Chapter 7: She's back

7 1 0
                                    

His POV

Lumapit ako sa kanila, iniisip kung sino ang uunahin ko.

Hmm..

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Aba nayswan 1v5 call of duty ba ganon? Search and Destroy?

"Anong pangalan mo?" Tanong ko don sa nasa gitna na mukhang lider nila.

"Malupet! Ano daw pangalan ko? Isipin mo! Kahapon lang e nag kita tayo at mayabang mo pang binibigkas ang pangalan ko habang nilulumpo mo ang mga kasamahan ko? Sige, isipin mo, anong pangalan ko?"

"Anak ng. Pangalan mo yon tas sakin mo tinatanong? Lakas din ng sapak mo hano? Ako ba nag anak sayo? Gusto mo pangalanan kita, kayong lahat? Hmm sige masaya yun. Ikaw... at ikaw" Turo ko sa lalaking nasa pinaka kanan at sa katabi nya. "Ikaw si upin at sya naman si ipin bwahahahahaha!" Wala kasi silang buhok. Wala ang cute lang, upin at ipin.

"Next ikaw.. at ikaw." Turo ko sa dalawang katabi naman nung boss sa kaliwa. Pula yung buhok nung isa at dilaw naman yung katabi nya.

Hmm ano kayang magandang pangalan..

*ting*

Bwahahahaha! Alam ko na!

"Ikaw si angry birds 1 at ikaw naman si angry birds 2." Tumawa ako ng malakas.

"Last but depinetli not the least, please welcome... Gus!"

Taka naman silang tumingin sakin..

Ay waley di na gets.

"Si Gus! Yung kasama ni uncle grampa! Yung malaking dinosaur yata yon tapos batak din, matangkad, kaso... PANGET! hahahahahaha!"

Halata namang hindi nila nagustuhan ang mga bansag ko sa kanila at lalong kumunot ang mga noo nila.

"Anong sabi mo?!" Galit na sigaw ni Gus sa akin.

"Hala baka bumuga ng apoy yan! Wala akong dalang payr estingwisher. Teka nga ano bang ginawa ko sayo at galit na galit ka naman yata masyado?"

"Ano?! Pati ba naman iyon hindi mo naaalala?! Nagka amnesia ka ba?!"

"Ay naks. Spell amnesia."

"Aba't?! Ginagago mo ba ako?!"

"Medyo"

"A-m-n-i-"

"Ayon, anong I?! Uto-uto na nga, di pa maalam mag spell. Hay nako, lodicakes. Dun ka na nga inaantok na ko. Maaga pa pasok ko bukas."

"At sino ka para utusan ako?!"

"Ako si uncle grampa at nasa ilalim lang kita Gus. Tandaan mo yan. Dun ka na kasi hindi naman ako ang hanap mo."

Halatang na guluhan sya sa sinabi ko. Tsk, ang hirap pag bobo ang kausap.

"Ako ba e talagang pinag lololoko mo? Kanina pa ako nag titimpi sayo. Kita namang nasa harap ka na namin e sasabihin mo pang hindi ikaw ang hanap namin? Malala ka na!"

"E ano nga bang ginawa ko sa inyo kagabi at pumuputok yang mga butsi nyo? Alam ko na nabasag ko yang mukha nyo kagabi pero pano ba humantong sa ganoon?"

"Ginagalit mo talaga ako, bata. Ikaw tong pumunta sa lugar namin mismo at nag hanap ng away! Nanira ka pa ng raket kagabi! Imbis na naka kain kami ng masarap kagabi, nabangasan pa ang mga mukha namin! Tapos ngayon e may lakas ng loob ka pang itanong sa amin kung ano ang ginawa mo mismo kagabi?! Ihampas ko kaya yang ulo mo sa pader baka bumalik ang memorya mo?! Ayoko nang patagalin to at baka mapatay ko yang hayop na yan. Sugurin nyo na, iwanan nyo ng humihinga pa para mapag tripan pa natin sa susunod na araw." Utos ni Gus doon sa mga alalay nya at parang mga aso e sumunod naman yung apat. Unang sumugod yung dalawang angry birds.

A World Far Different Than Mine (Against Odds #1) Where stories live. Discover now