FL(13)

586 31 5
                                    


Enjoy Reading!!!!

****

Third Person POV.

1 MONTH LATER...

Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral dito sa Amerika kasama ng mga kapatid ko.Dito na rin kami titira.Sinabi ng parents ni Jake sa kanila na muna kami titira hanggang makahanap kami ng malilipatan.

May business sila dito sa Amerika kaya sa kanila na din pinagtrabaho si papa.Si Jake naman ay patuloy pa rin sa pag-aaral sa college pareho sila ni Kuya Jay.Ga-Graduate na sila ngayong year.

Ako naman ay magse-senior na sa susunod na year.Medyo may umbok na din tiyan ko.Padami na din ng padami yung kain ko kaya medyo nagkakalaman na ako ng kaunti.Normal naman yun sabi ng Doctor lalo na't Kambal yung pinagbubuntis ko.

Tahimik na din ang buhay ko simula nung pumunta kami dito.Di na din ako ginugulo ni Adrian,at ikinatuwa ko yun.Sana matauhan na siya.

Naputol lang pagmumuni-muni ko ng magsalita si Jake.

"We're here." Sabi niya samin.

Iisa lang school na pinapasukan namin kasi malaki naman tong school na to at kompleto na.Elementarty to college meron sila dito.Ganun kayaman ang may-ari ng school na to.

Lumabas na kaming lahat pagkatapos iparada ni Jake ang car niya.

"Una na kami Jake,ikaw nalang bahala maghatid kay Kim." Sabi ni kuya Jay kay Jake.Ngumiti naman siya at tumango.

"Which i always do." Nakangiting sagot kay kuya.Kumaway nalang si kuya at nauna na sila.

Kami nalang ni Jake ang naiwan sa labas ng gate.

"Let's go." Sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Sa totoo lang ay parang nag-aalangan pa din ako kay Jake.Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon kesa dati.Nagbago siya.Gumwapo,lumaki ang katawan at tumangkad di gaya ng dati na halos magkapantay lang kami.

Nahihiya  pa din ako sa kanya dahil nong mga bata pa kami ay umamin siya sakin na gusto niya ako.Wala akong gusto sa kanya noon dahil mga bata pa kami nun at isa kaibigan lang ang turing ko sa kanya dati.Matapos ang nangyare ay nalaman ko nalang na umalis na pala ito sa pilipinas.

***FLASHBACK***

Naglalaro kami ni Jake sa kwarto niya.Kami lang ang nandito dahil nasa trabaho ang parents niya.

Laging akong napunta sa kanila dahil magkaibigan ang mga parents namin ang pinagkaiba nga lang,mayaman sila samantalang kami ay hindi.

Napahinto ako sa paglalaro ng biglang hinawakan ni Jake ang kamay ko.Tinignan ko siya at nagtanong.

"Bakit?Nay problema ka ba?Sabihin mo sakin baka makatulong ako." Inosente kong tanong sa kanya.

"Sa totoo lang ay gusto kita Kim." Bigla niya sabi sakin kaya kumunot noo ko sa kanya.

"Pano mo ko nagustuhan eh magkaibigan tayo.Di ba nagpromise tayo sa isa't isa na mananatili tayong ganito hanggang paglaki natin?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko alam Kim basta gusto kita.Gusto mo din ba ako?" Sabi niya sakin.

"Hindi kita gusto Jake,tsaka di naman ako babae para magustuhan mo.Isa pa kaibigan lang turing ko sayo,sorry." Sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang umiyak at pinalabas ako ng kwarto niya.

"Ayaw na kitang makita!Umalis ka na!" Sigaw niya sakin kaya umiyak nalang din ako.

FORCED LOVE(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon