CHAPTER 2

11 2 0
                                    

"Heyy gurl!" Salubong ni Annie sakin habang kumakain ng Leche flan.

Anne Joyce Amilã is our nurse and our reminder pero nakakalimutan niya ang sarili niyang gagawin. Ang galing po ng reminder namin. Obviously favorite dessert niya ang leche flan at Ice cream.

"Yea Anne?"

Isa sa mga kaibigan ko ang hindi ko binesohan, kaya agad naman itong nagreklamo.

"Eh pa'no naman ako, Zeiah? hindi mo ba ako iha-hug at iki-kiss sa cheecks gaya ng ginawa mo sa kanila." Lungkot-lungkutan na ani Romie.

Romie Gracia is the only Girl of our friendship jk, He's a not actually a gay because he is called "silahis". Kaya hindi awkward na besohan siya.Close kami sa isa't isa pero limitado pa din naman.

"Gaga!, Hindi ka na raw kasali sa circle of friends!" Sabat ni Medilyn.

Medilyn is the most pretty in our circle of friends, kung kaya't hindi na nakapagtataka kung siya palagi ang kinokontak kapag may mga event na modeling or pageantry. Isa din siyang ambassadress sa school namin kaya kilala siya sa school.

Lumapit na ako kay Romie para besohan, grabeng tampo na kasi yong pinapakita niya.

"Stop stop stop!, baka maging dahilan pa 'yan para magkawatak watak tayo eh." natatawang sabat ni Nhicole na ikinahagalpak din namin ng tawa.

Nhicole is our advicer, she's so pretty good when it comes advices. Well, siguro kaya siya magandang magbigay ng advices kasi sa aming magkakaibigan siya lang yong may karelasyon na umabot na ng 3 taon and still counting. Hindi lang din sa pag-ibig siya nagbibigay payo kundi pati sa lahat ng problema. Kaya kung may problema ka i-talk to mama Nhicole na!

Dumating na si Keisha na dala ang pagkain ko, nilantakan ko kaagad ito kahit na hindi naman ako gaanong gutom. Kanina pa sila nag umpisang mag-inuman kaya nang mattapos akong kumain ay nakisali na din ako sakanila.

"So Zey? how's your life especially your lovelife?" kunot nuo'ng tanong ni Jesselle saakin.

Jesselle is our koreanang mahinhin, We don't like her before kasi sobrang hinhin niya. Inaya niya kaming maligo sa Resort na malapit sa bahay nila kaya kalauna'y nakuha namin ang kanyang pag-uugali kung kaya't naging parte na siya ng pagkakaibigan namin. She's so kind, sweet, also she's a soft hearted and crazy.

"Ay gurl, kung makapag-tanong ka naman kay Zeiah tungkol sa lovelife para namang meron siya no'n?!" pangisi-ngising ani Anne.

"Kaya ko nga tinatanong 'di ba kasi gusto kong malaman kung meron na ba!" pasinghal na ani Jesselle.

Umiling ako at hindi nalang pinansin ang tanong ni Jesselle kasi alam kong pinagtitripan niya lang ako. Super big deal sa kanila na wala pa akong nagiging boyfriend hanggang ngayon. Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang tumunog ang cellphone ko.

"Yes ma?" Sagot ko sa tawag ni mama.

"Anong oras ka uuwi Zey?" Malumanay na ani mama.

"Pwede po bang dito nalang po ako matulog ngayon Ma? Tutal ay dito din naman po matutulog yong mga kaibigan ko. Don't worry Ma wala naman po kaming kasamang lalaki maliban kay Romie." nakangiti akong tumingin sa mga kaibigan ko.

Nang dumapo ang paningin ko kay Meds ay nakatingin din pala ito sa akin.

"Sige, mag-iingat ka. Huwag masyadong magiinom." Ani Mama sa kabilang linya at tumango naman ako.

Pagkababa ko ng tawag ay biglang nagsalita si Medilyn.

"Yayyy!, pinayagan ako ni Mama!" malaking ngising ani ko.

"So ano Zey? May balak ka pa bang mag-boyfriend?" nakataas ang kilay na tanong ni Medilyn.

Our friendship started last year, magkagrupo kasi kami sa major subject 1st semester noong grade 11 tapos nagkakasama kami kapag lunch, kapag may mga events sa school at pati sa gala.

"Ba't ka ba namomroblema Meds? ha? Tingin mo ba hindi ako magkakaboyfriend until my last breathe?! Tsaka bakit big deal sa'yo? Kung inirereto mo ako sa kaibigan ng boyfriend mong modelo edi sana may boyfriend na rin ako!" Patawa tawa kong sabi sa kanya. Pareho kasi silang model ng kanyang boyfriend na si Hans kaya matic na model din ang mga kaibigan nito. "Tsaka ang aga pa yel! c'mon we're just 18! And don't worry kasi kapag nagkaroon na ako ng boyfriend I'll gonna kiss him infront of you! Keep that in mind" Taas nong ani ko na ikinahagalpak nila ng tawa.

"Gaga! meron sana talaga akong irereto sayo e kaso baka kainin mo iyang mga sinasabi mo Zey. Nakakahiya naman sa kaniya, kaya huwag nalang, bahala ka jan matigang!" Iritableng ani nito.

Hindi naman sa nagpapa-hard to get ako sadyang hindi ko lang talaga sila matipohan, yong iba kasi ang pangit ka-bonding, 'di ko makuha yong ugali at trip sa buhay in short hindi sila umaabot sa expectations ko. Alam ng mga kaibigan ko lahat ng nangyari sa nanligaw sa'kin BASTED kaya gano'n nalang sila kung makareact. Besides, I want to date not just to show that I already have a boyfriend but I want it to be my last too.

"Dare me,then!" Matapang kong sabi.

Nagtawanan sila sa panghahamon ko kay Medilyn pati ako ay natawa rin sa sinabi ko pero totoo 'yon.

"Okay, I'll call Hans right away." Kinuha niya na ang cellphone niya at idinial ang number ni Hans. Tumingin sa'kin si Medilyn "Kapag ito inayawan mo pa, ewan ko nalang sayo! Forever ka ng hindi magkakajowa isinusumpa ko iyan!" Duro niya sa'kin habang pinanlalakihan ng mga mata.

10 pm na kami natapos ng pagiinom. Sina Jesselle, Anne, Romie at Keisha ay tulog na dahil sa kalasingan, natawa ako nang makita ang  posisyon ng mga kaibigan kong tumbado. Si Medilyn ay nasa paahan ni Keisha, si Keisha naman ay nakaunan sa tiyan ni Romie na nakatihaya habang ang kamay ay nasa uluhan niya, si Jesselle ay nakataob ang katawan at ang kanang kamay ay nasa tiyan din ni Romie. Kinuha ko ang cellphone ko to take a photo of their positions. Memories din ito kaya hindi dapat makaligtaan.

Lumabas ako ng kwarto para magpahangin pero nakita ko si Nhicole na umaangat baba ang balikat, halatang umiiyak pero walang boses na lumalabas.

"What happened, Col?" puno ng pag-aalalang tanong ko.

Kinwento niya sa akin lahat ng problema tungkol sa boyfriend niyang sobrang obssessed sa kanya na kailangan sa bawat galaw ay alam ng boyfriend niya at sa bawat pag-alis niya ay dapat kasama si Jasper.

"Komprontahin mo siya col, hindi dapat maging malalim ang pagkaka-obssessed niya sa'yo kasi may possibility na sa sobrang obssessed niya sa iyo ay masaktan ka niya kapag hindi niya nakuha ang gusto niya o masaktan niya 'yong mga taong nakapaligid sayo ng pisikal. Ipakita at iparamdam mo sa kanya na kailangan mo ring huminga." Paliwanag ko sa kanya "Lahat naman ng problema nadadaan sa usapan, trust me! You'll gonna be okay, you two will be okay."

Sobrang nasasaktan ako para kay Nhicole kasi kaibigan ko siya. If I was in her shoes I already end our relationship. Siguro ay sobra na akong nasasakal at takot na takot sa magiging kahihinatnan ng pagka-obssessed niya pero hindi e, hindi ako si Nhicole. I understand why she can't let her boyfriend go it's because she loves Jasper so much even though their relationship isn't healthy, and even though she's in pain and she can't decide her own.

Kaya lang naman ako nakakapagbigay ng payo ng ganito ay dahil sa napanuod kong movie na katulad din ng sitwasyon ni Nhicole.

Nagising nalang ako na tulog pa rin si Nhicole sa tabi ko at magang maga ang mga mata, hindi na namin namalayan kung anong oras kaming nakatulog kagabi. Bumangon na ako at pumunta sa balkonahe ng kwarto ni Keisha, I took a deep breathe and look at the breathtaking view.

"Good morning!" Mahina na excited kong sabi sa harap ng magandang tanawin.

Kita ang makulay na bulaklak sa garden nila Keisha na ginawang venue kahapon, preskong hangin, at nakakakalmang tanawin.

All Too WellWhere stories live. Discover now