CHAPTER 9: Narda

10 1 0
                                    

His POV

"Are you enjoying peopleee?!" Malakas at masiglang tanong ng lead vocalist namin, si Ray. Malakas na mga hiyaw naman ang naging sagot ng madla.

"Before we continue, let me introduce you to the elder brother of the big boss, Z!" Doon pa lamang ay hiyawan na agad ang narinig sa buong club. Famous si bossing. "I want to hear your loudest scream for Niall Zycer!!"

Letse. Eto na nag letse.

Kasabay ng muling pag lakas ng hiyawan ay ang malakas na pag dadrum ni Chi at ang pagbubukas ng malaking kurtina sa likod namin at iniluwal nito ang isang lalaking sa unang tingin ay mahahalata mong big time. Ganoon rin ang boss namin, nasa lahi pala talaga nila yon. Malaki ang ngiti nyang patakbong nag punta sa stage at kumaway kaway sa tao, nakipag kamay pa sa ilan. Lumakas lalo ang hiyawan ngunit nangibabaw ang tilian ng mga babae nang kinindatan sila ni Niall. Malakas rin ang dating nya, hindi talaga nalalayo sa presensya ng boss namin. Ang pinagkaiba lamang nila ay palangiti itong si Niall samantalang masungit naman si bossing.

Pasikat.

Hindi na nag tagal nang nag simula nang marinig ang pag didikit ng mga stick ni Chi na isang palatandaan na magsisimula na kami muling tumugtog. Ngayon ay si Niall ang magiging vocalist namin at back up lang si Ray.

Medyo nagulat ako nung una kong malaman kung ano ang gusto nyang kantahin. OPM kasi ito at hindi naman lumaki sa Pilipinas ang kapatid ni bossing kaya medyo nag alangan ako.

Simula pa lamang ng kanta ay hiyawan agad ng mga tao ang narinig dahil sa ganda ng pag tipa namin ng instrumentong hawak namin. Shet, nakakapagod tong kantang to, sinasabi ko na sainyo.

Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin

Ako'y napatingin sa dalagang nababalot ng hiwaga

At heto na naman ang mga tilian ng mga babae. Maganda ang boses nya, malamig, masarap sa pandinig. Pero masama sya sa paningin. Kalamo e buhangin sa mata.

Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa

Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka?

Dahil nasa may likuran ako ay nakita ko kung paano bahagyang ipihit ni Niall ang ulo nya papunta sa direksyon ng drummer namin ngunit itinuon nya muli ito sa manonood. Kingina, subukan mo lang talaga, Niall.

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan

Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan

Nag-aabang sa langit, sa mga ulap, sumisilip

Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna

Masigla ang kanta nya sa mga katagang iyon at nagsimula na syang umikot ikot sa stage. Hindi tulad ng inaasahan ko, maayos nyang naitawid ang mga liriko.

Ang swerte nga naman ni Ding, lagi ka n'yang kapiling

Kung ako sa kan'ya, niligawan na kita

Nangilabot ako nang marinig ko sya sa mismong tabi ko nang sinasabi nya iyon. Ano bang ipinahihiwatig neto?! Kanina pa tong lintek na to! Ni hindi ko sya naramdamang pumwesto sa tabi ko!

Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa

Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka?

Naka tingin naman sya kay Chi noon at dahan dahang nag lakad papunta doon. Hindi ko gusto ang nangyayari.

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan

A World Far Different Than Mine (Against Odds #1) Where stories live. Discover now