Tumunog na yung instrumental at nagsimula siyang kumanta. Napangiti ako nang wala sa oras. Her smile was infectious because it was genuine. She was so confident with how she sings and moves and she had the reason to be with that voice and charisma. Hindi ko alam pero ang saya ng puso ko makita yung performance niya. Para bang biniyayaan ako ng langit ng isang bagay na kailangan ko sa nakakabagot kong buhay. I feel inspired out of nowhere and it's burning in my chest.

Bumalik ako sa classroom ng may ngiti. Paanong ngayon ko pa lang siya napansin? Nasaan siya bago kami nagkabangga kanina? Parang ngayon ko palang siya nakita. Napapaisip ako pero hindi na rin 'yon mahalaga kasi at least ngayon alam ko na yung pangalan niya, Sarah. Bagay sa kanya.

"Ang ganda ng ngiti mo ah. Sino 'yan?"

Napatingin ako kay Henry na mukhang gustong mangulit. Tinanggi kong sumagot. Baka asarin ako nang todo katulad nang pang-aasar niya kanina kay Adrien.

Ilang linggo ang lumipas nang nalaman ko yung pangalan niya. Sarah Jane Molina, grabe yung epekto niya sa'kin. Mahilig na talaga akong kumanta dati pa pero ngayon ko lang naisipang seryosohin 'to. Nanunuod ako ng mga videos online kung papaano ko pa ma-improve yung pagkanta ko. Nagsimula na rin akong mag-effort sa physical appearance ko. Araw-araw ng naliligo at nagsisipilyo kahit medyo madalas akong makalimot at tamarin. Mas ginanahan na rin ako mag-aaral kasi nalaman kong honor student si pala siya.

Medyo nakakahiyang aminin 'to pero sinubukan kong maging honor student para lang malapit kami sa isa't-isa sa graduation kasi base sa grades yung line up. Medyo na-dissapoint ako nung dumating na yung graduation day at hindi ko siya nakatabi. Ang hirap pala maging honor student. Eighty-eight lang ang kinaya ko sa ninety-two niya. Worth it pa rin naman 'yon kahit seventeen na tao ang pagitan ko sa kanya kasi natuwa si mama sa grades ko. Masaya ako makitang madalas na rin siyang ngumingiti dahil sa magandang pagbabago ko. Ngayon niya lang ako nabigyan ng espesyal na atensiyon.

"Ang ganda ng boses mo nak, sali ka kaya sa singing contest o choir," sabi ni mama.

Narinig niya siguro akong kumakanta sa kwarto kanina. Nahiya naman ako, 'di ko pinaparinig sa iba yung pagkanta ko. Baka sinasabi niya lang 'yan kasi anak niya ako.

"Kain na para maaga kang makatulog. Gigising ka pa ng maaga bukas," sabi niya at kumain na ako.

Bago matulog ay napaisip ako kung saang school papasok si Sarah. Si Henry kasi magpapa-enroll sa school kung saan papasok yung kapitbahay niya. Di ko alam kung bakit na sa desisyon ng kapitbahay niya yung school niya pero naisip kong sumama pa rin sa kanya. Siya lang naman kasi yung naging ka-close ko nung nag-graduate kami sa elementary.

Halos wala akong kaalam-alam na yung desisyon kong sumama kay Henry ay magiging isa sa mga hinding-hindi ko pagsisisihang desisyon sa buhay ko. Ang desisyong magbabago nang takbo sa buhay kong nakakabagot.

CJ (Highschool Sweethearts Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon