UNANG BAHAGI

34 3 5
                                    

"Sis, narinig mo na ba yung kwento tungkol sa tulay na ito?" Tanong ni Yves sa tropa niyang si Ellie  habang  sila ay nakasandal sa may hawakan ng malaking tulay na ito kung saan, nakatayo na ito ilang dekada na ang nakakaraan.

Ang kulay nito ay nasa kulay dilaw at ginto na sinamahan nat halatang binago ang ilan sa mga parte  nito kaya magmukhang bago at  kaaya aya sa paningin.

"Ha? There's a kwento about this tulay? Anong story iyon? I don't know pa kasi eh," sabi naman ng baguhan lamang sa lugar ng Webou na si Ellie sapagkat magtatalong buwan pa lamang silang naninirahan sa lugar na ito.

At base sa emosyon nakaplaster sa mukha ng babaeng baguhan ay mapapansin ang kuryosidad sa maputi niyang mukha at sa singkit niyang mata sapagkat may lahi siyang hapon dahil ang kanyang ama ay isang hapon.

"Talaga? Hindi pa iyon nasasabi o kahit naikwento man lang ng Lola mo sa tuhod na si Lola Leenda?" Tanong ulit ni Yves sa kaniya at napatigil pa ito sa pagseselfie na kanina niya pa ginagawa.

"Oo nga, we are not that close naman with Lola Leendz, ang alam niya nga I am kinda mataray daw." Malungkot na saad ng dalaga.

"Ganun ba? I don't know- I mean hindi ko alam eh. Saka pwede ba tigil tigilan mo ang pagiging conyo mo! Nahahawaan na ako sayo eh, baka mas lalo na ako niyan hindi magustuhan ng crush ko na  si Trezion."

Reklamo ni Yves at pagkasabi niya ng pangalan ng binatang iyon, ay parang isang hangin na bigla na lang nagpakita ang grupo ng mga nagbibisikleta na kabilang na roon ang may malapad na balikat at kitang kita ang mga muscles niya mula sa pagmaniobra niya sa sinasakyan niyang bisikleta.

Nang dumaan sila sa harapan ng dalawang dalaga ay hindi maalis ni Ellie ang tingin niya sa morenong binatang iyon dahil ang nagtatagong init mula sa kanluran.

At dahil nakatalikod ang dalawang dalaga sa may kanluran na siyang direksyon ng dahang dahan pagtago ng haring araw, kitang kita ang liwanag ng araw sa morenong balat ng binata, ang nasa perpektibong anggulo nito na panga niya ay nakaigting kasabay ng pagtingin ng mga kulay kayumangging mga nito sa direksyon ni Ellie.

Lumaki ng kaunti ang mga singkit na mga mata ni Ellie sapagkat siya ay nagulat dahil ang gwapong lalaking katulad ni Trezion ay bibigyan niya ng konting tingin.

Ng magtagpo ang kanilang mga mata ay napansin ni Ellie na umangat ng kaunti ang mga mapupulang labi ng binata, hindi siguro si Ellie kung namamalikmata lang ito o sadyang tama ang nakita niya dahil pagkatapos niyang pikit ang mata niya at iminulat ang mga ito ay nasa medyo malapit na katabi na sila ng grupo ni Trezion at nagpapahinga.

Nararamdaman ng dalaga ang kakaibang tibok ng puso nito dahil ngayon lang ito nakaramdam ng kakaiba sa rami ng mga lalaking nakilala niya. Hindi alam ng dalaga kung bakit sapagkat ang mga paru paro sa may tiyan niya ay nagsisimulang ng magkaroon ng pista kasabay ng pagsipol ng preskong hangin dahil malapit sa mapunong lugar ang tulay na ito at ang malinis na ilog na nagniningning pa kasabay ng liwanag ng araw.

Hindi alam ni Ellie kung dahil ba sa malakas na sipol ng  hangin kaya ang binatang si Trezion ay naglalakad papunta sa kanilang direksyon, at ang dalagang katabi naman nito ay hindi mawari dahil halatang kinikilig ito habang naglalakad papalapit ang binatang nakasuot pa ng cyclist attire at mga gear.

"Jusmiyo Ellie, nandiyan na ang isa kong pangarap pero parang nasa iyo naman ang mga mata." Saad ni Yves na parang siya ay nagpaparaya na dahil ang mga mata ni Trezion ay tila nakadikit na sa dalagang namumula na ang mga pisngi.

"Ikaw si Ellie, hindi ba?" Tanong ng binata gamit ang kanyang  natural na malalim na boses na animo'y isang kulog na nanakot ng mga tao.

Pero para sa dalagang si Ellie, ang boses na iyon ni Trezion ay parang isang musika na siyang gusto niyang ulit ulitin na pakinggan sapagkat ang mga boses na iyon ay parang nalulunod siya sa ganda ng ritmo nito.

"A-ah yeah, wa-why?" Tanong ni Ellie na siyang hindi siya nagtagumpay sa hindi pagkaka utal utal.

Palihim na lamang na natawa ang binata dahil halatang nahihiya na ang dalaga dahil sa sobrang pula ng kaniyang maputing mukha, may kaliitan ang dalaga pero hindi maitatangging ang kanyang kagandahan ay pwede niyang paluhurin ang libo libong kalalakihan.

"Wala lang," sagot ni Trezion habang si Ellie naman ay hindi magkauga uga dahil sa malakas na pagkabog ng puso nito at ang dahan dahang paglabo ng paningin ni Ellie na animo'y anumang oras ay matutumba siya dahil sa nararamdaman niyang hilo simula ng magtagpo ang paningin nila ninTrezion.

"Okay ka lang ba?" Kinakabahanng tanong ni Trezion dahil napansin niya na parang hindi maganda ang pakiramdam ng dalaga, at bago pa makasagot si Ellie ay walang anumang bigla na lang siyang natumba kasabay ng pagsalo sa kaniya ng mga maskuladong braso ng isang lalaki at ang pamilyar na tili ni Yves.

Ang Boses Ng Babaeng Sumisigaw Sa Tulay Ng WEBOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon