Lucky 5: I'm officially yours

177 7 1
                                    

( Sofia's POV)

Matagal tagal narin mula noong magkaaminan kami ni Gaby ng nararamdaman namin sa isa't-isa,at siguro time na para seryosohin na namin tong dalawa,sa tingin ko naman kaya na naming harapin ang mga struggles ng magkasama..

"Huy! Ang lalim ng iniisip ha!?"

"Sorry Kaye, may sinasabi ka ba kanina?"

"Wala naman pero ano ba yang iniisip mo?"

"Sa tingin mo Kaye time na kaya?"

"Maaga pa naman mamaya pa yung balik natin sa klase,bakit?"

"Hindi yung time na yung ibig kong sabihin.."

"Eh? Anong time yun?"

"Time na ba para maging kami ni Gaby?"

"You mean sasagutin mo na sya?!"

"Kaya nga humihingi ako ng payo mo para malaman ko kung pwede na ba?"

"Oo naman no! Pwedeng pwede na kahapon pa!"

"Kung ganun.."

"Ano ba kasi yang inaalala mo?"

"Kaye..baka kasi hindi pa sya tuluyang nakakamove-on kay Lucky"

"Yun ba yung inaalala mo? Don't worry nakikita ko naman na medyo ok na si Gaby eh!"

"Sa tingin mo?"

"Oo naman yes!"

"Kaye! Samahan mo ako !"

"Ha? Saan?"

"Kailangan ko ng makausap si Gaby"

"Omygee! Tara na! Go go go for love!"

(Gaby'sPOV)

Nasa corridor kami ngayon ni Gem,at nag-uusap kami sa mga nangyari matapos ang aksidenteng bumago sa mga buhay namin..

"Hanggang ngayon ba Gem naalala mo pa si Lucky?"

"Oo naman kahit na dalawang taon na ang nakakalipas naalala ko pa rin sya,yung mga tawa nya,yung mga ngiti at pati narin yung pag-iyak nya"

"Umiyak sya sayo?"

"Naku Gaby hindi mo alam kung ilang beses ko nang nakitang umiiyak sya at-"

"At ako lagi ang dahilan?"

"Masakit mang sabihin pero ganun na nga,pero wala akong ibang ibig sabihin  dun ha?!"

"Ok lang alam ko naman yun eh! Siguro sobrang sakit ang naramdaman ni Lucky tuwing susungitan,iiwanan at itinatanggi na kilala ko sya"

"Ikaw ba Gaby nakalimutan mo na ba si Lucky?"

"Hindi kahit kailan Gem"

"Kung ganon paano si Sofia, kung hindi pa rin nawawala si Lucky sa puso mo paano mo sya mamahalin ng buong buo?"

"Hindi ko alam Gem siguro Hindi pa ngayon,pero sa tulong ni Sofia nakakasigurado akong mangyayari yun!"

"Sana nga Gaby kasi talo si Sofia kapag pangalawa lang sya sa puso mo"

"Gaby!"

Biglang dumating si Kaye kasama si Sofia..

"Bakit Kaye?"

Lucky that I'm Inlove (MUG #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon