“Okay na yung yung enrollment mo Atissa, here’s your schedule sinend ko na to sa email mo at ito gumawa na rin ako ng hard copy para di mo makalimutan yan” sambit ni tita at Fanny at inilapag sa harap ko ang isang maliit na papel
“Veronica ayusin mo yung make up niyan, dapat fresh pa rin at naha-highlight pa rin yung magandang mata niya”utos nito sa make up artist na kasalukuyang nag- aayos sakin. Andito kami ngayon sa studio ng morning show na Good Morning Pinas, guesting namin ngayon ni Calvin para mag-promote ng bagong teleserye namin. Gently, I pick up the necklace in its rightful place on top of my glass jewelry box. I lift the small camera pendant and delicately hook it around my neck, feeling the touch of the pendant hitting on my skin, feeling closer to my mom. My mom is a professional photographer, naalala ko pa dati sumasama ako sa mga shoots niya at nagpupumilit pa na maging muse niya, she's a perfectionist and strict sa kanya ko namana ang ganoong ugali.“Atissa tumayo ka nga dyan” utos ni tita Fanny sakin
“Bakit ba! patapos na yung make-up ko eh!” reklamo ko
Lumapit pa ito sa vanity mirror “Titignan ko lang kung anong pinasuot sayo nung wardrobe” I lazilg faced him, pinasahadan naman ako nito ng tingin, the reaction on tita Fanny’s face is enough para sabihin na hindi niya nagustuhan yung suot kong green string dress
“Ano yan? sinong nagpasuot niyan sayo? Ang pangit, ang pangit pangit di bagay sayo!” sunod sunod na sigaw nito. I cover my ears
“Tanungin mo siya” turo ko sa nagmamake up sakin. pwede ba wag kang sumigaw tita nakakarindi yang boses mo”“Si ate Julie” maikling sagot nung Veronica
“Kahit kailan talaga, walang fashion sense yung babaeng yun” lumapit muli sa couch si tita fanny kung saan nakalagay ang ilang damit na dala ko at nagsimulang maghalungkat. Itinaas nito ang ang blue tube dress na sa pagkakaalala ko nung sinukat ko yun ay hanggang tuhod ko ang haba at may slit sa left side.
Tita Fanny turn his gaze on me “Heto ang isuot mo, magpalit kana dun” turo nito sa nakasaradong cr, I give him a cringe fac, padabog kong kinuha ang inaabot nitong dress sakin at nagmadaling magbihis“8am pa ang start, may 40 minutes ka pa para tapusin yung make up ni Atissa, gandahan mo” bilin ni tita kay Vernonica at muling umupo sa couch
----
“Good Morning Atissa at Calvin” bati samin ng morning talkshow host na si tita Windy
Kumaway kaway muna kami sa mga tao sa loob ng studio na nagsisisgawan at naghihiyawan, ang iba ay may dala dala pang banner, name cards at posters “Good morning din po tita Windy! Hello po sa lahat ng tao dito sa loob ng studio at sa mga tao sa kanilang mga bahay”
“Grabe ang lalaki niyo na at ang ganda at ang gwapo”
“Salamat po” nakangiting tugon namin ni Calvin, inalalayan ako ni Calvin na maupo sa isang mahabang couch na nakaharap sa mga studio viewers
“Kasi po sa mga di nakakaalam nakasama ko na po itong dalawang batang ito sa isang teleserye mga five years ago kaya nasubaybayan ko talaga ang paglaki nitong dalawang” nakangiting kwento nito“Kamusta naman kayong dalawa? Katatapos palang ng movie niyo na silently falling tapos heto nanaman may bago nanaman kayong teleserye”
I glanced at Calvin giving him a hint na siya na ang sumagot, katulad ng napag usapan at napractice naming kanina “Okay naman po tita, masaya overwhelmed dahil sa mga blessings na dumarating sa mga fans na patuloy pa ring sumusuporta kaya Atissa and I are very thankful we are not here if not because of them” sagot ni Calvin na sinundan ng matinding hiyawan ditto sa loob ng studio“Ikaw Atissa usap usapan na babalik ka na raw sa regular school pano yun ahmm hindi ba yun makaaapekto sa hectic schedule mo yun lalo na ngayon at sunod sunod yun projects niyo tell us more about it”
“Yes po totoo po iyon from online schooling ay babalik na po ako sa regular school, physically papasok na po ako bali every week yung day off ko sa set at taping yun yung araw na papasok po ako, flexible naman po yung schedule ko kaya sa tingin ko hindi naman po iyon makaapekto sa pag- aaral ko”
“Kagabi kasi nagulantang ang buong internet ng mag- viral ang isang facebook post ng fan mo kung saan nakita ka raw niya” nag-flash sa LED screen ang facebook post ng saleslady kahapon, kasama rin sa post ang iilang pictures naming nila papa at tita Devon. Marahang hinawakan ni Calvin ang palad ko at pasimpleng minsahe, alam nito kung ano ang storya ng buhay ko at alam nito ang sitwasyon ko na hindi ko pa talaga tanggap na wala na si mama.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti sa camera ”Kahapon po kasi since wala akong taping tapos maaga rin umuwi sila papa, we decided na lumabas at mag lunch sa resto na pagmamay- ari ng family friend naming, so bago kami pumunta sa resto ay dumaan muna kami sa mall para mamili fast forward pumunta kami sa cosmetic section kung saan nagtatrabaho yan si ate nagpapicture siya at sobrang bait niya kwenento iya na fan daw naming siya, pumupunta raw siya sa taping namin at nandun din siya nung premier night nung movie naming. Hi! Sayo ate sana magkita pa tayo soon stay healthy and keep safe” kumaway kaway pa ako sa camera para ipabatid ang mensahe ko“Support din ba nila ang pagpasok mo sa regular school?” tanong muli nito
“Opo very supportive po sila sa katunayan nga po kaya kami dumaan ng mall para bumili ng gagamitin kong supplies sa pagpasok"
“Nakakatuwa naman kitang kita na family oriented ka talaga parang si Calvin din balita ko nag open nanaman daw yung mommy mo ng panibagong negosyo” balik nito kay Calvin
---
Pagkatapos ng ilang katanungan ay nag commercial break muna, dali dali kaming tumayo para pumunta sa kabilang sulok ng studio para sa susunod na segment twhich is pagluluto ng sarili naming dish, prinactice na naman namin ‘to ni Calvin“Are you okay?” tanong ni Calvin habang inaalalayan ako sa paglalakad. I look at him and I saw the senserity in his eyes, binalik ko ang paningin ko sa dinadaanan namin, maingat akong inalalayan ni Calvin sa pag upo sa stool bar ng island table kung san kami ininstruct na umupo
“Oo naman” sagot ko sa kaninang tanong ni Calvin
Calvin gently placed his left hand on top of my head, hindi pa rin nito iniiwas ang tingin sa mga mata ko na para bang binabasa kung anong iniisip ko. “I’m okay Calvin” I give him a genuine smile to assure him na I’m okay. Wala akong sapat na energy para magmaldito ngayon, now all I want is to finish this, go home and rest.
Sumenyas si Calvin ng tubig sa isang crew ng show at dahan dahang umupo sa katabing stool bar, pagkaabot ng crew sa hinihinging tubig ni Calvin ay agad niya itong binuksan at iniabot sakin
“Uminom ka muna, hindi ka pa nagbre-breakast” malambing sambit nito
Kinuha ko ang tubig mula sa kanya at inilapag sa bar table na kaharap namin“Nag breakfast ako kanina” pagsisinungaling ko.
“Nag breakfast ka ng kape, kung alam ko lang edi nagpadala sana ako sa room mo ng breakfast para sana nakakain ka muna”
tinignan nito ang wristwatch niya “one hour pa hindi ka pa ba nagugutom?” seryosong tanong nito
“Ang OA mo Calvin” tumatawang sambit ko
“Im not OA Atissa, paano kung magkasakit ka--?”
“edi magpapagaling” putol ko sa sasabihin niya at ininom ko na ang ibinigay nitong tubig. Ang kaninang seryosong mukha ni Calvin ay napalitan ng munting saya.Hinubad nito ang suot niyang jacket at senenyasan ako na ipatong sa legs ko
“Nag- dress ka pa talaga ng may slit alam mong ganito yung set up ng show” bulong nito sakin“Si tita Fanny ang nagpasuot sakin nito atsaka hindi naman masyadong mataas yung slit wala namang makikita atsaka ano bang pake mo” I flip my hair, inayos ko rin ang pagkakapatong ng jacket sa may legs ko.
“Ready na ba kayo?, mag start na tayo” wika ni tita Windy habang papalapit samin“Yes we’re ready” ako na ang sumagot
END OF CHAPTER 3

BINABASA MO ANG
Love, 543
Ficção AdolescenteAtissa Aidelene is a self centered famous teen celebrity. She love's her career more than anything She value and prioritize herself before other. Compassion and love isnt for her Not until, she starts receiving a letter. A letter about love and admi...