Chapter 1

4 1 0
                                    

Year 2014,

RION'S PoV'

Masayang naka-upo sa duyan si Rion habang kalong si Jen at hawak ang anim na buwan ng tiyan ng asawa.

"B anlaki na agad nya, malapit na natin syang makasama", saad nito sa tenga ni Jen."Masaya ako B dahil hindi mo kami pinabayaan ni baby, iloveyouuuuu!"pabalik na sabi nya, sabay halik sa pisngi ng asawa.

"B mahal na Mahal ko kayo ni baby,wag nyo iiwan ha?" ,si Rion,sabay hawak sa kamay ni Jen." Aba syempre!Ikaw nga d mko kami iniwan eh.Saka pagkapanganak ko papakasal na tayo. "Pagkasabi ni Jen noon,namuo na agad ang luha ni Rion."Iloveyouuuuu B".

==

Present Time,

Sariwa pa lahat ng ala-alang yan sa isip ko. Hindi raw iiwan, hindi nga iniwan nakalimutan naman.

"Tsk", yan nalan ang nagawa ko habang inaalala ang nakaraan.Napatingin naman ako sa kaaararo palang na tubuhan sa likod bahay habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa gitna nito.
"Xyria! Umuwi kana! Katanghaliang tapat saka ka naglalaro!" sigaw ko sa anak namin. Agad Naman nanakbo ang Batang babae papunta sa ama. "Papa naman eh kakalaro ko lang kina kuya Rys" ,tukoy nito sa pinsan nya.

"Lika kana at kakain na tayo.Dalhan mo mamaya ng ulam ang Tita Mirah  pagkatapos natin kumain. "Opo!" pabalik na sigaw ng anak ko. At nagsimulang kumain na.

==

XIANNA's PoV,

Nakaupo ako sa counter ng paborito kong bar dito sa BGC, sa The Lost. Habang sinisimsim ko ang inorder kong tequila, ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng jeans na suot ko, agad ko itong kinuha at sinagot. "Hello?"sagot ko, "oh Fallacy, bakit ka na naman napatawag?" "Nandito na naman sa inyo ang ex mong juding" hindi pa natatapos magsalita si Fallacy ay ibinaba ko na agad ang tawag sabay irap.

"Bahala syang maghanap at maghintay doon, pake ko." Sabi ko sa hangin.Nang biglang may masalita, "mukang badtrip ka miss ah?" Sabi nito, "by the way I'm Khael." segunda nito sabay abot ng kamay. "Xianna" igling tugon ko.

Nagtagal pako ako sa bar nayon ng ilang oras pa habang kausap si Khael. Nang maramdaman ko ang konting hilo, nagdisisyon na akong umuwi. Nagprisinta pa si Khael na ihatid ako pero tumanggi ako.

Habang nag da-drive ako umiikot na ang paningin ko. Nagulat ako ng biglang napahinto ang sasakyan ko dahil sa lakas ng salpok nito sa unahan. Walangya nabunggo na pala ako. Sabi ko sa isip ko. Akmang baba ako ng kotse ng biglang may kumatok sa bintana. "Miss naka bunggo kana oh!", sabi nung lalaki na may ari ng kotse sa unahan. "Nako pasensya na,nakainom kasi ako." sagot ko ng pasuray-suray.

"Magbabayad nalang ako, pasensya na talaga!", pinal ko sabi at nag labas ng ibabayad.

Natapos ang areglohang naganap. Saka palang ako nakahinga, at dali kung idial ang number ni Fallacy at nagpasundo. Dumating si Fallacy at umalis na kami. Habang pauwi, iniisip ko parin ang mukha ni Khael, bakit kasi napakagwapo mo? Akin kana lang kaya? HAHAHAHA Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang naka-upo sa passenger seat ng sasakyan ni Fallacy.

XIANNA'S PoV

Pag-gising ko nasa kwarto na ako at umaga na.Hayss..napaisip ako."Umaga na!?!"sigaw ko.

"Hoi Xianna!wag ka sumigaw at andyan na naman si Son sa baba."sabi ni Fallacy habang nakasilip sa pinto.

'Kailan ba ako titigilan ng hinayupak nato!',sabi ko sa isip.Bumangon ako at nagpunta ng banyo,naligo,nagbihis, pagkatapos bumaba ako para kumain.

Pagbaba ko..."Besshyyyyyy!",langya talagang baklang to,napa irap nalang ako matapos nya kong yakapin ng pagkahigpit-higpit,akala ko ako yung taong ang tagal nyang di nakita.

"Tss,ano ginagawa mo dito? And what do you need ba?",tanong ko."Alam mo kasi Jen, kailangan kana ng anak natin.... syempre charooot!Samahan mo nmn muna si Xyria,alam mo na mawawala na naman ako ng ilang weeks,lam mo nakelangan rumaket para may pangbuhay Kay Xyria...sa anak natin.

"Ha?May sinasabi ka?","Wala.. kelangan ko lng talaga ng tulong mo para kay Xyria saka sayo Lang naman nakikinig yun pag wala ako kaya beshy sana pagbiyan moko.",Sabi nya ng nagpapa-cute na ewan.

Tumango ako tapos nagtitili na naman sya!As in tili!mas babae pa nga ata to saken eh.

"Salamat talaga beshy!Thank you,wag ka mag-alala bibigyan kita ng pang b-bar mo hehe."Sabi nya na parang may bumabara sa lalamunan nya.Ako naman ngiting-ngitin,HAHAHA may pang bar ako ibig sabihin baka makita ko na naman si Khael hehe."Osigesige,pasalamat ka may pamapalubag kang binibigay hahaha.

"Pano yarn beshyy sure na yan ah HAHAHA salamat!"segunda nya na halata namang pilit lang.

Ewan ko ba sa baklang yun,pero at least may pera na naman ako.

==

Andito na ko sa tapat ng bahay ng bakla.Nakakita ko ang pintuan nilang bukas at may batang babaeng nakasilip na animoy may iniintay,pumasok ako sa gate at dumeretso sa pintuan.

"Hi Xyria,namiss ka ng Tita Jen,kamusta kana?", sabi ko sa bata,nanatiling naka titig lang saakin si Xyria na aakalain mo ako ang nanay na palagi nya iniintay umuwi,palaging nagkukuwento saakin si Xyria tungkol sa kanyang ina at sa tuwing nagkukuwento ito hindi ko namamalayan sabay na pala kaming umiiyak na dalawa.

Bawat kasi pag kwento nya apektado ako.

"Amissssyouuu you din po T-tita Jen,ayos lng po ako kahit umalis na naman si Papa, ikaw po ba?"agad syang nakabawi sa pagkatulala kanina at agad akong sinagot sa tanong ko.

"Nakakain kana ba,pinakain kaba ng Papa mo bago sya umalis?"agap ko, "Opo Tita,saka andito po kanina si Tita Mirah bago umalis si Papa,saka Tita makikipaglaro po pala ako mamaya kina Kuya Rhys dyan sa likod kasama yung mga kalaro namin. "hmm,mabuti nalang at maraming bata dito hindi sya naboboring, "Ok sige basta dapat wag ka makikipag away ha?para hindi ka pagalitan ng Papa mo pag uwi nya."ngiti ko sabay ayos ng buhok ni Xyria.

Sakto naman na nasa labas rin ang mga nanay ng mga pinsan at kalaro nya, lumapit ako kay Istal na nanay ni Rhys at nagkwentuhan kami saglit kahit na halata sa kanila na para bang may nagawa akong kasalanan, hindi ko nalang pinansin at nagpaalam ako na magluluto muna para may makain si Xyria.

Hinayaan ko na muna makipag-laro si Xyria sa mga pinsan nya at mga kalaro at nagsimulang magluto na.

Tapos na akong magluto  at maghahain na sana ako ng may simigaw na bata sa pinto, "Tita Jen si Xyria po inaaway nina Jake sa likod!"tarantang sabi ni Rhys habang hinihingal. "Ano!? sige sige pupunta nako." pati ako nataranta na,akong tumakbo sa likod at nakita si Xyria na umiiyak habang nakayuko.

"Kawawa ka! Wala ka na ngang nanay iniwan ka pa ng Papa mo!Hindi na Yun uuwi!", sigaw sa kanya ng batang lalaki. "Hoi!bakit nyo inaaway si Xyria ha!?" tumaas ang boses ko. "Kasi wala syang nanay,kami meron!" sigaw nito pabalik sa akin. Abat tarantadong bata 'to! "At sinong may sabi sayo?" tanong ko ng inis na dahil lalong humagulhol si Xyria "Ako!" sagot ng bastos na bata. "Ako ang nanay ni Xyria,bakit aangal ka!? gusto mo paluin Kita!? "segunda ko ."Apaka sama ng ugali mong bata ka! wag na wag ka ng makikipaglaro Kay Xyria ha, nakuu pag nakita kitang inaaway na naman ang anak ko isusumubong kita sa Nanay mo." pagsasabi ko sa bata.

Bigla nalang umiyak yung bata. Ako naman ay dali pinuntahan si Xyria na umiiyak parin. "Xyria,bakit?wag kana umiyak ha?andito na ko." niyakap ko sya at maya maya ay tumahan na Ito. "T-tita uuwi nako.." hikbi nito at akala mo ay nauubusan ng hingina.

Habang inaalalayan ko pauwi si Xyria bigla na lang syang bumagsak at napahiga sa lupa.

Nanlaki ang mata ko at nabigla, agad akong nag-panic "Xyria! Tulong!" ,agad kong tinawag si Rhys para makahingi ng mas mabilis na tulong saka ko binuhat si Xyria habang nangangatal.

Nakita kong nagtatakbukahan na sina Driel papunta sa amin kaya kaya nakahinga ako ng maluwag pero maya-maya para akong nahilo at kusa nalang pumikit ang mga mata ko. Huli kong nakita si bakla na nag-aalalang tumakbo para saluhin ako.



Beating His (FEELINGS SERIES 1)Where stories live. Discover now