Chapter 3

4 2 0
                                    

Napalingon ako ng kwarto sa pagsigaw ni Romie.

"Good morning my beautiful friends and beautiful world just like me!" Dali dali niya kaming nilapitan isa isa at hinalikan sa pisngi.

Hindi na kami nagulat sa ginawa niya dahil palagi naman niya itong ginagawa sa tuwing magkakasama kami sa iisang bahay, lalong lalo na sa pamilya niya super sweet siya at hyper. Si Romie ang tipong bakla na kinikilig sa lalaki pero hindi siya iyong gaya ng iba na sabik at mabilis mauto sa mga mabubulaklak na salita. Ani nito'y hindi na raw bago sakanya iyon.

We love and treasure him so much.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Keisha

"Guys, baba na kayo where going to..." Ani nito.

"Anong ulam?" Putol ni Jesselle kay Keisha.

"Wow dzaii! Kapag talaga usapang pagkain ang bilis mo." Tatawa tawang sabi ni Medilyn.

Nang bumaba na kami ay agad naming nakita sa mesa na naghahanda ng agahan namin sina Tito Jon at Tita Karla, binati namin sila at nagbeso.

"Upo na kayo." Ani Tito Jon at iminuwestra ang upuan.

Nagpray kami bago kumain.

Nasa kwarto kami ni Keisha para kunin ang mga gamit namin dahil uuwi na kami.

"Ihahatid niyo ba kami Zey?" Ani Nhicole habang itinuturo si Medilyn, Romie, Anne at Jesselle.

"Maglalakad daw tayo, Nhicole!" Maaarteng biro ni Romie "Ay malamang Siz ihahatid nila tayo Zeiah at Keisha, alangan namang pabayaan tayo ng mga iyan na maglakad pauwi diba? Wala naman tayong mga dalang cash!" Agad na bawi nito.

"Ako na maghahatid kina Nhicole, Romie at Medilyn tutal magkakalapit lang naman ang subdivision namin" Presinta ko sabay tingin  kay Keisha. "Ikaw nalang kina Anne tsaka kay Jesselle." Tumango siya.

Una kong inihatid si Jesselle kasi subdivision nila ang una kong madadaanan.

"Kumawo Zey, ingat kayo pauwi." Nagbeso muna siya sa amin bago pumasok ng bahay.

"So Zey you sure about that reto thingy?" Medilyn asked while we're in the middle of driving.

"Yes, why not? Baka kasi mamatay ka kapag inayawan ko!" natatawang sagot ko

"I'd already gave your number to him, kapag may nagtext sayo na unknown replyan mo agad kasi siya iyon!" Sigaw niya sa akin na para bang ang layo ko sa kanya.

"E bakit ka sumisigaw na parang ang layo-layo ko sayo at bakit ka pa nagtatanong kung sure ba ako, kung binigay mo na pala yong num.."

"E gusto ko, basta replyan mo nalang!" Putol niya sa'kin

"Oo na! Oo na!"

Nang maihatid ko na sila ay pinaharurot ko ang motor ko pauwi. Malapit na ako sa subdivision nang tumawag si Mama, nagminor ako bago singit nag tawag.

"Zey nasaan kana?" Tanong agad nito.

"Malapit na po ako Ma, hinatid ko pa po kasi sila Medilyn eh." Paliwanag ko.

"O sya sige, mag-iingat ka sa byahe."

"Opo Ma, bye." pinutol ko na ang linya.

Pagkarating ko ng bahay ay agad kong nakita si Papa, lumapit ako at nagmano sakanya. Hindi naman ako pinagalitan kasi nakapagpaalam naman ako at hindi naman siya mahigpit sa akin. It's okay with him na gumala ako but all he want me to do is  limit and take good care of myself, mahilig din kasi siyang gumala before with his friends and until now but the difference is si Mama na ang kasama niyang gumala. Nagkakasama lang sila ng kaibigan niya kapag may okasyon at inuman.

Nagising ako pero pikit ang mga mata sa tunog ng alarm clock ko hudyat na mali-late na ako sa klase, bigla akong napabalikwas ng maalalang second day of examination namin. Hindi ko na alam kung ano ang una kong gagawin sa pagpapanic na baka hindi na ako papapasukin sa klase.

Pagkahatid ko kay Zyra sa classroom niya ay patakbo na ako papuntang classroom namin dahil five minutes na akong late, pasalamat nalang ako dahil pagkarating ko sa classroom ko ay wala pa ang proctor namin.

Pagkaupo ko lang ay nandyan na rin ang proctor namin.

Madali kong natapos ang exam pero may iilang tanong na hindi ko alam at ang hirap intindihin, buti nalang ay nakapagreview ako kagabi pagkagising ko galing kina Keisha kaya nasagutan ko 'yong karamihan.

Pagkatapos ng klase ko ay ganoon pa rin ang routine ko, magpapahinga ng 5 minutes sa tambayan naming magkakaibigan at pupunta na kay Zyra para sunduin at umuwi.

When we got home we saw Mama watching her favorite movie, as we always did, we kissed her cheecks and go upstairs to change our clothes.

Pagkababa ko ay kumakain na si Zyra ng ham sandwich, lumapit ako sa kanila at gumawa ako ng sarili kong sandwich na mayonnaise ang palaman dahil ayaw ko naman ng ham sandwich kasi mabigat sa tiyan.

Nanuod kami ng palabas na pinapanuod ni Mama, sa una ay boring ang scene pero ng magtagal ay nagustuhan ko ang story at history ng movie. Pagkatapos naming manuod aay nakatulog kami ni Zyra.

Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ng may yumuyogyog sa balikat ko.

"Hmm..." Ungol ko.

"Ate Zey, wake up! wake up!" Mahinang boses ni Zyra "Kakain na." Dagdag niya.

Bumangon na ako at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay at basain ang mukha.

"Pray ka muna Zyra." seryusong ani Papa.

"Amen." Sabay naming sabi.

Kumuha ako ng kaunting kanin at ulam na sinigang na baboy.

"Mula ngayon Zey, ikaw na ang maghuhugas ng plato hindi yong si Mama niyo pinapagawa ninyo sa lahat ng gawaing bahay." Ani Papa nang matapos kaming kumain.

I nod, tumayo na ako para ligpitin ang aming pinagkainan. Kinabahan ako dahil muntik ko ng mabitawan ang baso nang sinasabonan ko ito.

"Pa, Ma tulog na po ako." Paalam ko nang nasa labas sila ng balkonahe tumatambay at seryusong naguusap.

Tumango sila at umakyat na ako, pinuntahan ko muna ang kwarto ni Zyra para silipin kung anong ginagawa niya.

"Ate, can you help me with my assignments?" Pagmamakaawang ani niya. "I don't know how to amswer this." Malungkot na ani nito.

Lumapit na ako sa kanya para i-guide siya sa gagawin niya. Nang matapos siyang magsagot ay kinuha ko ang mga notebook niya para i-check kung may iba pa ba siyang assignments na hindi pa nasagutan, nang wala naman siyang nakaligtaan ay nag advance reading kami sa Filipino at Mathematics.

"Ka-stress naman si Sir Lenardabeks! Wala aketch na-learn sa lesson niya! As in waley!" Ani Romie nang matapos kami sa first subject na Earth and Life Science. "Hard na nga yong subject, mas lalong na-hard kasi ang fa-far ng mga examples at explanations niya! Kayo siz meron kayo na-learn?"

Umiling kami at sabay na nagtawanan.

"By the way Zey, don't forget later! I'll gonna hit you hard kapag hindi mo sinipot si Toffé mamaya!" Sabat ni Medilyn.

"Yes, this is it! Si toffé na nga ba ang first and last? Abangan!" excited na ani Anne.

Oo, may appointment na kami para sa first date namin ni Toffé na ini-reto ni Medilyn sa akin. Kinakabahan ako kasi nga diba first time ko. Wala na rin namang problema kay Mama at Papa kasi pinayagan naman ako basta raw ay sunduin ako at ihatid bago mag alas 12. Nagmumukha na naman akong cinderilla nito.

"Goodluck Zey!" Ani Anne, Jesselle, Kiesha at Nhicole.

"Goodluck, bakla!" Sigaw ni Romie at pinaulanan ako ng halik sa pisngi at sabay sabay nila akong niyakap.

Kinakabahan na excited akong pumunta ng mall kasama si Meds para maghanap ng maisusuot mamaya. Siya ang pumili ng dress ko at ako sa sandal.

All Too WellWhere stories live. Discover now