Tatlong araw na simula nang nangyari ang insidente doon sa coffee shop. I told everything to Grandma. Noong una ay hindi niya kaagad nakuha ang punto ko tungkol sa reaksyon ni Uno. She focused on the issue about how a stranger was able enter the house.
Good thing Nana Ising told everything to Grandma. Sinabi ni Nana Ising na si Craze ang dating may-ari ng bahay at inakala lang nitong wala pang naninirahan doon.
Grandma seemed to understand the situation at nang naglaon ay humalakhak ito nang tila may matanto.
"It looks like my grandson is jealous!"
Napakunot ang noo ko. Why is she happy?
May dapat bang ikatuwa roon?
Nakita niya ang pagkunot sa noo ko kaya tumikhim nalang ito."That grandson of mine doesn't have the brain he's born with. Clearly, he's very stupid! Ang kapal nga naman talaga ng mukha niya para gawin iyon!"
I sighed.
Nag-iwas na lang ako ng tingin.
"Mommy, mommy! Daddy's calling!"
Napalingon ako sa anak na halatang excited.
Ngumiti lang ako kahit na kumikirot ang puso ko.
Dati ay hindi na kailangan ng anak namin na hintayin ang tawag niya dahil lagi naman silang nagkikita.
Pero ngayon...
Napailing ako.
Kailangan ng ibaon sa limot ang mga nangyari noon. Nasa ibang realidad na kami ngayon.
"Sige na. Mag-usap muna kayo ng Dad mo at maghuhugas muna ako ng pinggan."
"Daddy! Hindi pa rin ba kayo bibisita po? Okay naman po kami nila mommy and ng baby brother ko po..."
Si Grandma ay nakahalukipkip habang pinapakinggan ang pag-uusap ng mag-ama.
Naka-loudspeaker kasi ang telepono.
"Really? That's good. Always take care of mommy and baby, alright?"
"Yes po! Daddy will you turn on the video? May ipapakita ako sayo!"
I heard Uno chuckled.
"Alright. Alright. Here it is. What is it baby?"
"Heto pong drawing ko!"
"Oh. What's that?"
"It's a picture of me and mommy and baby!"
"Wow! Ang ganda naman ng drawing ng anak ko. Nasaan si Daddy diyan?"
Milly cocked her head to the side at tila may malalim na inisip.
"Gusto mo bang isama kita dito Daddy? Akala ko kasi magagalit ka po kapag isinama kita..."
"Milly,what do you mean? Bakit naman magagalit si Daddy?" Nakakunot ang noo ni Uno.
Maging ako ay kumunot din ang noo.
Hinintay ko ang sasabihin ni Milly pero hindi ito nagsalita.
"Anak? May tinatanong si Daddy o!"
Milly pouted and shook her head. "Sige po, magdradraw nalang po ako ng bago Daddy, pero okay lang po ba na hindi ko isama si Tita Amanda?"
Napasinghap ako.
Maging si Grandma ay nagulat doon.
"Y-You know Tita Amanda?" I asked her.
She nods enthusiastically. "Yes Mommy! Tumawag po si Daddy kahapon wala ka po, and he let Tita Amanda call me!"
"U-Uh? G-Ganoon ba?"
Nagulat na lang ako ng hablutin ni Grandma kay Milly ang cellphone at nanggigil na lumayo muna sa amin habang siya ang kumausap kay Uno.
Milly looked so confused.
"Mommy? Is Granny angry at me?"
Umiling ako at niyakap siya ng mahigpit. "N-No, Anak. Nabigla lang si Grandma kay Daddy. Tell me, anak. What else did Tita Amanda say to you?"
Nagkibit lang ito ng balikat.
"She says she wants to visit me soon."
Hindi ko alam pero biglang nagpuyos sa galit ang kaloob-looban ko.
Damn you, Uno!
How are you going to explain to your child now that you fucked up this family?
"Milly, apo. Tara at maligo ka muna," Si Nana Insing iyon na binibigyan ako ng titig na punong-puno ng simpatya.
Tinapik nito ang aking balikat at hindi ko mapigilang lumuha.
"Sige na Nana, iakyat niyo muna si Milly."
Nang masigurado kong nakaakyat na nga si Milly sa kwarto niya ay dumiretso na ako kay Grandma na kasalukuyang sinesermonan si Uno.
"How could you do this to your child, Uno! She's still too young to understand the bullshits you've caused! At paano si Cerisse? Hindi ka muna nagpaalam sa kanya! Uno, hindi lang ako nagagalit ngayon, I am so very disappointed. How could you be such a failure in this aspect of your life? Clearly you've proven that you're not fit to build a family!"
"Grandma..." Napalingon sa akin si Grandma, punong-puno ng hinanakit ang kanyang mga mata. "Can I talk to him?"
"Cerisse, this bastard doesn't deserve your presence."
Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang nagbabadyang luha ko.
"Fine. Dalian mo, pagkatapos mo riyan ay may importante tayong pag-uusapan."
Tumango ako at kinuha ang teleponong iniabot niya.
"Hello." Bungad ko.
"Yes," napapaos na wika niya.
"H-How could you do this, Uno?" nahihirapang tanong ko. "Just how could you do this to your child?!"
Narinig ko ang pagsinghap nito. Alam kong may gusto siyang sabihin pero inunahan ko na.
"Sana man lang naghintay ka ng tamang oras para doon. H-Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ng anak mo! Ganyan ka ba kawalang puso?"Humihikbing tanong ko. Punong-puno ng hinanakit.
"Baby, come on let's sleep." Narinig kong wika ng babae mula sa kabilang linya.
"Mauna ka na, Amanda. Kinakausap ko pa ang asawa ko."
"Fine!"
"H-Hey!---"
Biglang namatay ang linya. Napakurapkurap ako at muli, napapikit ako sa sobrang bigat ng nararamdaman.
Narinig kong may nagdoorbell pero wala doon ang atensyon ko.
Nakatingin pa rin ako sa telepono habang nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit.
"Good Evening po, Nana and Ma'am. Si Cerisse po nariyan po ba?"
"Craze! Narito ka pala!"
Gusto ko sanang salubungin ang bisita pero hindi ko magawa. Tila napako ang aking mga paa sa kinatatayuan.
Kasabay niyon ay ang aking pagsigaw dahil sumakit ang aking tiyan.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyang nilamon ng dilim ang diwa ko.
BINABASA MO ANG
Cerisse's Marriage
AcakCerisse is the kind of wife that all mother-in-laws would approve of. One day, she learned about her husband's secret.