Chapter 6

261 12 0
                                    

CASSANDRA'S POV

I admire Dale for being a hard working person, and I admire him more for being a good person and a very great friend.

He really loves his bestfriend, I wish, I could have some of this friendship.

"Cassandra, sorry kay Kevin. Para na kasi kaming magkapatid n'yan, nanibago lang siguro s'ya sa asta ko kanina." Ani ni Dale, napansin ko namang kumalat yung dugo sa suot n'yang white sleeve polo.

"Pinuwersa mo ang pag buhat sa kan'ya, 'di mo na inisip sarili mo. Tignan mo nagsariwa nanaman ang sugat mo, magpalit ka at linisin natin yang sugat mo." Tanging saad ko saka dumiretsyo sa sofa.

Lumapit sa'kin si Dale ng walang suot na damit pang itaas, dala ang emergency kit at white t-shirt.

Agad naman ako napaiwas ng tingin ng dumapo ang paningin ko sa katawan n'ya.

"A-Akin na yang kit." Umupo s'ya sa gilid ko kung saan nakabaling ang ulo ko.

"Bakit ba umiiwas ka ng tingin?" Nakangising saad n'ya.

"W-Wala! Akin na yan!" Mahinang singhal ko sa kan'ya, tinanggal ko ang bandage na nakapakibot sa balikat n'ya, saka ko ito nilinisan.

"Maganda ka pala no?" Agad akong napatingin sa kan'ya saka naman s'ya umiwas ng tingin saka sunod-sunod na lumunok.

"Ano kamo?" Nakangising saad ko.

"W-Wala sabi ko ang bagal mo!" Pagtanggi n'ya pa kahit narinig ko ang sinabi n'ya.

"Sus, ang sabihin mo crush mo ako." Natatawang ani ko, tinignan ko s'ya at mukha na s'yang kamatis sa sobrang pula.

"A-Alam mo..." Hindi n'ya maituloy ang sasabihin para bang naubusan ng salita.

"You look dumb asshole." Natatawang ani ko umiwas naman s'ya ng tingin.

"Ah you look dumb pala ha! Teka." Nagulanta ako sa ginawa n'yang pag hapit ng leeg ko papunta sa kan'ya, ilang inches na lang ang layo ng mukha namin.

Tinitigan ko ang mata n'ya, kahit ang hininga n'ya ay naamoy ko, pinagpapawisan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Who's the asshole?" Ang lalim ng boses n'ya, nanindig ang balahibo ko.

"W-Wala." Binitawan n'ya na ako saka tumawa ng malakas, para akong inaapuyan sa sobrang init ng mukha ko.

"Now you look dumb." Tulala pa rin ako habang s'ya ay tawa ng tawa.

Maya-maya ay bumalik na'ko sa wisyo, agad ko s'yang binatukan at diniinan ang sugat n'ya.

"Ahhh! S-Shit! Shit! Shit! Putchaaaaa ang sakit! Gago bitawan mo'ko!" Sigaw n'ya pa.

"Sa susunod kasi wag mo akong pagtitripan ha? Kundi babaliin ko na yang braso mo kingina ka!" Singhal ko sa kan'ya.

"You're fucking insane Cassandra!" Singhal n'ya pabalik.

"Who the hell are you to shout at me?!" Galit na singhal ko sa kan'ya.

"N- sorry." Natatawa ako sa itsura n'ya pero pinigilan ko, mukha s'yang batang pinagalitan ng nanay.

"Next time know your place." Mahinahong ani ko saka umupo sa sofa ng ayos tsaka kinuha ang alcohol at bulak.

My Girlfriend Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon