Prologue

71 3 0
                                    

Bumilog ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko ng mag umpisang lumipad pataas ang mga fireworks na binabanggit ni papa kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumilog ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko ng mag umpisang lumipad pataas ang mga fireworks na binabanggit ni papa kanina. Napaka ganda ng mga ito. Ibat-ibang kulay at tila ba kumikinang sa himbabawid.

"Nicole, anak!"malambing ngunit malakas na tawag ni papa.

Dali-dali akong pumasok ng bahay at tinungo kung nasaan siya. "Po?"

"Matutulog na'ko ha. Pagod lang si papa dahil sa trabaho, marami kasing dumating na mga materyales kanina saka pinamadali narin ng amo ang ibang parte ng mansion nila."

"Pero kumain na po kayo?"

"Oo naman anak. Pakainin mo ang kuya mo kapag dumating ha? Happy new year." nalumanay at malambing na ani ni papa.

Tumango nalang ako dahil naiintindihan ko naman na kailangan na ng mahinga ni papa dahil sa pangongontraksiyon.

Kumilos ako para tahakin ang pinto, balak ko sanang ipagptuloy ang naudlot na panonood ng ibat-ibang kumikislap na ilaw sa labas habang hinihintay si kuya.

"Zariah." mahina man ngunit napalingon ako agad nang may tumawag sa pangalan ko.

"Mama!"

Nagkukumahog akong tumakbo para yakapin si mama na nakahanda na ring salubungin ako ng yakap. Nag init ang sulok ng mga mata ako at nagbadyang pagpalabas ng hikbi.

"Shhh, tahan na anak."hinagod niya ang likod ko para aluin.

Miss ko na si mama. Ilang beses na sinabi samin ni papa na babalik si mama at nagtatrabaho lang pero hindi kami naniwala ni kuya. Matagal siyang nawala. Dumaan ang mga birthday naming magkakapatid ay wala siya. Maging pasko ay wala siya.

"Akala ko hindi kana babalik mama." Sambit ko habang piniphil ang paghikbi.

"Hindi na aalis si mommy, anak. Asan ang kuya Vincent mo?"sa boses ni mama ay nararamdaman mo ang kaba.

"Nasa labas po kasama ang mga kaibigan niya. Hinihintay ko rin po siya para makasabay na kumain. Si Gio naman po ay tulog na kanina pa."

"Hindi na natin sila mahihintay. Tara na." tumayo si mama saka pinagpag ang mga tuhod niya.

"Saan po tayo pupunta mama?"

"Pupunta tayong Jollibee, anak, gusto mo ba yon?"tugon ni mama na agad inilingan ko. Gusto ko mang sumama pero ayokong mag isa lang na sasama kay mama.

"Isama po natin sila kuya, gusto rin po nila yon." Sambit ko at siya naman ang umiling.

"Sumama ka nalang kay Mommy. Paglaki mo ay maiintindihan mo rin ako."

Hindi ko man naiintindihan ang sinabi ni mama ay nagpatangay nalang ako sa kanila nang hawakan niya ang pulsuhan ko at magsimulang maglakad.

Madilim na at iilan nalang ang tao sa labas kaya't dinig na dinig ko ang bawat mabibigat at nagmamadaling mga hakbang ni mama.

Patawid na sana kami patungo sa isang makintab na itim na sasakyan ng marinig ko si kuya.


"Nicole!"Lumingon ako para kumpirmahin yon.


Si kuya nga!

Nagka salubong ang mga mata namin at nakita ko ang mabilis na pagdaloy ng takot sa mga ito.



"Mama, si kuya yon oh!" Turo ko sa kapatd.


"Guni-guni mo lang yon, anak." Binuksan niya ang pinto sa likod at pinapasok ako.

Ngunit kahit sa loob ay narinig ko parin ang tinig ni kuya.

"Mama! Saan mo dadalhin si Nicole!"

"H'wag mo nang isipin yon, anak. Hindi 'yon ang kuya mo." sambit ni mama ilang minuto. Gusto ko mang magtanong dahil sa nakaklitong pangyayari ay agad akong dinapuan ng antok dahil na rin sa pagod sa pag iyak. Paggising ko ay nadatnan namin ang isang napaka-laking bahay na halos magmukang mall sa laki at ganda nito.

"Welcome to home, Zariah." salubong sakin ng isang lalaki sa isang malaking pintuan, nakapwesto siya na tila hinihintay akong salubungin siya ng yakap.

Narinig kong tumikhim si mama para basagin ang katahimikang bumalot saamin nang hindi ko kinibuan ang lalaki.

"Iha, hug your tito Alvin. He will be your new daddy because this is your new home na."

"Pero may papa naman ako kasama pa nga niya ang mga kapatid ko sa bahay." Giit ko sa sinabi ni mama.

"It's fine, Zariah. You have papa and you have daddy." masiglang sambit ni mama para iligtas ang usapan mula sa muling katahimikan.

"I'll be a good daddy to you, I'll promise. I will take care of you like your papa." Sabi naman ni tito Alvin na sinusubukang kuhain ang loob ko.

"Ah... Salamat po. Inaantok na po ako. Pwede na po bang matulog na ako? Maaga pa po kasi akong gigising para makasabay sa pag aalmusal kay papa saka kailangan ko rin pong lalong agahan dahil malayo layo ang byahe pa uwi." Mahabang pagpapaliwanag ko kay tito Alvin at kay mama.

Gumuhit ang sakit at pagkabigla sa muka ni mama at ni tito at saka sila nag iwas ng tingin. Hindi ko man maintindihan ang nangyayari ay pinagsawalang bahala ko lang dahil nasa isip ko ang maagang pagtulog at paggising bukas para maka uwi.

Hinatid nila ako sa isang kwarto at ganon nalang ang pagkamangha ko nang makita ang kabuo-an nito. Kasing laki na nito ng bahay namin ni papa. Maliit ang bahay namin pero masaya. Unang tingin ko palang sa kwarto ay nakaramdam na akong magiging malungkot ang saglit na pananatili ko dito kahit na gaano ka ganda ang kwartong ito. Tumungo ako sa malaking higaan at hinanap ang komportableng pwesto dahil hindi sanay ang balat ko dahil malamig dito.


Ano kayang nangyari kay kuya? Naka uwi na ba siya? Sigurado akong si kuya yung kanina at malaki ang kumpyansa ko hindi lang nakilala ni mama si kuya. Iniisip ko parin kung anong dahilan ng pagiging malungkot ni kuya. Siguro dahil aalis ako nang hindi sila kasama? Saglit lang naman ako dito saka uuwian ko sila ng Jollibee kapag bumili na kami ni mama! Miss ko na sila agad. Pag uwi ko ikukuwento ko agad sa kanila gaano kalaki itong bahay ni mama at kung gaano ito makapanakot sa laki nito.

Mahimbing akong nakatulog at walang kamalay malay na hindi pala saglit ang pananatili ko dito. Walang kamalay malay na hindi ko na pala muling makikita si papa at ang mga kapatid ko. Walang kamalay malay kung anong mangyayari kinabukasan at kung kailan ko maiintindihan ang lahat tulad nang sinabi ni mama.










Addictive FearWhere stories live. Discover now