CHAPTER 2

68 7 3
                                    

2 months na akong nag tuturo sa  Joseon High School. At iniisip ko padin ang usapan namin ni matteo. Kung siya ang may ari ng school na ito ibig sabihin bihira lang siya pumarito?

"Huy tulala ka na naman! May gwapo ba na teacher sa school? Student?"

"Hoy Kia ginawa mo naman akong pedophile! May nakausap kasi akong guro noon habang lunch break ng school." paliwanag ko dito, tumaas isang kilay nito. Alam ko na hindi ito kumbinsido sa kwento ko.

"Sarah alam ko may kasunod yang kwento mo, ituloy mo na kasi!"

"Oo na eto na! Napag alaman ko kasi na siya pala ang may ari ng skwelahan kung saan ako nagtuturo, at bihira lang daw iyon pumunta sa school na pag mamayari nya. Masungit daw yun pero noong kausap nya ako, nagpapatawa pa siya."

"Oh? E anong drama mo yan? Tulala kapa dyaan? Crush mo noh? Omg!" tumakbong palabas si kia, narinig ko pa ang kalabog ng gate.

"MGA KAPITBAHAY, SI SARAH MAY CRUSH NA, IMBITADO KAYO SA BINYAG!" napatayo ako sa lakas ng sigaw ni kia sa labas at may naririnig pa akong mga palakpakan at sigawan.

"Besh kailan binyag? Aray!"

"Ano na naman yung palabas mo doon kanina?! Tyaka anong binyag ka dyan? Wala pang kasal nasa binyag kana!"

"Malay mo mauna ang sheks"

"Heh! Ewan ko sayo puro ka kahalayan, matulog ka na nga!" padabog akong umakyat sa itaas.

Sino kaya ang namatay na pinsan ni Matteo? Siguro mabait din siya katulad ni matteo. Makatulog na nga baka sungitan na naman ako ng mga estudyante ko bukas.

"Besh gising, prince charming mo nasa baba." yugyog ni kia saakin.

"Kia naman natutulog pa yung tao, pagod ako ano ba!" pero imbis na umalis ito at tigilan ako mas lalo ako nitong niyugyog, hindi parin ako dumidilat. Naramdaman ko ang pag lisan nito sa silid ko.  Pero ilang saglit lang may naramdaman na naman akong umupo sa kama ko.

"Baka malate ka, sayang may bonus pa naman kapag walang kang late sa trabaho." napabalikwas ako at muntik pang malaglag sa kama ng mapagsino ko ang may ari ng boses.

"Ay sir ano pong ginagawa nyo dito? Nag almusal na po ba kayo? Bakit wala pa po kayo sa school? Baka po m-

"Shut up. Get dressed and go to work, see you there. Mauna na ako." sa isang iglap naiwan akong nakatulala.

"kia,Kia!"

"Yes? If itatanong mo saakin kung anong ginagawa nya dito, please huwag mo na ituloy at wala din akong alam. Basta para siyang mushroom na biglang sumulpot sa harap ng gate natin kaninang 6am." kaninang umaga pa siya andito?!

"Kaninang 6am?!!! Bakit ngayon mo lang ako ginising! Kia 6:30am na!" nagkibit balikat lamang ito.

"Alam mo bes kumain kana, nagdala sya ng jollibee meal dyaan oh!"

"Hindi mo manlang tinanggihan?!"

"At bakit naman ako tatanggi sa biyaya sarah? Sa sobrang gwapo at hot ng boss mo baka kahit anong ioffer nya kakainin ko." naka kagat labing sabi nito.

"Ewan ko sa'yo, papaano mo naman nalaman na boss ko sya?"

"Edi sinabi nya, bes don't tell me siya ung lalaking sinasabi mo na may ari ng school kung saan ka nag tatrabaho?" sumabay nadin ako sakanya kumain, tumikim lang ako kaunti ng fries dahil hindi naman ako nag aalmusal sa umaga, puro ako kape.

"Siya yun bes. Alam mo parehas pala kaming nawalan ng mahal sa buhay, 2 months ago."

"Mag move on kana sarah hindi kana babalikan ni churchill. Baka may iba nayun and who knows baka engage na, madami pang ibang lalaki dyaan na mas deserving ng pagmamahal mo at hindi si churchi yun okay?! Kumain kana alas siete na oh baka malate ka." totoo naman ang sinabi nito. Baka nga engage na si churchill.

Hindi na ako nag toothbrush nag mouthwash na lamang ako, wala namang aamoy ng hininga ko. Tyaka dalawang beses kaya ako nag toothbrush sa isang araw. Doon nalang ako sa school mag t-toothbrush bago ako pumasok sa klase ko.

"Good morning Ms.Geronino, ipinapatawag po kayo ng may ari ng school sa office nya." bungad saakin ng kapwa guro ko.

"Si Sir Guidicelli? May nagawa ho ba akong kasalanan? Hindi po ba maayos ang trabaho ko?" kabado kong tanong. Sa loob ng dalawang buwan kong pagtuturo hindi naman ako pumalpak, napatino ko pa nga ang mga estudyante ko.

"Hindi naman siya galit, basta daw kapag nakita kita ngayong umaga o makasalubong manlang, sabihin ko daw na pumunta ka sa office." sumunod naman ako dito, inilapag ko muna ang mga gamit ko at bag sa desk ko saka tumungo sa office nya. Dalawang buwan na ako dito pero hindi pa ako nakakapasok sa opisina ni matteo, ngayon palang! Kinakabahan ako.

"Ahmm sir?" katok ko muna sa pinto niya

"Come in." rinig kong sabi nito.

"Bakit po? Sir kung mamarapatin nyo po pwede ho bang mamaya nalang po yang ididiscuss nyo kung mahaba? Kasi po 20 minutes nalang klase ko na." ngumiti pa ito. Ano bang nangyayari?

"Kumain ka ba? Nabusog kaba sa dinala ko?" tanong nito. Lalo naman akong nagulat, talagang ipinatawag pa nya ako dito para lang itanong yan?!

"Ah opo m-masarap nga eh, s-salamat po ah." bakit ba kasi ako nauutal? Nagulat ako na hapitin nito ang bewang ko, ano pa ba magagawa ko? Hindi rin ako makawala sa higpit ng hawak nya, pero gentle lang hindi naman masakit ang pagkakahawak.

Mas ikinagulat ko ang sunod na ginawa nito. Naramdaman ko ang paglapat ng malambot nyang labi sa labi ko. Ang bango ng hininga nito. At hindi pa ako nakakamove on sa pagsakop nya sa bibig ko, naramdaman ko na ang dila nya sa loob ng bibig ko. Hindi ko pa siya naitutulak siya na mismo ang unang kumawala sa halik nakakahiya! Eh sa nagulat ako!

"Hmmm french fries lang pala kinain mo, papaano ka nabusog doon?" tanong nito na may bahid pa ng lipstick ang gilid ng labi.

"P-paano mo nalaman na f-fries lang?!" nauutal ako pero inis ako!

"Nag mouthwash kalang siguro, hindi nawala ang amoy at lasa ng kinain mo, kaya nilasahan ko." lalo akong namula.

"Pwede ho ba huwag nyo na uulitin sa susunod? Bawal po iyan dito sa paaralan. Mauna na ho ako." seryoso kong tugon dito. Pero narinig kong nag salita ito kaya napahinto ako.

"Sorry Sarah kung kinuha ko ang 5 minutes mo, pero hindi ako hihingi ng tawad dahil sa halik. Btw ang sarap ng labi mo, mas masarap kaysa sa fries na kinain mo." agad akong lumabas at mabilis na lumakad pabalik ng faculty.

NAKAKAHIYA!

Overjoyed Where stories live. Discover now