Impression
First day of school, Grade 7
"CJ!"
Nilingon ko si Henry, yung sumigaw sa palayaw ko. Agad napunta yung tingin ko sa babaeng katabi niya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto kung sino siya kaya sila na yung pumunta sa kinatatayuan ko.
Isa sa mga naiisip ko kapag binabalikan ko yung alaala na 'to ay kung gaano siguro ako ka-awkward sa paningin ni Sarah.
"Ayos ka lang? Ba't di ka nagsasalita?" tanong sa'kin ni Henry at tinapik yung balikat ko. "Grabe yung itinangkad mo, may itatangkad pa ba 'yan?"
Napunta yung tingin ko sa kasama niyang pinagtatawanan yung height niya kahit magka-height lang sila, si Sarah. Pero medyo mas matangkad nga lang talaga kami kay Henry. Saglit siyang napatingin sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin. Bigla nalang akong nagka-interes sa mga taong naglalakad sa paligid.
Sh*t, tinitignan niya ako. Tinignan niya ako. Tinignan niya ako.
"Sarah, si CJ nga pala. Ayaw niya mag salita, baka nahihiya lang. Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya sa mga babae. Mahiyain lang 'yan pero mahiyain nga lang talaga siya," pagpapakilala sa'kin nitong si Henry.
Bakit kailangan niya dagdagan ng ganyan? Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos dahil sa kaba. Baka kung anong isipin ni Sarah sa'kin.
"Hi," sabi niya nang may ngiti.
"Hello," sabi ko at inilahad yung kanang kamay ko para makipagkamay. Agad kong pinagsisihan 'yon dahil hindi ko 'yon pinag-isipan. Shet.
Tinanggal niya yung hiya ko sa ginawa ko nung nakipagkamay rin siya sa'kin. Kaso nspalitan nga lang ng hiya sa kaniya. Sana hindi niya napansin yung lamig ng kamay ko. My hand doesn't sweaty but what if it was sweaty when she held it? We're walking together with Henry in the center but her presence is too strong that I feel it even without looking at her. Hindi ko mapigilang magpigil ng pag-hinga habang naglalakad na napakahirap.
Napaka-casual nilang mag-usap, mukhang matagal na silang magkakilala at malapit sa isa't-isa. Biglang nawala yung pagbilis nang tibok ng puso ko at napalitan ng bigat.
For the first time, in the first day of school in grade 7, I was feeling a hint of jealousy.
Pumunta kami sa building namin at hinanap yung section namin. Hindi na namin kinailangan na maghanap ng matagal dahil yung classroom namin ay nasa ground floor. Eksaktong magkakaklase rin kaming tatlo. Nung nagsimula yung klase, nalaman ko na base sa grades namin last year yung sectioning. Tumingin ako sa paligid ko, napapaligiran ako ng mga matatalinong tao. Nakaramdam ng sense of accomplishment dahil section 1 ako.
"Good morning, Ma'am Alonzo. Good morning din sa inyo. Ako nga pala si Sarah Jane Molina, pwede niyo akong tawaging Sarah. I'm looking forward to have fun with everyone this school year, I hope we could all get along," pagpapakilala niya sa sarili niya.
Tinanong ni ma'am kung may talent ba siya na ipapakita at agad siyang biniro ng mga kaklase namin na mukhang kilala na siya bilang singer. Medyo nahihiya siya pero ginawa niya. Saglit lang siyang kumanta pero ito nanaman ako, sa kanya lang yung tingin. She's as charismatic as the day that I've first met her.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niyang si Henry lang ang pagitan sa'kin. Tumayo si Henry para ipakilala yung sarili niya at nakahanap ako ng pagkakataon na kausapin siya pero naunahan ako ng ibang mas malapit sa kanya. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko.
Even before she stood up in front of the class, I know everybody was already looking at her with curious and admiring eyes.
She was quite tall than most of our peers. Last year she was definitely taller than me but I managed to catch up. We're currently in a similar height. Morena siya at may mahaba at straight na buhok.
Napagtanto kong ang dami kong magiging kakompetensya sa atensiyon niya kahit hindi ko pa talaga napagdesisyunan na lumahok. Ang pinakamahirap sa lahat ng kakompetisyon ko ay si Henry na kababata niya. Isang linggo pa lang kaming magkaklase pero nagawa na niyang kaibiganin yung buong klase. Gano'n din si Sarah, kaya nga naging class president siya habang si Henry yung vice president namin. They were a powerful duo amongst our peers.
Na-nominate nga akong escort na ikinagulat ko. Hindi naman sa hindi ko pa 'to naranasan noon. Dati kasi parang biro lang kapag na-no-nominate ako. Yung alam mong hindi sila sigurado sa'yo. Laging kong naririnig sa kanila na may itsura daw ako kaso tahimik. Yung iba pa nga ay binubulong sa likod ko na wala daw akong dating. Nananahimik nalang ako kasi totoong tahimik ako at walang dating. Nagulat lang ako ngayon kasi mas mukhang seryoso yung mga kaklase ko, lalo na yung mga babae. Wala akong interes na maging escort dahil hindi si Sarah yung muse pero may parte sa'kin na kinilig nung nakita ko yung kamay niyang nakataas, binoboto ako bilang escort ng classroom namin.
Pinapunta kaming mga elected officers ni Ma'am Alonzo sa harapan para kuhaan ng picture. Magkatabi no'n sila Sarah at Henry sa harapan habang nasa pinakadulo ako kasama ng muse na hindi ko gaanong kakilala. Ramdam na ramdam ko yung pagitan at layo ko sa kanila. Pero hindi nanliit nang tuluyan yung nararamdaman ko dahil ito yung unang beses na naging class officer ako.
I genuinely thought I didn't stand a chance but I stood beside them, waiting for a chance to get her to notice me while keeping him in check. Remembering that time, I don't know if I felt high because I was taller than everyone else or because my ego was fed by being elected as our class's escort and it didn't feel out of place. Either way, it boosted my confidence.
Hindi ko alam kung papaano pero naging popular ako sa mga babae. Kung sino-sino nalang yung naririnig ko na may crush daw sa'kin. Nadadala din ako sa pambobola ni Henry minsan pero sa isang babae lang talaga tumitibok yung puso ko at kinikilig. 'Yon lang, wala akong tsansa sa kanya.
I was well-liked among the girls. However, my ego and confidence at that time weren't big enough to think that I'd have a chance with her. Kahit delusion wala ako. Kaibigan lang yung tingin niya sa'kin at kaibigan lang din niya ako tratuhin. I'm infatuated with Sarah. That's what I was when I met Rosé.
Nakatayo ako sa gilid ng gate at naghahanap ng signal para mag-send ng message sa kaklase kong si Joao na 'wag magpa-late kasi kailangan ko pang mag-review para sa small quiz. Nasa kanya yung notebook ko na aksidente niyang nauwi niya kahapon.
"Kuya, pwede po bang magtanong?"
Pagkalingon ko ay saglit akong natulala sa babaeng nakatayo sa harap ko. She has this fair skin that is contrasted by her glowing brown hair and her blooming rosy cheeks. Her light brown eyes are staring at me with a faint smile waiting for a response. Foreigner ba siya? May lahing Chinese o Korean?
"How may I help you miss?" Tanong ko. Sana hindi niya napansin na natulala ako sa kanya ng ilang segundo.
"I-I'm a transferee. I was wondering po kung alam niyo kung saan ko makikita yung building ng grade 7? Honesty po yung section ko."
Saglit akong natahimik dahil parehas kami ng section.
"We're classmates. Ikaw pala yung sinabi ni ma'am na transferee. I'm CJ, nice to meet you?" Inilahad ko yung kamay ko sa kanya.
"R-Rosé, nice to meet you too," sabi niya at tinanggap yung pakikipagkamay ko. I've never touched a hand as soft and as delicate as hers.
Sinamahan ko siya papunta sa classroom namin. Agad siyang pinalibutan ng mga kaklase namin katulad nung inaasahan ko kaya naisipan kong umalis muna. Lumabas ako ng classroom para maghanap ng signal. Nilingon ko yung transferee habang naghihintay at nakitang nakatingin siya sakin. Agad ding lumihis yung tingin niya.
'She's really pretty that it's kind of intimidating,' is what I thought to myself when I first met Rosé.

BINABASA MO ANG
CJ (Highschool Sweethearts Series #3)
Teen FictionThe story of his highschool sweethearts and the complicated entanglement with them in their friendship. Masama bang magkagusto sa dalawang babae na magkaibigan? [On-going and is being edited to better improve reading experience. Constructive critici...