GAYNAM - 28

213 14 8
                                    

Episode 28

Title: "The state can be a force for good"

Kenso's pov

Halos ilang taon na ang lumipas mula ng paghiwalayin kami ng mga magulang ni sam, Hindi ko alam kung saan sya dinala, wala akong ideya at wala nadin akong lakas ng loob na matatangap pa nila ako.
Isa pa ay wala na akong business na pinag kakakitaan ko, lahat ng naipundar namin ng mahal kung asawa ay wala na. Hindi ko alam kung buhay paba sya o ano man.
Pero sanay masaya sya ngayon at hindi nya ako makalimutan, mahal na mahal padin kita sam. Miss na miss na kita, ilang taon na hindi ko manlang nahawakan at nasilayan ang muka mo at hanggang ngayon ay nangungulila padin ako sa pag alis mo sa tabi ko.

Masyado akong nasanay na nandito ka sa akin, hindi ko din naman kasi inakala
na hahantong tayo sa ganto, kung naririnig mulang sana lahat ng sinasabi ko ngayon ay masaya nako😭 - iyak na ani ko

Kung tatanongin ninyo kung nasan ang mga magulang ko ay yan din ang hindi ko alam, siguroy kinalimutan na nila ako dahil sa mga kahihiyan na nagawa ko, ni hindi ko manlang sila nakita sa hiring ng kaso ko, Oo nakulong ako ng 5 taon dahil sa nagawa ko kay sam, subra subra ang parusa na dinanas ko sa kulongan.

At ngayong malaya nako ay mag sisimula muli ako ng bagong buhay, mag papakalayo na ako dito.

Hindi ko alam kung san ako pupunta basta ang tanging alam ko lang ay dinala ako ng paa ko patungo sa station ng bus sa lucena city, patungo ng atimunan, diko alam kung saan ako mapapadpad, buti na lamang ay nakapag side line ako ng pag bubuhat ng isda sa palengke upang may maipambayad sa aking pag byahe.

Nasa dulo ako ng bus, tahimik lang ang byahe may radyo na tumotugtug, meron ding tv, pero wala sa isip ko iyon, hindi maalis sa isip ko si sam, kamusta na kaya sya? Ano na kayang ipinagbago nya? Gustong gusto kona talaga syang makita.

Hindi ko namalayan na nakatulog napala ako at pag gising ko ay saktong pag tigil din ng bus sa station nito.

Nandito ako ngayon sa port ng Atimunan Quezon. Balak kung sumakay ng bangka  upang makarating sa kabilang ibayo at doon ako mag sisimula ng bagong pahina ng aking buhay.

Sumakay na ako sa bangka at pumwesto sa gilid upang matanaw ko ang dagat na paburitong paburito ni sam, hindi maalis sa isip ko yung ala-ala naming dalwa ng bisitahin namin ang boracay, tuwang tuwa sya sa dagat, sabi nya lang sakin ay gustong gusto nya ang tunog nito kaya gusto nya ang dagat.

Bigla nalang pumatak aking aking mga luha dahil sa ala-ala naming dalwa.

Nag umpisa na ang byahe patungo sa isla ng alabat, ano kaya ang buhay nakakaharapin ko don? Kinakabahan ako ngunit sa kabilang banda ay exited din.

Isa sa plano sana namin ni sam ay magtayo ng bahay dito sa alabat, ngunit hindi na natuloy dahil sa aking mga katangahan.

Dumaong na ang bangka at lahat kamiy nag sibabaan. Nag lakad lakad ako upang makakita ng murang upahan at ng makapag hanap nadin ng trabaho. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang aking nalakad ng may biglang huminto saking lalaki na may kalakihan ang pangangatawan at naka motor, may edad nadin sya. "Totoy bago kalang ba dito?" Tanong nito "opo tay, sa katunayan ay naghahanap ako ng matutulogan at ng trabaho" ani ko naman

"Tamang tama iho nag hahanap ako ng mag babantay sa aking munting farm, muka ka namang mabait at walang gagawing hindi maganda hane?" Natawa nalang ako sa punto nya na (hane)  nakakatuwa lang ang punto ng mga taga Quezon

"Nako tay hindi po ako gagawa ng kahit na anong ikakagalit at ikakasama ng loob nyo, tanggapin nyo lang ho ako, para magkaroon ng trabaho" masayang ani ko habang napapalundag na sa tuwa dahil sa blessing na pinadala agad ng may kapal.

GAYNAM BEAUTY(BXB on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon