CHAPTER 3

1.1K 31 0
                                    

Nakita kong tumatawag si Luke, binaliwala ko iyun at inoff ang cellphone ko.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising, nakalimutan kong kumain kagabi kaya maaga akong nag luto ng umagahan.

"Janna, open the door." tinig iyun ni Luke.

"Morning, napasyal ka." peke akong ngumiti.

"Bansot, anong almusal natin? Ang bango ng niluluto mo."

"Wag kang o.a, sinangag lang yan."

"Haha, I miss you bansot."

"Wow ang sweet, anung nakain mo ha? Sungit!"

"Bakit? Masama ka na bang mamiss ngayon? Nag paalam ako kay Dad. Saan mo gustong pumunta?" ngiting ngiting sabi niya.

"Alam mo naman kung saan, our favorite place.Sa Regina Rica sa may Sampaloc."

"Okay let's go there." masaya niyang sabi.

Paborito naming puntahan ni Luke ang lugar na iyon, bukod kasi sa nakakarelax ang paligid presko pa ang hangin na dumadampi sa balat mo.

Nag gala at umakyat kami sa napakataas na hagdan. Sobrang ganda ng tanawin, ang sarap langhapin ng preskong hangin dito.

Luke and I took a picture to add to our collections and memories to share.

Masaya kaming nag gala at nag tatawanan. Ito yung pangyayaring hindi mo na hihilingin pang matapos

Akala ko talaga perfect day ko ng maituturing ang araw na ito pero nag kamali ako.

May tumawag kay Luke at sinabing naaksidente si Princess, kaya madali siyang nag yayang umuwi.

Hinawakan niya ako sa braso at dali daling nag tungo sa kotse, pero hinila ko ang braso ko at tumigil sa pag lalakad.

"It's okay Luke, you don't have to take me home, I can go home alone." mapait akong ngumiti. "And One more thing, it looks like you really need to be there so I'm not-

"But Janna, it's a bit far. I don't want to just let you go home alone. Halika na ihahatid na kita." halatang aligaga siya.

"No, okay lang talaga Luke, may pamasahe pa naman ako oh." Ipinakita ko pa ang pera ko at pilit na magandang ngumiti,para ipakitang okay lang talaga. "Umalis kana Luke, baka hinihintay ka na ni Princess."

Ginulo niya ang buhok ko. "Babawi ako my princess." Yumakap lang saglit at madaling umalis.

"Hindi na ako ang prinsesa mo." mahina kong bulong, malungkot akong nag lakad lakad.

Ano ba ang meron sa kanila ngayon? Bakit sobra naman siyang nag aalala sa babaing iyon?

Malalim akong bumuntong hininga. Para akong maiiyak sa lungkot at selos na nararamdaman ko. Nagseselos ako kapag naiisip kong hindi na lang ako ang inaalala niya,hindi nalang ako ang bestfriend niya o baka naman, mas higit pa sila sa iniisip ko.

Tumunog ang cellphone ko at wala ko iyong ganang sinagot.

"Hello Tita?" halatang malamya ang boses.

"Why is your voice like that hija? Hindi ka ba nag eenjoy sa pamamasyal niyo ni Luke?"

Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|Where stories live. Discover now