May isang babaeng mag-isa lang sa bahay dahil ang mga kasama niya sa bahay ay may pinuntahan na importante. Gabi na at siya na lang ang gising at ang mga kapitbahay niya ay mga tulog na."Ano kayang gagawin ko? Gabi pa naman at talagang ngayon pa nila ako iniwan. Bakit hindi na lang nila ako sinama?" Takang tanong niya sa sarili niya.
Sandali siyang nag-isip at napapitik na lang siya sa darili niya na may alam na siya agad."Ahh baka bawal ang bata doon kaya hindi nila ako sinama."
Pumunta siya sa kanilang sofa bed at umupo siya na para bang nagiisip. Makalipas ang ilang oras ay naisipan niyang manood na lang ng tv.
Paboritong drama niya ang pinapanood niya ngayon. Hindi rin nagtagal ay may kumatok sa pinto ng bahay nila. Napaisip siya na baka ito na yung pamilya niya pero naalala niya ang sinabi ng kanyang Ina na pag may kumakatok at walang sinasabi na 'tao po' ang ibig sabihin nito ay hindi tao o isang demonyong nilalang.
Kaya hinayaan na lang niya yung kumakatok sa pintuan ng bahay nila. Maya-maya ay tumigil din. Tinuon niya yung atensyon niya sa tv nila.
Nasa kalagitnaan na siya ng panonood ng kanyang paboritong drama ay may kumatok ulit ngunit malakas ang pagkatok sa pinto na parang gigibain na ito.
Nagulantang at nanigas siya sa kinauupuan niya. Hindi niya alam ang gagawin niya, nagdadalawang isip siya kung bubuksan ba niya yung pinto o hindi. Ngunit wala na siyang magagawa kundi ang buksan yung pinto.
Pagbukas niya ay ang pamilya niya yung pumasok sa loob ng bahay at makikita mo sa mga mata niya ang mukhang galak na galak dahil nakauwi ng ligtas ang kanyang pamilya.
"Ma! Buti at nakauwi na kayo." Tuwang-tuwa na sabi ng babae ngunit hindi manlang nagsalita ang kanyang ina samantalang tinignan lang siya nito sa kanyang mga mata.
Takang tinignan niya yung kanyang Ina pero umiwas siya ng tingin at iniwan ang Ina sa harapan niya kaya kinausap na lang niya yung Kuya niya.
"Kuya! Kumusta sa pinuntahan ninyo?" Ngunit hindi siya sinagot ng kanyang Kuya dahil tinignan lang din siya nito
Kinausap niya din ang kanyang Tatay ngunit hindi rin sumagot at tinignan
lang siya ng natatakot ang tingin.Hindi alam ng bata kung ano ang nangyayari sa kanyang pamilya kaya bumalik na lang siya sa panonood ng kanyang paboritong drama. Maya-maya ay may kumatok at nagsasabi ng 'tao po' kaya binuksan ng babae yung kanilang pinto at bumungad sa kanya ang kanyang tita.
"Alisha pamangkin, hindi makakauwi ang iyong pamilya baka bukas na sila makakauwi dahil baha daw sa pinuntahan nilang lugar. Kaya kukunin muna kita para matulog sa bahay ko at may makasama ang iyong mga pinsan. Kunin mo muna yung mga gamit mo." Sabi ng kanyang tita.
"Po? Eh tita nakauwi na po kaya sila Mama." Sabi naman ng bata.
"Anong nakauwi? Sinabi ko naman sayo na hindi pa sila makakauwi kasi baha sa lugar na kanilang pinuntahan kaya paanong nakauwi na agad?" Takang tanong ng kanyang tita.
"Nandito na po sila. Ayan po oh." Sabi ng bata sabay turo sa kanyang pamilya at tinignan naman nun ng kanyang tita kung ano yung tinuturo niya.
"Wala naman, pamangkin." Sabi ng tita niya.
"Anong wala po? Ayan po sila nagaayos ng g—" Napatigil ang bata at tinignan yung tinuturo niya ngunit wala doon ang kanyang pamilya.
"Sino ba yung tinuturo mo doon? Wala namang tao." Sabi ng kanyang tita.
Kaya nanigas siya sa kinatatayuan niya. "Kung ganon po tita. S-sino po yung pinagbuksan ko ng pinto kanina?"
Ngayon lang niya naalala na hindi pala nagsabi ng 'tao po' yung kumatok kanina at tanging katok lang ang naririnig.
—THE END—