Kabilugan ng Buwan

2 1 0
                                    

"Isang bayan sa may hilaga ang natagpuan ng mga awtoridad na sinalakay ng hindi pa maipaliwanag na nilalang, ayon sa mga kalapit-baryo ng nasabing bayan ay tahimik at mababait ang mga naninirahan dito. Kaya't laking gulat nila ng bumisita sila sa baryo na iyon ay halos wala ng natira, at nagkalat ang mga bangkay ng mga nasabing residente."

• • • • •

"Kabilugan ng buwan masarap maglaro sa dilim-diliman," pagkanta ng mga bata.

Kanina pa ako nakamasid sa mga batang naglalaro, pasado alas-sais na ng gabi ngunit narito pa rin sila at naglalaro. Sabagay, ligtas naman ang lugar na ito sapagkat nakatira kami sa isang baryo na may mabuting pinuno at laging inuuna ang kaayusan ng mga nasasakupan.

May isang kamay na humawak sa aking balikat, kahit hindi ko lingunin ay kilala ko na kung sino ito,—ang aking ina.

"Gusto ko makipag laro," saad ko.

"Bakit?" tanong nito.

"Gusto ko ng kalaro at kaibigan."

"Hindi mo kailangan ng kalaro at lalong hindi mo kailangan ng kaibigan."

Malungkot akong yumuko.

"Masasama ang mga tao," aniya.

"Ngunit ina-"

"Magpahinga ka na, ayaw ko ng pag-usapan ang bagay na iyan, naiintindihan mo ba?" tanong nito.

Ngunit nanatili akong tahimik.

"Naiintindihan mo ba?" may diin na wika nito.

Tumango ako kahit labag sa loob ko tumalikod na siya at dahan-dahang naglakad.
Naiwan akong nakamasid pa rin sa mga batang naglalaro.

• • • • •

"Kabilugan ng buwan masarap maglaro sa dilim-diliman," pagkanta ng mga bata.

Pang ilang araw ko na silang nakikita gusto kong maglaro, gusto ko ng kaibigan.
Isang gabi tumakas ako sa aming tahanan at nakipag laro sa mga batang nasa labas.

"Kabilugan ng buwan masarap maglaro sa dilim-diliman."

"Bata-bata sali ako," wika ko.

Napalingon silang lahat sa akin at nagtatakang tumingin, wari'y sinusuri ako.

"Saan ka nakatira, bakit parang ngayong lang kita nakita?" tanong ng isa.

"D'yan ako nakatira sa malaking bahay," sagot ko.

Nagtinginan silang lahat at nagbulong-bulungan. Maya-maya pa'y sinali na nila ako sa kanilang laro.

Mga ilang sandali pa'y napagod na kami at nagpahinga.

"Bata, anong pangalan mo?" tanong ng isa sa mga kalaro ko.

"Madeline," sagot ko.

"Nakatira ka talaga sa malaking bahay d'yan sa may dulo, diba maraming aswang doon?" tanong ulit nito.

"Wala namang aswang doon," sagot ko pabalik.

"Teka anong pangalan ng nanay mo?" tanong ulit nito.

"Vira," sagot ko.

"Anong trabaho niya?" tanong naman ng isa.

"Wala, naghahanap lang siya ng makakain kasama si ama sa gubat."

"Mangangaso?" tanong ng isa pa.

"Hindi, bampira sila," sagot ko.

Agad na naglingunan ang mga bata sa isa't-isa.

"Ang lolo at lola mo buhay pa?" nanginginig na sambit ng isang bata.

"Oo, mangkukulam sila eh" normal na sagot ko.

90's SERIES ; Kabilugan ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon