Gia POV

13 0 0
                                    

"Giaaaa"

Nagising ako sa ingay ng sigaw, agad akong napatayo sa aking kama kahit gustohin ko pang matulog.

"Shit, late nako"

Natanto ko nang masilip ang orasan namin, kaya't agad akong nagtatakbo sa cr para maligo.

"Giaa, wag kanang maligo"

Boses palang alam kong kaibigan ko ang maingay, palagi kaming sabay pumunta sa eskwela dahil di naman kalayuan ang bahay namin sa kanila.

"Gaga kaba? Ayokong matulad sayo no" Pabalik kong sabi, napasigaw ako para marinig niya dahil sa loob ko siya ng kwarto at nasa cr ako, narining ko namang tumawa siya sa sinabi ko.

"Sana narecord ko yun, para marinig ng mga taong akala nila ang Gianne ay mala carmella" Sabi niya, at tumawa pa, hindi nalang ulit ako nagsalita at binilisan na ang pagliligo. Paglabas ko ay nakita ko siyang nakahiga sa kama at nagseselpon, parang kwarto lang niya ha.

"Wow, ganda mo diyan ha" sabi ko pero hindi niya lang ako pinansin kaya't agad nako nagbihis ng uniporme.

"OMG!" sigaw niya, at tumayo papunta sakin, nang nagsusuot nako ng sapatos ko, at may pinakita siya sakin sa telepono niya.

"Ano yan?" agad na sabi ko, isang lalaki na nakapose sa profile nito sa facebook, di ko naman kilala.

"Gaga, Tao syempre" agad na banat niya kaya't napailing ako.

"Gaga, alam ko. Ano ba yan, di ko naman kilala yan" Kinuha ko na bag ko, at handa nang bumaba.

"Anna!!! Kung wala ako, talagang ulats kana. Buti nalang andito ako" sabi niya nang bumababa kami, marami pa siyang sinasabi pero di ko pinapansin napatigil nalang siya ng maabotan kami ni papa sa kusina.

"Oh, nana! mobi, kain na kayo" sabi niya samin nang makita kami na paalis na.

"Ah, salama---" agad napatol ang sasabihin ni Mobi nang hatakin ko sa paalis, dahil malalate na kami.

"Wag na pa, dun nalang kami kakain dahil malalate na po kami, love you" agad na paghalik ko sa pisngi ni Papa at agad nang hinatak si Mobi palabas, nagbabye na rin siya kay papa.

"Sayang naman yung niloto ni tito, ang sarap pa naman" sabi niya pa nang kalalabas palang namin, tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang sakayan.

"Teka lang, Gia. Ang gwapo no?" tanong niya nang pinapakita ang nasa screen sa phone niya.

"Ewan" sabi ko, at binilisan ang paglalakad.

"Aaaah, oo lang naman at hindi, Pero alam ko naman Oo sagot mo' no" sabi niya nang nagmamadali dahil napakabilis ko maglakad, haggang sa naparating na kami at agad nakasakay, pero di parin siya humihinto kakasalita kahit di ko naman naririnig.

"Nakikinig kaba?" pagtatakang tanong niya dahil napansin niyang wala akong pakialam. "Hays, oo nga pala. Bakit ko to sinasabi sayo e buong buhay na kasama kita wala kang paki sa mga lalaking pinapakita ko sayo, hanap kaya nalang ako ng bagong friend tsk" Hindi ko nalang siya ulit pinansin dahil hindi naman bago sakin na nagdradrama siya dahil wala akong paki sa mga lalaking pinapakita niya sakin.

Ilang taon narin kami ni mobi magkaibigan, lumipat sila sa lugar namin noong grade 5 ako at buong buhay ko noon walang akong kaibigan dahil hindi ko sila pinapansin, seguro dahil naiilang sila sakin o ewan basta parang takot sila makipag kaibigan e hindi naman ako palakaibigan din noon. Si mobi lang talaga ang nakayang patumbagin ang ugali kong iyon, dahil buntod ng buntod at sobrang daldal niya sakin, kahit bwesit na bwesit nako at kahit anong gawin ko para mapaiwas siya ay hindi tumalab, lumala pa nang malaman niyang magkapitbahay kami dahil dumalas yung punta niya sa bahay kahit hindi ko siya pinapansin. Gusto naman siya ni papa kaya okay lang sakanya nandoon si mobi sa bahay at masayang masaya pa siya dahil sa wakas daw may kaibigan na din ako, kaya tudo alaga niya si Mobi na parang anak niya rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me, AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon