CHAPTER ONE

30 3 0
                                    

Pagkarating ko sa El Café ay nakita ko na kaagad si val na naka upo sa isang table habang nagce-cellphone. Nakasoot sya ng plain white fitted crop top, high waste fitted mini skirt na black, at black boots. Simple lang, pero napangisi ako ng makita ang pink na fur jacket nanakasabit sa kabilang upuang katabi nya at may dala ring mini shoulder bag. Katapat naman nya sa bilog na table si jim na pinagmamasdan ang waiter na nagsisilbe sa ibang costumers. Nakasuot sya ng black pants, black sweater na may nakalabas na kwelyong hindi ko alam kung saan nanggaling, naka white na rubber shoes, at may dalang waist bag na may nakasabit pang shades at nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Nahagip ako ng paningin ni jim nang dumaan sa harap ko ang waiter na pinapanood nya.

"Si amethyst"dinig kong sabi nya pa kay val na may kasama pang tapik.

Binaba nya ang cellphone nya at tumingin sa entrance kung nasaan ako. Nakangiting tinaas nya ang kamay nya at saka tumayo. Lumapit naman ako sakanila nang may malawak na ngiti.

"Amethyst!!"tili ni val

"Valerie!" masayang bati ko sa kanya at saka nakipagbeso.

"Ivrajim!" masayang bati ko rin kay jim na noon palang tumayo para makipagbeso sakin.

"Mmmm" maikling tugon nya.

Sumama ang mukha ko sa isinagot nya saakin. Tinignan ko sya ng masama na ikinunot ng noo nya.

"Mmm? Mmm? Mmm? Ano ung Mmm? Jim, ano un? Ang bati ko kasi sayo ay pangalan mo at ang inaasahan kong sasabihin mo ay pangalan ko rin. Pero ano ung Mmm? Ha?" curious kunwaring tugon ko.

Ngumisi muna sya na para bang natawa na sya ng lagay na yon bago nya sinagot ung sinabi ko.

"Amethyst... wag ka kasing assume nang assume para hindi ka nadi-dissapoint" nakangiting sabi nya, bilib na bilib sa sarili.

Napa letter baby o naman ang bibig ko sa kawalan ng maisagot sakanya. Tinawanan naman kami ni val na maya- maya'y ngumiti na para bang mag naalalang good memories.

"Namiss ko kayo." sweet voice pang pagkakasabi nya.

"Ako ikaw lang namiss ko" sabi ko kay val habang matalim ang tingin kay jim.

"Ako rin val, ikaw lang namiss ko" maarteng panggagaya ni jim sa sinabi ko habang nakatingin rin saakin.

At saka kami sabay-sabay na nawawa. Matapos ang tawanan ay saka kami naupo. Napalingon ako sa entrance nang marinig ko ang chime non. Napataas ang kilay ko ng makita ko si gal na nakasuot ng polo, black jagger pants, naka rubber shoes, at may dalang sling bag na nakasabit sa isang balikat nya. Sinipa ko sa ilalim ng lamesa si jim na kinunutan naman ako ng noo. Inginuso ko naman si gal na hinahanap kami kuno kahit nagkatinginan na kami kanina at mukang angas na angas sa sarili nya. Nagtinginan kami ni jim at sabay na natawa. Sa sobrang lakas ng tawa ko ay napatingala si val samin na nag cecellphone, may nagtatanong na tingin. Napalingon sya sa gilid nya nang makitang doon kami nakatingin. Nanlaki ang mata nya ng makita si gal, napatayo pa sya at nakauwang ng kaunti ang bibig nya.

"Please tell me it's not gal" bulong ni val samin ni jim

Mas lalo kaming natawa dahil sa sinabi ni val at saka sya dahan-dahang himarap saamin ng may panlulumong mukha. Habang ang gal naman ay kumaway pa at may malaking ngiti sa mukha ng muli syang harapin ni val. Nang makalapit sya ay hinang-hinang naupo si val na nag crossed arms pa. Napabuntong hininga si val at saka tiningala si gal. Nahupa naman ang tawa naming ni jim dahil malala na ang susunod dito, kailangang magtira ng energy.

"Bakit ganyan ang suot mo gal?" malumanay na tanong ni val

"Bakit val gwapo ba? Sabi sayo hindi kitabibiguin ehh. Ano bilib ka na ba sa style ko?" mayabang na sabi ni gal na nagpapacute pa.

"etooo naaa!"

"Ahh so sa tingin mo napakaganda ng suot mo, na talagang ikina-gwapo mo yan diba gal?" malumanay paring sabi ni val habang si gal naman at tatango tangong umuupo sa upuang pinagsusukbitan ng jacket ni val. "polo, jagger, rubber shoes, at sling bag." Tango-tangong sabi ni val nakangiti naman ng todo si gal. "SAANG PARTE NG LUPALOP MO NAKUHA ANG GANYANG ITSURA GALROY! FLORAL!! FLORAL TALAGA?! ANO KA SI LITO ATIENZA?!"

Saka naming hindi napigilan ni jim na humagalpak ng tawa. Si gal naman ay nakanguso lang saming lahat.

"bwhahahahahahahaha ito yung nakakmiss ehh"

" AT TALAGANG IPINARIS MO PA SA STIPE NA RUBBER SHOES AT BLUE NA SLING BAG?! MAGKAKAPE TAYO HINDI MAG SUSWIMMING!!" dagdag ni val

"Magkakulay naman ung polo at sling bag ahh. Ung sapatos naman... ehh marumi kasi ung white ko kaya etong stipe na black and white nalang, white parin naman eh" nakangusong paliwanag ni gal. "Feeling ko bagay naman sila sa isa't isa hehehehe"nakangiting nang dag-dag nya.

Pinigilan ko na ang natawa ng humawak si val sa noo nya habang ang siko nya ay nakapatong sa mesa.

"Your reason is valid gal, ang gwapo mo." Sabi ko at ngumiti naman si gal at tinaasan naman ako ng mukha ni val pero wala na sya ngagawa ng pandilatan ko na sya ng mata.

"Come with me gal, order tayo." Sabi ni jim at tumayo na sila.

"Iced coffe, sakin" sabi ko habang nakatingin kay val.

"Frappuccino"sabi naman ni val habang nakayuko parin.

Yang dalawang yan akala mo laging nagaaway pero silang dalawa naman ang pinaka close saming apat. Laging magkasama sa lahat ng kalokohan. Yun nga lang ang lagi nilang pinagtatalunan ay ang pananamit ni gal. Maganda kasing manamit si val at ayaw nyang hindi maayos ang suot ng mga kasama nya kasi daw, wala syang kilalang panget manamit pero sa totoo lang meron... si gal. 'bwhahahhahhahahaha'.Akala nga ng marami noon magiging sila sa sobrang close nila ehh. Actually akala ko rin.

"Val, ayos ka na?" nakangiting tanong ko.

"Ano bang maganda doon sa suot nya? Iba-iba ng destinasyon ehh."parang litong-litong sabi nya.

Ganyan talaga si val, gusto nya lagi patok sa panlasa nya ung mga nakikita nya. Actually mas malala pa nga sya jan minsan pa ngang pinauwi nya ung isang kasama namin sa aming group of friends dahil ang panget panget daw ng suot. Which is totoo naman 'bwhahahhahahhaha'. Si gal nga lang ang bukod tanging hindi nya pinagpapalit ng suot, pero bina-bash naman. Sakanya nga rin ako natutong manamit ng maayos na-adopt ko na ata ung taste nya.

"Hindi ka pa ba nasasanay kay gal?"sabi ko.

"Nakakainis lang kasi sabi nya kanina sa chat hindi raw ako mabibigo, akala ko naman ay matino na this time."sabi nya na mas maayos na ang mukha kaysa kanina.

"Shia Valerie Garcia... wag ka kasing assume nang assume para hindi ka nadi-dissapoint"panggagaya ko sa sinabi ni jim kanina.

Tinitigan nya ako at saka sya natawa, napangiti naman ako. 'Ohh edi ok na'. Matapos non ay dumating na ang boys at naupo. Ihahatid kasi ang order pero hindi pwedeng sa waiter oorder.

"jim palit kayo ni gal ayoko syang katabi."seryosong sabi ni val.

"Wait, what? akala ko ok na?"

Nagpalit naman ng upuan ang dalawa dahil kung hindi ay baka masigawan pa sila. Mataray si val pero mas mataray ako.

"Bakit baby val, gusto mo kong katapat no?"nakangising sabi ni gal.

Tinignan naman sya ng may pandidiri ni val at saka umirap. Kung iniisip mong may something sila, ako na nagsasabi na wala sadyang ganyan lang silang mag biruan. Matapos non at nagkamustahan na kami tungkol sa ganap sa mga buhay-buhay naming.

"Grabe, hassle talaga sa ospital. Kaunti lang kasi kaming mga nurse eh, kaya puro overtime. Madalas pang maraming pasyente na naaadmit. Malay ko ba kung bakit ang daming nagkakasakit di nalang kasi magsiingat. Pero hindi mo rin naman pwedeng sisihin ung mga pasyente kung bakit sila nagkasakit. Ang magagawa ko nalang ay ang tulungan sila, iswero, at i-check from time to time."mahabang kwento ni val.

Matapos kwento ni Valerie ay dumating na ang in-order nila. Kung ano-anong tinapay ang inilapag sa lamesa may ilan pang cake. Kinuha ko ang iced coffee ko, kinuha ni val ang Frappuccino nya, kinuha ni gal ang latte macchiato nya, at kay jim ang piccolo latte.

"Awwwwww, kawawa naman ang baby val ko bisitahin nalang kita everyday gusto mo?" naaawa kunwaring sabi ni gal tsaka umunom ng kape.

"Shut up."iritang sabi nya "Di mo naman na kailangang gawin un baby gal baka mapagod ka pa"sweet na dagdag ni val habang ngumunguya ng kung anong tinapay.

"yieee gusto nyaaaa. Crush mo ko no?" parang siguradong sabi ni gal.

"hehehe oo, pag nagging neon green ang bwan" sabi ni val at saka umirap " ehh ikaw ba kamusta work mo?"

"yiee curious" si gal

"ano ba?!" iritang sabi ni val

Ang saya nilang panoorin parang silang aso't pusa. 'ang sarap ng iced coffe, maiba lang para hindi langing mocha' Kunwari lang tong dalawang to ehh kinikilig rin to ehh. Pero walang something sakanila.

"Uhmmm ayos naman sa istasyon, masaya. Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko, masaya akong makapagpasaya ng tao pero nahihirapan akong maki-catch up sa mga bagong trends ngayon ehh. Iba-iba kasi sila ng mga kinahihiligan ehh lahat naman sila audience ko, hindi nalang kasi ako ang gawing hilig bwhahahahahaha. Tapos bukod pa roon, mabilis silang makadiscover ng mga bagay-bagay kaya minsan hindi na sila nahuhumaling sa pakikinig sa radio. Ang pag-asa nalang naming ay yung mga matatandang kinalakihan ang pakikinig sa radio."mas mahabang kwento nya kumpara kay val.

Kaniya-kaniyang kain ang lahat at kanya-kanyang inom ng sari-sariling kape. Si jim na tahimik lang sagilid at naka dalawang tinapay na habang ako nakakalahati palang ng isang strawberry cake. 'takaw naman nito'.

"ehhh kung ganon kailanan mo palang maging active sa social media para updated ka lagi." Sabi ko kay gal.

"Oo ganon na nga lang nakakapagod pero masaya rin."sagot nya. Tumango naman ako.

"Hoy jim. Ang tahimik mo ikaw ba kamusta ka?" Baling ko kay jim.

"I'm good, maayos naman sa hotel. Hindi toxic at masaya rin ako sa ginagawa ko. I'm glad that I'm in a profession that I really want. I really enjoy being a receptionist."maikling sabi ni jim.

Kung yung dalawa ay pahabaan ng kwento ung sakanya naman ay parang tuldok lang nung sinabi ni gal.

"And I thank you"biglang sabi ni val na kumakaway pa.

"bwhahhahahha"

"ikaw amethyst?"si gal.

"Wala pa namang hussle sa school, kakasimula lang kasi namin. Nag-aadvance rin ako ng gawa ng lesson plan para hindi ako nag hahabol sa oras. Ang iniisip ko lang ay ung pag checheck ng mga activities na ginawa ng mga students ko days ago. Hindi naman un mahirap at wala pa namang pumapasaway sa karamihan ng pinapasukan kong klase. At as of now sa tingin ko naman masigla pa silang mag- aral, alam myo un ung kasisimula lang kaya lahat ay parang biglang nagging masipa—"patapos na sana ako sa mag kukwento ng sumingit si gal.

"Amethyst hindi un gung tanong ko."sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko. "Hindi mo kasi ako pinatapos ehh ang itatanong ko sana eh 'ikaw amethyst kalian ka mag-aasawa?' kaso di mo ko pinatapos"nakanguso pa kunwaring sabi nya at saka nila ko tinawanan.

"Amethyst dapat kasi pinapatapos mo. Bwhahahhhaahaha"sabi ni val.

"Sayang naman ang effort ni amethyst hinihingal na nga sa pagkukwento tapos mali pala ung sagot" malungkot kunwaring sabi ni jim sakin. " Sa q&a kasi pinapatapos muna ung question bago bigyan ng answer."masayang dagdag nya.

"Hehehehehehe" kunwaring tawa ko "Talaga ba? Apaka sasama nyo sana pala di nalang ako pimunta rito ginaganyan nyo na ko ngayon."

"Ohh ehh ano nga? Kalian ka daw mag-aasawa?" si val habang tumatawa parin.

"Ehh bat ba atat na atat kayo? kayo ba ang magpapakasal?" iritang sabi ko. Ayoko ng mga ganito ehh, nakakapressure.

"Ehh kasi naman girl 28 ka na at ang malala NBSB pa, sa dami ng naikwento mo nagustohan mo wala ka manlang binoyfriend maski isa, kahit gusto ka rin. Hindi ko nga alam kung mag balak ka pa bang mag asawa."sabi ni val.

"Yah, iniisip ko na nga rin kung mag-aasawa ka pa ba kasi two years nalang magiging trenta ka na." sabi ni jim, lalo tuloy akong na pressure.

"Siyempre naman mag-aasawa ako. Meron lang kasi akong hinahanap na hindi ko pa nakikita sa mga nagugustohan ko noon. Mahahanap ko rin yon wait lang kayo." may kompyansang sabi ko

"Baka mamaya nasakin pala ung mga hinahanap mo ahh, amethyst wag kang ganyan di kita sasaluhin"sabi nya at natawa naman kami."Pero seryoso, sana hindi ka pa trenta sa panahon na un dahil baka uugod-ugod ka na hindi ka pa nagkakaapo"

"He! Wag na ngang ako ang topic" sabi ko dahil nahihiya na ako. Saka ako sumipsip ng kape na hindi ko nalamalayang naubos ko na pala.

Ako lang ang hinahassle nila sa asa-asawa nay an dahil si jim 29 na, may long term girlfriend at seryoso na. Si gal naman ay 26 palang, nag-eenjoy pa sa buhay single nya at may panahon pa naman daw sya. Si val naman ay 26 den, busy sa trabaho, at ang sabi nya ay walang balak mag-asawa pero duda ako ron.

Hindi kami magkakasing edad pero highschool best friends kami. Paano? Nagkasama-sama kasi kami sa isang pageant at doon kami nagging close. Magkakasama sa rehearsal kaya nakapagpakilanlanan at nagging best friends ang isa't isa. Sa sobrang close nga naming apat ay inakala nilang nagiging kami-kami rin sa dulo, maka issue lang ganon naman sa high school ehh. Ako raw at si jim tapos si val at gal. Ehh hindi ko naman ni minsan nagustuhan si jim. Ewan ko lang kung nagustuhan nya ko at ewan ko lang rin sila val at gal.

"Matanong ko lang." sabi ko

"Bawal"si gal

"Tsh, bihira lang kasi tayo nagkita kita ng ganito dahil parepareho tayong busy, ano bang dahilan nyo?" tanong ko

"malay ko jan sa dalawang yan sila ang nag-aya ehh lagi lang naman akong free, kayo lang ung busys bwahhahahhaah"sabi ni gal 'busys dahil marami kami? hay ewan'.

"Ako may bad news" si val

"Ako good news" si jim.

"Doon muna tayo sa bad news, ano un val?" tanong ko.

"Break na kami na jameson." Malungkot na sabi nya na nakayuko pa.

"MAY BOYFRIEND KA?!"sabay-sabay naming sabi.

Tumingala naman sya at saka ilang ulit na tumango.

"uso na ba ang hindi magsabi?"

"Sinong jameson?" tanong ko

"Yung sinabi ko sainyong crush ko a year ago, ung inayawan nyo kasi may bisyo. Ayon hindi ko nalang sinabi kasi alam kong magagalit kayo" nakayukong sabi nya "ayoko na rin syang pag-usapan, ano naman ung good news mo jim?"pagbabaling nya sa usapan.

"nasaktan to for sure, umabot ng taon eh"

"Uhmm, against to sa balita ni val kaya advance sorry na kaagad val" sabi ni jim at tinanguan naman sya ni val. "10 years na rin kami ni lovely at ngayong may ipon na ko balak ko nang magpropose sakanya."pagababalita nya.

Napatingalakaming tatlo at napatitig kay jim na mukhang nahihiya na ewan.

"KAHHHHHH!!!"tili ni val.

Oo sya ang unang nag react samin hindi nabago un. Nasiyahin sya at magaling magtago ng nararamdaman, pero hindi saamin. Alam kong masaya talaga sya kaya hayaan nalang.

"Congrats Jim pare matanda kana talaga. Goodbye to the unmarried world gurangg!!" bati ni gal at niyakap pa si jim na nagpupumiglas.

"CONGRATS GUSTO KONG MAGING ABAY HA?"sabi ko at nakipag apir kay jim.

"OMG!! I-celebrate natin yann!! Antagal kasi magsabi kanina pa tayo rito eh."masayang sabi ni val. "Diba jan sa bar sa tapat ma VIP room na may videoke? I-occupy natin ung isa tas mag videoke tayo ng walang alak" sabi nya na nakataas pa ang hintuturo. "dahil pare-pareho tayong mahina uminom at pareparehong may pasok bukas!!"patili nyang sabi.

Um-agree kaming lahat at doon kami mag ce-celebrate. Bago kami lumabas ng El Café at um-order ulit kami ng kanya-kanyang kape at binayaran ung bills namin. Nang makalipat kami sa bar ay nagpa-assist na agad kami sa VIP room. Madilim sa loob at disco lights lang ang nagsisilbing ilaw. May sofa rin at maliit na coffee table sa harap ng videoke. Naupo na kami at umorder ng mga pagkain—chicken wings,chips, at iba pa. Nanlibre si val kaya mas dumami ang nagging order naming, libre ehh. 'Sabi ko na nga ba ehh hindi lang kami magkakape.'


*To be continue*

Turned OnWhere stories live. Discover now