MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid.
"Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi.
"Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot. " Ay palaka!"
Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan.
"Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo.
"G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?"
Agad siyang nagpalinga-lingat pagkatayo niya sa deck ng matantong wala na ang kausap niya kagabi. Ni hindi nga niya maalala kung anong oras siya nakatulog ng dahil sa mahabang nilang kwentuhan ng binate at ngsayon ay ni anino nito ay mukhang wala na sa loob ng yate na iyon.
"Si Sir Blake ho ba ang tinutukoy niyo Miss?" Nakangiting awag nito, Sunod-sunod naman siyang tumango dito blang sagot.
"Kagabi pa siya nakaalis ng makadaong ang yate dito." Magalang na pagbibigay ng impormasyon nito.
"Anong kagabi pa?!" nagulat siya sa narinig ng tignan niya ang kanyang phone ay ala-sais na ng umaga. " Di man lang ako ginising ng mokong na yon," pabulong na inis niya ng mapagtanto na iniwan siya nito kagabi pa.
"Our boss instructed us not to wake you up and wait until sunrise for you to wake up on your own." sabi ap niito.
"Ha?ako?" Halos hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng binatang nakakwentuhan kagabi. "Sana ginising niyo na lang po ako, uhm Excuse me po pwede bang matanong kung sino kayo?" ngiti niya sa mas matandang lalaki sa kanyang harap.
"Ako si Mr. Gonzales, his butler," Pagpapakilala naman nito.
"B-butler?" mas Lalo siyang magulat na kanyang narinig. Sobra nga sigurong yaman nito at mayroon itong naka amerikanong butler?.
"Shall we?" Iginawi nito ang mga kamay upang magpatiuna siyang makababba ng yate, Kahit na o-overwhelm sa umagang iyon ay sumunod na lang siya. Marahan niyang isinuot ang coat na naiwan sa kanya ng binate at isinuot iyon upang takpan ang kanyang katawan na naka- costume pa.
Pagkababa nila ng yate ay may agad na dumating na isang magarang itim na kotse sa kanilang tapat.
Dumaan naman sa kanyang harapang si Mr. Gonzales at binuksan ang likuran ng seat ng itim ng kotse para sa kanya.
"Ay, hindi na po pero salamat, Mamasahe na lang po ako." Tanggi niya ng makita ang special treatment nito at saka isa pa nakakapagtaka na pati ang magarang kotse na ito ay para sa kanya.
"Mahigpit na ibinilin samin ni Mr. Blake namin na ihatid kayo kung saan kayo pauwi," sabi nito habang kalmado pa rin ang boses. Napangiwi naman siya upang tanggapin ang alok nito Kahit na nagtataka ay hindi na rin siya tumanggi dahil convenient rin naman ang alok nitong pagpapasakay sa kanila.
"Ang gara!" Mahinang bulalas niya ng makaupo sa likuran ng sasakyan nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya. Ang mga upuan nito ay nababalot ng light brown leather at kurtina na tabing sa mga windows ng kotse. May harap din sa pagitan ng driver's at passenger's seat area kung kaya't hindi siya makikita ng mga ito unless na buksan nito sa gitna ang maliit na salaaming bintana.
BINABASA MO ANG
We touch, We Kiss, We sin
عاطفيةHindi mapigilan ni Xiomara "Xia" Pineda ang mapapikit sa tuwing naamoy niya ang nakakaakit na pabango ng lalaking ito na gising na gising yata noong magtapon ng magagandang pisikal na katangian ang diyos. Si Liam Blake Bieschel. Kulang na lang ay...