CHAPTER 20: Intoxicated
DARK sky’s finally came. Ito na ang pinakahihintay ng lahat sa tuwing sasapit ang fiesta; ang jamboree. Nagkumpol ang mga tao sa harapan ng entablado, kung sa’n naroon ang mga nagtatanghal na siyang mas nagpapasaya sa mga tao.
Siniguro ni Kristof na nasa magandang puwesto sila, para mapanood ng maayos ni Hensin ang mga nagtatanghal sa stage. Gusto niya na matapos ang gabing ito na masaya lang ang kaibigan. Mabuti nga’t hindi nagpakita si Kiray buong araw, kaya walang nakasira sa araw nila.
Baka natauhan na dahil sa lakas ng suntok ni Hensin, pft.
But, kidding aside, medyo nakapaninibago nga na hindi niya nakita si Kiray ng buong araw. He don’t miss her, sadyang nasanay lang talaga siya sa presensiya at pangungulit ng babae.
Maybe, this is a good sign. Mukhang suko na ang babae, dahil sa kalupitan ng fake girlfriend niya. Pft. Hindi kinaya ng kamalditahan nito ang pagiging bitch ni Hensin.
Back to reality. Nag-e-enjoy sila sa panonood ng mga comedians sa stage, nang bigla na lamang lumapit sa kanila ang mga pinsan niyang lalake. Alam niya na kung ano’ng pakay ng mga ito...
“Tara na, Tope. Makitagay na tayo ro’n.” As he thought. Kanina pa kasi nag-aaya ang mga ito na umupo na sa inuman kasama ang mga tito nila.
“Mauna na kayo. Hindi ko puwedeng iwan si Hensin dito,” pagtanggi niya, at saka sumulyap kay Hensin na nakatingin lang sa kanila.
“Hindi naman mawawala ‘yang jowa mo. At saka, nandiyan naman sila Kresha; sila na’ng bahala riyan kay Hensin,” pagtukoy nito sa mga pinsan nilang babae na kasama nila ngayong nanonood.
“Oo nga, Kuya. Sige na, punta na ro’n. Kami na’ng bahala rito kay Hensin,” pagsang-ayon naman ni Kresha, at saka nakangiting bumaling kay Hensin. “’Di ba, ‘Be?”
Ngumiti lang si Hensin pabalik dito. “Of course,” kapagkuwan ay sagot nito, at saka bumaling sa kaniya. “Sige na, sumama ka na sa mga pinsan mo. Minsan na nga lang ‘yan eh. Makipag-inuman ka na sa kanila.”
“Ayon naman pala eh! Tara na!”
Kaya wala na siyang nagawa pa, kun’di ang pumayag na iwan muna si Hensin dito, kasama ang mga pinsan niyang babae.
“Bantayan niyo ‘yan ah. Tawagan niyo ‘ko agad, kapag may nangyaring hindi maganda. Huwag niyong hahayaang may pumorma riyan.”
“Oo na. Diyos ko. Ang praning mo pala, Kuys. Walang aagaw riyan. Kaming bahala,” natatawang sagot ni Kresha.
Kahit si Hensin ay halatang nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa kaniya, kaya sinimangutan niya ito.
“Go, alis na,” pagpapalayas na ng kaibigan sa kaniya, kaya wala na talaga siyang nagawa pa kun’di ang sumama na ng tuluyan sa mga pinsan niya pabalik sa bahay ng tita niya.
“Ayan ang sa ‘yo, Tope. Mataas ‘yan, dahil late na kayo,” saad ng lasing nang tito niya, kasabay ng pag-abot sa kaniya ng tagay. Napangiwi na lamang siya dahil halos mapuno na ang baso. Good luck na lang sa kaniya, dahil mukhang balak siyang lasingin ng mga tito niya.
“Thanks,” nakangiting sagot niya, at saka inisang lagok ang baso ng alak. Sayang at wala si Sigmund. Nauna na kasi itong umuwi kaninang hapon, dahil tatawag daw ang asawa nito. Kaya hinayaan niya na, dahil alam naman niya kung gaano ito ka-excited kapag tumatawag si Ivy.
“Ayan! Mabuti at sanay na sanay ka pa rin sa tagayan. Busy ka ro’n sa Hallony, ano? Alam naman namin na masyado kang abala sa pagtatrabaho. Kaya sulitin mo ngayon ang bakasyon mo haha!” wika ng isang tito niya, na mabilis na sinegundahan ng iba.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...