Prologue

14 3 0
                                    

"One, two, three, smile!" sigaw ng school photographer, dahilan para ngumiti ako habang nakatingin sa camera. Ngayon kasi ang photoshoot namin para sa completion. I can't believe na junior highschool is almost over! And my current school, Hale International School, was the best school in town that offers senior highschool.

"Your smile was perfect, Jolee!" tuwang-tuwang sabi sa akin ni ateng photographer habang pinapakita ang picture ko habang nakangiti. Maya-maya ay tiningnan na rin ng mga classmates ko ang picture ko. Lahat sila ay nakita kong namamangha at nakikitingin sa picture ko, maliban sa isang nasipat ko na nagmumukmok lang sa sulok.

Ang crush ko.

si Casper!!

Nagtagpo ang mga mata namin ngunit kaagad siyang nag-iwas ng tingin at umalis sa auditorium dala ang kaniyang blue sports bag at all-black na school bag. Presentable pa rin kahit tumatagaktak ang buo-buong pawis sa noo niya. Oo na, hindi ko na idedeny. Gwapo siya, medyo malaman pero hindi katabaan. Member ng archery club at higit sa lahat, matalino!

kaso, mukhang suplado.

I've never tried to approach him naman. Pero iyon talaga ang aura niya. Masungit nga kaya siya? Kahit sa girlfriend niya kaya? or may girlfriend nga ba siya? ano naman kaya ang feeling na maging girlfriend niya?

napatigil ako sa pag-iisip nang may tumapik sa balikat ko.

"Girl, pandayan tayo after school," anang Fel, ang bestfriend kong makati ang paa at uhaw sa gala. "please? libre kita ng siomai sa labas ng pandayan!" nagpapaawa ang loka. Hmp!

"Cheap mo naman, tss. Mahal ang bawat hakbang ko Fel," sabi ko sa kaniya na may sarkastikong tono. "todo na ba ang siomai? ang laki-laki ng allowance mo e."

Kumunot ang kaniyang noo ngunit bahagyang natatawa sa aking kaartehan. Pero hindi naman madamot si Fel kaya mukhang magbibigay ng higher deal. Mahal naman ako niyan kaya bibigay din yan sa'kin.

"Fine," buntong hininga niya. "what do you want, then?"

Aha! gotcha!! sabi ko na't bibigay ka ring babaita ka!

"Samgyup for dinner will do." Natatawang sagot ko sa kaniya. Agad naman niya akong tinitigan at nakakatakot iyon. Pero hindi ako nasisindak dahil sanay na ako. Papayag naman siya.

"Uhh, fine," bulong niya at palihim na umiirap sa'kin. "pasalamat ka, Lia, masarap iyong frappe na ini-libre mo noon sa'kin sa OG cafe!" bulyaw niya sa akin kaya naman agad akong natawa.

"Sige na, kita nalang tayo after class," ngumiti ako sa kaniya at sinenyasan ko siya na malelate ako para sa training namin. "male-late na din kasi ako sa training ng school band. Sunduin mo ko sa music room, ha?" nagbeso ako sa kaniya at lumakad na ako palayo.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa archery field. Sobrang lawak talaga rito at bawal magpunta malapit sa target butt, dahil baka ako ang maging target. Mukha pa naman akong butt. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko'ng marahan nang natuon ang aking atensiyon sa isang pamilyar na BLUE SPORTS BAG.

J. Covey

Sh-emay. Kay Jules?!?! Hindi ba siya napapagod na mag training? Tirik na tirik ang araw ah. Parang kanina lang nakita ko siya na tumatagaktak ang pawis. Eh nagpalit nga lamang yata ito ng school uniform para sa completion shoot namin? Kaso bukas na raw ang boys. So nagmukmok nalang siya sa gilid.

Tatambay nalang ako sa audi bukas, wala namang klase at orchestra practices nalang ang dahilan ng pagpasok ko.

Gosh. I'm simp.

"Covey, ang follow through mo," tinawag ng coach ang atensiyon niya "masyadong aggressive kaya hindi kagandahan ang lipad ng arrow."

Nakita kong inilagay ni Jules ang kamay niya sa may chin niya at kunwaring nirerelease ang arrow. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya. Kaya naman noong humarap siya sa gawi ko ay kaagad na nagtama ang mga mata namin. Hindi ko inialis ang paningin ko sa kaniya pero makalipas ang ilang segundo ay...

Smile of the DaredevilWhere stories live. Discover now