1- Iris

2 0 0
                                    

"Iris! Takbo!" sigaw ni Lia.

Tumatagaktak ang pawis ko habang tumatakbo. P*ta isa nalang sapatos ko, gag*ong Vince 'yon. Hindi sinabing may mga guard pala sa loob ng campus.

Lumiko ako sa isang building malapit sa gate. Si Lia naman ay nasa tapat na building. Pucha paano na 'to?

Nakahanap ako ng isang classroom na walang gamit at kahit ano. Pumasok ako at agad na isinara ang pinto. Ngayon ay nakasandal na ako sa pinto habang humihingal.

"Asan na ba 'yun?!" natataranta ko'ng hinanap sa bag yung cellphone ko.

Nang makita ko ito ay agad ko nang tinawagan si Vince.

"G*go ka 'ata eh, libangin mo yung mga guard bilis! Nasa Engineering Building ako." binaba ko agad ang phone ko at dumungaw sa bintana.

Wala na yung mga guards mukhang nalampasan 'ata nila ako. Hinay-hinay akong lumabas at agad na tumakbo pababa.

"Ano?" tanong ko kay Lia na halos lumuha na sa takot.

"U-umalis n-na tayo Ris!" nanginginig ang boses niya para siyang hinabol ng multo.

I grabbed her bag and carried it, inalalayan ko rin siya dahil hindi siya makalakad ng maayos dahil natapilok siya kanina habang tumatakbo.

"Sabi ko naman sa'yo 'wag ka na sumama" I sighed.

Lia didn't say anything, parang grabe yung pagsisi niyang pag-sama sa akin. Pucha bakit ko pa kasi binalikan yung sigarilyo ko.

"Kuya paki sundo ako," malamig ko'ng sabi sa driver ko.

"Iris, 'wag na natin ulit gawin 'yon" I saw Lia's hands shaking. Hindi siya sanay sa ganito, she's idk too soft I guess?

Hinawakan ko ang likod niya and I softly rubbed it.

"Sorry Lia, but I warned you diba? Sabi ko sa'yo iba akong kasama" I told her.

Lia's my bestfriend, for 10 years now. Since we were 8 kami ang laging magkalaro. Kung siya barbie ang nilalaro ako naman baril. 

Magkaiba talaga kami sa isa't isa.

"Ma'am!" tawag ng driver sa akin.

"Kuya Penny, sa condo lang tayo" agad akong umupo sa front seat, habang si Lia naman nasa likod.

"Naku ma'am sabi ni sir Anton sa mansion raw po eh" napakamot siya sa ulo niya.

I scoffed. Eto na naman siya.

"Whatever" pinikit ko ang mga mata ko at natulog.

"Kuya drop mo nalang po ako, salamat" narinig ko na sabi ni Lia.

After a few minutes ay naihatid na namin si Lia sa kanila.

"Bye Ris!" paalam niya.

"Mm" hindi ko na binuksan pa ang mga mata ko.

Now nasa dining table nako at kumakain kasama ang pamilya ko. Dad's face is so annoying.

"Quin, how's school?" Dad asked my brother.

Quin is just a year older than me, nag-aaral siya sa ibang school dahil andon ang girlfriend at mga barkada niya.

"Good dad, my grades are still the same" he chuckled. "What about you sister?" nag-smirk siya.

Sarap tusukin ng tinidor.

"Good," sabi ko lang.

"Iris, your principal called" my dad looked at me. "May dalawang bagsak ka raw, tapos nakita ka pa sa cctv na hinahabol ng guard sa loob ng campus" he sighed. "Wala ka na ba talagang matinong gagawin?"

BLUE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon