DUMAAN pa ang ilang minuto ay nakarinig siya ng mahinang kalabog at kaunting hiyawan ng mga boses ng mga kalalakihan. Marahan niyang nilapat ang tenga niya. Nang unti-unti niyang marinig na humina na ang ingay at kaluskos kasabay ng pagsisimula ng isang slowed version ng musika ay agad na niyang pinatay ang ilaw sa loob ng banyo. Kinuha niya ang latigong nakapatong sa sink counter na kasama talaga sa kanyang costume dahil isa nga siyang "CAT WOMAN" .
"Did you really think, I'd just forgive and forget, no
After catching you with her
Your blood should run cold, so cold
You, you two-timing, cheap-lying, wannabe
You're a fool, if you thought that I'd just let this go" ....Nang magsimula ang musika ay agad siyang naglakad ng pasilyo palabas kung saan nakalokasyon ang maliit na event na inihanda ng mga ito para sa groom. Isang madilim na may may mga patay sinding iba't ibang ilaw ang sumalubong sa kanyang mga mata habang tinutungo ang malawak na lanai ng villa na iyon, Nakita niya agad ang ilang mga kalalakihan na nasa bilang siguro ng anim o pito ang nasa gilid ng mga sulok-sulokan ng lanai na iyon na nakangisi habang pinapanood ang kanyang magiging performance. Nakita rin niya si Charles na unang nagpakilala sa kanya habang may kabulungan na lalaki rin.
Halos lahat ang mga yun ay nakatingin at pinapanood ang bawat lakad niya.
"Whoa! cat woman, I like it" Narinig niya pang komento ng isang nanonood sa kanya habang tinitignan siya na makikita mo na may pagnanasa sa kanyang nakalantas na katawan.
Napakasexy kasi ng kanyang suot, Hindi man malaswa ay sapat na talaga para maglaway ang mga ito dahil kitang kita ang kanyang kurba.
Ngunit wala ni isang hiya ang kanyang nararamdaman dahil trabaho niya iyon at kung nagagandahan man ang mga lalaking naandoon sa kanya ay maganda senyales iyon dahil ibig sabihin ay maganda ang kanyang ginagawang performance.
Nakita niya pang kinindatan siya ng isang lalaki habang itinaas nito ang champagne glass para sa kanya. Agad niyang binawi ang kanyang tingin at nagsimulang hanapin ang direksyon ng kanyang pakay.
Maali naman niyang natagpuan ang groom na nakaupo sa gitn ng platform na nasa gitna din ng lanai na iyon, Nakatalikod ito sa kanyang view at may piring ang mga mata. Ang mga kamay nito ay nakatali rin patalikod dito habang nakahalf-turn ang ulo parang pinakikiramdaman ang kanyang kilos.
Nagsimula siyang sumayaw ng bahadya at haplusin ang sarili upang maging ka-akit-akit ang kanyang pagsasayaw.Muli ay narinig niya ang mga makamundo hiyawan.
"Wildddd.." "Yeaaa, baby go for the gold.."
"Whooooo" halos magpalakpakan itong mga nakapalibot ng lalaki sa kanila habang h=abala siya sa pag-pe-perform.
Pagkarating sa chorus ng kanta ay muli niyang isinasiwas ang hawak na latigo dahilan upang lumikha ng ingay.
Marahan niyang inilagay ang palad sa balikat ng kanyang kliyente na nakaupo sa upuan na iyon, Nakita naman niya ang pagtikhim nito ng makalapit. Kung sisipatin mo ang groom ay matipuno rin ito katulad siguro ng Charles na iyon. Mukhang bata pa ito katulad ng mga nasa paligid nila. Tila magkakaibigan yata ang mga ito at wala ka makikita na Kahit man lang mga may edad na kalalakihan.
Tinanggal niya ang pagkakatali ng mga pulso nito sa likuran kasabay ng pagpihit niya dito dahilan maramdaman niyang nagulat ito.
"I see red, red, oh red
A gun to your head, head, to your head
Now all I see is red, red, red" ...Sinimulan niya itong haplusin mula sa balikat nito pataas sa leeg hanggang sa marating niya ang jaw nito. Hindi man niya makita ang mga mata nito dahil sa pagkakapring ay halatang hindi ito excited sa mga nangyayari sa paligin, Nakita rin niya ang pang-iling nito sabay iwas ng mukha sa kanya.
Gusto niya sanang mao-ffend pero hindi niya na pinansin ang ganoong damdamin dahil trabaho lang naman ito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
We touch, We Kiss, We sin
RomanceHindi mapigilan ni Xiomara "Xia" Pineda ang mapapikit sa tuwing naamoy niya ang nakakaakit na pabango ng lalaking ito na gising na gising yata noong magtapon ng magagandang pisikal na katangian ang diyos. Si Liam Blake Bieschel. Kulang na lang ay...