"Ano ba naman yan bakit ba ang sungit mo?" Pangungulit ng isang binata sa isang napakagandang dalaga habang sila ay narito sa kanilang unibersidad.
"Pwede ba? Tigilan mo ako dahil mahuhuli na ako sa aking klase?" Pagalit naman na sagot ng dalaga.
"Elena naman, pumayag ka na kasi, pagkatapos ng klase, alas kwatro y medya. Sa tulay ng Weibou, may sasabihin lang ako doon." Nahihirapang pangungumbinsi ng binata at ng titigan ng dalaga ang binata ay naramdaman niyang parang kailangan niya yatang magtungo niyon at kung hindi ay parang may masasayang siyang napakaimportante bagay.
"Sige, asahan mo ako roon Trois." Maikling sagot naman ng dalaga ay makikita ang pagsayaw ng kaligayahan sa mukha ng binata bago siya nilisan ng dalaga.
Mag Aapat na buwan na simula ng kulitin ni Trois ang napakatalinong dalaga sa kanilang unibersidad na si Elena, hindi niya mawari lung bakit ba napakailap nito sa mga binata.
Ang kanyang ganda ay nagiging isang tigre kung siya ay nagsisimula namang masungit kung saan ito ang isa sa mga nagustuhan ni Trez sa dalaga.
*****
Ang araw ay papalubog na, ang hangin ay kanina pa niyayakap ang katawan ni Trois sapagkat kanina pa siya naghihintay at kung bibilangin ay halos mag tre trenta minuto na siyang nakatayo sa may gilid ng tulay na ito.
Hindi alam ng binata kung seryoso ang dalaga sa kanyang sinabi kanina pero umaasa siya, umaasa siyang sisipotin siya nito dahil ang oras na ito ay ang kanyang napili upang ipagtapat ang nararamdaman niya tungo sa dalaga.
Napaupo na ang binata sa kontetong tulay na ito sa kadahilanang siya na ay nangangawit sa kakahintay sa dalaga. Nawawalan na siya ng pasensya pero naniniwala siyang sisipotin soya nito ng matalino at magandang dalagang nayon.
Hanggang sa may pares ng itim na sapatos na pambabae ang biglang niya nakita habang nakayuko ito, at ng igala niya ang kanyang tingin pataas ay ganoon.
Pagkakita ng binata sa dalaga ay agad itong tumayo at ang mga matipuno nitong dib dib ay agad lumapit sa kaniyang at ginawaran ang dalaga ng isang yakap.
Hindi mawari ng binata kung bakit napakasaya ng puso niya at abot langit ang kaligayahang nararamdaman niya.
Nabigla naman ang dalaga pero hindi niya alam kung bakit hinayaan niya lamang itong yakapin siya at hinalikan ang noo niya at tinitigan siya ng binata na siya lang ang pinakamagandang babae na kaniya g nakita simula ng magalapayt ang paningin nila sa isa't isa.
"Gusto kita gustong gusto kita sana hindi ko na napansin na ang simpleng pagkagusto ko sayo ay naging pagmamahal na." Biglang sabi ng binata na ikinabigla ni Elena.
Ang kani kaninang normal na pagtibok ng puso niya ay lumakas ng makita niya si Trois pero ngayong umamin ito ng kanyang nararamdaman sa kanya ay hindi na nito alam ang nararamdaman dahil parang lalabas na ang kaniyang puso mula sa kanyang dibdib.
"Ngayon, salamat dahil pumunta ka dito ay ngayon din ay tatanungin kita, maari ba kitang ligawan Elena?" Tanong ni Trois na mas lalong dahilan ng pagkakaroong ng pista sa ng mga paru paro sa kanyang tiyan.
"Hi-hindi ako naniniwala sa panliligaw, Tro-Trois," sagot ng dalaga dahilan ng pagkahulog ng mga balikat ni Trois.
"Ganun ba? Gagawin ko ang lahat Elena mapa sa akin ka lang pero bigyan mo sana naman ako ng pagkakataon."
"Hindi ako naniniwala sa panliligaw dahil mas gugustuhin kong maging nobya mo agad dahil iyon ang tingin ko ang paraan ng pagkakataon para ipakita mo ang pagmamahal mo sa akin."
Derederetsong sabi ng dalaga habang ang mga mata niya ay nakapako sa binata. Ang binata naman ay akala mo'y nanalo ng isang milyon mula sa jackpot prize dahilan ng pagkakaroon ng tubig na unti unting dumadausdos mula sa kanyang kulay kayumangging mga mata.
"E-elena, salamat. Pangako, hindi kita bibiguin. Mahal na mahal kita salamat." Sabi ng binata at agad noong ikinulong ang mga matipuno nitong braso sa katawan ng dalaga at niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Ang Boses Ng Babaeng Sumisigaw Sa Tulay Ng WEBOU
Conto"Maghihintay pa rin si Lolo Trois hanggang sa susunod na habang buhay upang klaruhin ang mga bagay bagay. At siya pa rin ang uulit uliting kulitin at piliin na mamahalin nito." PAALALA: Ang kwentong ito ay pawang imahinasyong lamang ng aking utak n...