Ikaapat na Kabanata

42 7 19
                                    

Cerisse

Kung mayroong trophy girlfriend, mayroon ding trophy wife.

And the latter is the best noun to define or describe me.

Dahil sa ginawa ni Uno ay ipinaramdam niya sa akin na ako ay isang trophy wife lamang.

Isang huwarang asawa na kanyang maipagmamalaki lamang sa kanyang mga business partners, sa mga kaibigan, sa buong mundo. Pero hindi niya naman talaga mahal.

Tiningnan ko ang pira-piraso na mga papel na nagkalat sa sahig.

Those are ripped wedding pictures. Our pictures.

Mabigat sa dibdib na inihagis ko ang mga pira-pirasong iyon.

Kinapa ko ulit ang memory box kung saan naroon ang mga pictures namin ni Uno ngunit tila naglalaro ang tadhana dahil ang aking nabunot ay ang family picture namin.

Milly's only 6 months old when this photo was taken. Nasa Palawan kami ng mga panahong ito. And it was our daughter's first time to travel and also her first time to see the beach.

Malaki ang ngiti ni Uno habang siya ay nakayakap sa akin mula sa aking likuran at karga karga ko naman si Milly na siyang humahagikhik dahil sa flash ng camera.

Nakakahawa ang tawa ng aming anak kaya parehong malaki ang ngiti naming dalawa.

Our happy days

Napahikbi kong niyakap ang larawan.

Niyakap ko iyon na tila ba kapag ginawa ko iyon ay lalakas muli ang nanghihina kong puso.

Niyakap ko ng sobrang higpit na tila ba mawawasak ako kapag binitawan ko iyon..

Sobrang sakit, Uno.

Bakit naman ganito? Ano ba 'tong gulong ginawa mo, Uno?

Sobrang hapdi.

Natanto kong hindi ko kayang punitin ang litratong iyon kaya inilagay ko nalang iyon sa aming maleta.

Tumawa ako ng mapakla habang napapailing.

I was supposed to pack our clothes just as what Grandma instructed me to do. Pero heto ako at pinagkaabalahang punitin ang mga litrato.

Uno's parents confessed something to me earlier.

Hanggang ngayon ay nanlulumo pa rin ako sa ang aking nalaman.

Uno's parents admitted that Amanda is Uno's first love.

Noong una ay hindi nila ito agad natanto. Pero nang naglaon nga ay naalala nila kung ano nga ba talaga ang papel ng babae sa buhay ni Uno.

"If I was not mistaken, Uno has this childhood sweetheart. He courted this girl since first year highschool and they dated until their fourth year. But at their graduation day, they both decided to split up." Sabi ng biyenan kong babae na punong puno ng pag-aalangan ang boses.

"Amanda is her name." Dagdag pa nito habang napapalunok at ako naman ay tila walang buhay na nakikinig lamang.

"Ayaw ng Grandma mo noon na magnobya si Uno kaya naman ni minsan ay hindi nagpakilala ng nobya sa amin ng Dad mo si Uno." napapailing na sabi nito.

"Hanggang sa makapagtapos siya at nagtrabaho at nakilala ka niya." Ngumiti ito ng sinsero sa akin pero hindi ko ito ginantihan. "Ikaw lang ang naipakilala niyang babae sa aming pamilya."

I excused myself after what Mom said. I know that Mom is trying to cheer me up pero parang naririndi ako aking mga naririnig.

Nagpaalam ako sa kanila na ako ay aakyat na ng kwarto upang makapag-impake at laking pasasalamat ko na hindi na sila nagsalita pa.

Sinarado ang pintuan ng kwarto at nanghihina akong napaupo.

Kung ganoon ay matagal na palang mayroong koneksyon ang dalawa?

First love?

Mapakla akong tumawa. Talo pala ako eh. Pinakaunang minahal niya tapos binalikan niya pa.

Talagang talo ako.

Pero bakit naman ganoon? Bakit pa niya pinaramdam sa akin na mahal niya ako? Na ako lang ang pinakaimportanteng babae sa mundo kung sasaktan lang din niya pala ako ng ganito?

Para bang pinamukha niya sa akin na pinakasalan niya lang ako dahil kailangan lang niya ng asawang may maipapakilala.

But all along, si Amanda talaga ang laman ng puso niya.

Isang ideal wife. Isang asawang maipagmamalaki niya. Ganoon ba ako ha?

Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko ito. I immediately saw Uno's name on the screen.

Tila walang buhay na pinatay ko agad ang aking cellphone.

Oo at inutusan ako ni Grandma na putulin lahat ng form of commucation sa amin ni Uno. Pero alam ko sa sarili kong kahit hindi iyon sabihin ni Grandma ay gagawin ko talaga iyon.

Napangiwi ako nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking tiyan

I gasped when I realized that it's my baby and he's kicking!

Hindi ko mapigilang umiyak nanaman.

Our baby's kicking inside my tummy and this is supposed to be a good news!

Naalala ko noong si Milly ang sumisipa noong nasa tiyan pa lamang siya ay halos hindi matanggal ang ngiti ni Uno.

He even broadcasted it to his business partners and friends.

I smiled painfully while touching my belly.

Anak, mommy loves you so much and I'm so sorry.

Sorry dahil hindi katulad ng Ate mo ay lalabas ka sa mundong ito na magulo kami ng papa mo.

Sorry dahil kasalanan ko ito.

I should have remained silent for you and your Ate. Nagbulag-bulagan na lang sana ako para kahit papaano ay narito pa rin ang Dad niyo.

Pinunasan ko ang aking luha.

"Kaso anak, if I hadn't confronted your Dad baka ikaw naman ang mawala sa akin dahil sa aking pagkimkim ng sama ng loob."

Napatakip ako sa aking bibig upang hindi nila marinig ang lakas ng aking pag-iyak.

If I tell him the news, would he feel happy?

Huminga ako ng malalim.

I decided to text him.

I typed two words. "He kicked." And then immediately sent it to him.

Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ulit ang aking cellphone, tinanggal ko din ang sim card at saka hinagis lang ito kung saan.

Noong nakaraang buwan pa niya inaabangan ang pagsipa ng pangalawa namin.

Masaya akong naibahagi ko ang balitang iyon sa kanya.

I want him to remember this day. That this is the day that our second child did his first kick but he's not able to witness it.

Remember this day, Uno.

Na sa araw din na ito, tuluyan ko ng tinatanggap na hindi ka sa akin.

Paalam, Uno.

Cerisse's MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon