Chapter 29

134 8 0
                                    

ZACHARY'S POV

Nagising ako ng 4am at walang tao sa baba, hindi ko rin alam kung nakauwi na si Cassandra.

Tinungo ko ang bahay nila Jane para magpaturo kay Joseph na magluto.

"Himala at ikaw naman ang magpapaturo?" Ani ni Jane napangiti na lang ako dahil maganda ang gising ko.

"Gusto kong ako ang magluluto ng kakainin ni Cassandra kaya bilisan mo na bago pa ako maabutan!" Pagmamadali ko sa kaniya, umirap lang s'ya saka tinawag si Joseph.

Tumungo kami sa bahay at dumiretsyo sa kusina, hanggang ngayon ay wala pa ding gising sa kanila.

Tuwang-tuwa ako nang maayos kong naluto ang sunnyside up egg at hotodog, bumalik na si Joseph sa bahay nila at inihain ko na ang niluto ko.

'Di kalaunan ay bumaba si Dalia na gulat sa ginagawa ko, agad s'yang lumapit at tinignan ang niluto ko.

Kinapitan n'ya ang leeg ko at noo na para bang inaalam kung may sakit ako.

"Wow, I didn't expect this kind of Zachary Dale." 'Di makapaniwalang ani n'ya na ikina-irap ko.

"Mind to tell me what's with all of this?" Maarteng ani n'ya.

"Secret." Nakangising ani ko na ikina-irap n'ya.

"Teka lang! Tatawagin ko lang si Cassandra." Hindi ko na hinintay ang pagtugon n'ya at agad kong tinungo ang kwarto ni Cassandra.

Kumatok ako pero walang tumugon, naka sampung katok na ako pero wala pa rin.

Agad akong nainis at binuksan ang kwarto pero wala s'ya doon.

Dali-dali kong tinawagan ang number n'ya, nang makatatlong tawag ay sinagot n'ya na.

"Cassandra?! Bakit hindi ka umuwi?" Singhal ko sa kaniya.

"Tsk! P'wede ba ang ingay mo aga-aga nambubulabog ka. May aasikasuhin ako wag mo na akong hintayin." Yun lang sinabi n'ya saka binaba ang tawag.

Inis akong bumalik sa kusina habang si Dalia ay nagtitimpla ng kape, inis akong umupo saka sumimangot sa pagkaing niluto ko.

"Tsk! Sayang effort ko ganda ganda ng mood ko tas babanatan ako ng ganito!" Inis na bulong ko sa sarili.

"Well, well, well. Kanina ang saya-saya mo ngayon nakabusangot ka na?" Nakangising ani n'ya saka inis ko s'yang tinignan.

"Shut up will you?!" Singhal ko sa kaniya pero tinawanan n'ya lang ako saka umupo katapat ko.

"Ako na lang kakain n'yan, sayang effort mo eh." Natatawang ani n'ya saka unang tinikman ang sunnyside up egg.

Napakunot naman ako ng noo ng makita ang reaction n'ya sa pagtikim ng niluto ko.

"Ewww! Kuya it's so salty gosh!!!" Maarteng ani n'ya saka uminom ng kape.

"Eh? Maalat ba? Pagkakaalam ko 'di naman gan'on karami nalagay kong asin ah." Ani ko saka tinikman ang niluto at agad ko itong naluwa dahil sa sobrang alat.

"Gan'yan ka ba magmahal ha?! Ipapakain mo yan kay Cassandra baka nasuntok ka lang noon!" Inis na ani n'ya saka umalis sa dinning table.

My Girlfriend Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon