May mga oras na ako ang takbuhan niya sa tuwing nag aaway sila ni Princess, wala naman akong ibang ginawa kung hindi ipakita sa kanya ang suporta ko, na nandito lang ako sa tuwing may problema siya.
Mali bang matuwa kapag alam mong may problema sila? Nakakakonsensya.
Naaalala lang naman niya ako kapag mag ka away sila. Kapag kailangan lang niya ng makaka usap, siguro ganoon talaga ang papel ng mga bestfriend.
"Hey? Nakikinig ka ba sa akin?" akbay niya.
Andito kami ngayon sa sala nila. Nakikinig sa paulit ulit na kinekwento niya.
"Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit lagi nalang siyang galit sa akin." seryoso niyang sabi.
"Baka naman may nagawa kang ayaw niya? Bakit hindi mo siya kausapin?"
"Ayaw nga niyang makipag usap sa akin. Lagi nalang naka angil."
Baka nauulol. Haha charr!
"Paano niyo maaayos iyan, kung hindi niyo pag uusapan ang problema?"
"Hindi ko na siya maintindihan,sandali palang kami pero lagi na kaming nag aaway." bumuntong hininga siya ng malalim at tumingin sa akin."Kaya ikaw kapag nag ka boyfriend ka,sasabihin mo sa akin. Piliin mo ang lalaking hindi ka sasaktan. Ayaw kong may nananakit sa bansot ko."
Napa tingin ako sa kabilang gawi. Kung alam mo lang, matagal tagal mo na akong nasasaktan.
"Oo na," sagot ko nalang. "Wala akong balak mag boyfriend, nakikita ko palang na nag kakaganyan ka! Hindi ko na gugustuhin pang mag ka nobyo!"
Natawa siya sa sinabi ko. "Masaya naman ah?"
"Wow? Ganyan na pala ang masaya ngayon?" sarkastika kong sabi.
"Hija." lumapit si Tita. "Dito ka na mag hapunan."
"Sige po tita." ngumiti ako pa balik.
Tumayo si Luke. "Wait lang, sagutin ko lang ito." patukoy niya sa cellphone.
Tumango lang ako.
Pag dating ng hapunan ay tumulong ako sa pag hahanda ng maka kain.
"Luke, halika na. Ano pang ginagawa mo sa labas kakain na tayo." pag tawag ni tita.
"Wait Mom, may hinihintay lang po ako. Oh she's here na."
Bumungad sa amin ang nakakairitang pag mumukha ni Princess, halatang peke siya kung ngumiti sa akin.
"Hello po tita, magandang gabi." pag bati niya.
"Walang maganda sa gabi." rinig kong bulong ni tita atsaka pekeng ngumiti pabalik kay Princess. "Have a seat." inihayag niya ang katabi kong silya.
Napa kunot ang noo ko, pakiramdam ko ay nawalan ako ng ganang kumain.
"Oww hi Janna, I'ts nice to see you here."
Plastick ampota.
Hindi ako sumagot.
"Luke, umupo ka na sa tabi ni Janna." napahawak si tita sa bibig. "Oopps sorry hija, sanay kasi ako na laging mag katabi si Janna at Luke."
YOU ARE READING
Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|
Historia CortaI'm Janna Rodriguez and I'm secretly Falling in Love with Luke. We're bestfriend in 4years halos hindi ko na hihilingin pang mag ka boyfriend dahil sa kanya palang ay nararamdaman ko na ang lahat ng pakiramdam ng pagkakaroon ng isang may nobyo.