"Ang konti niyo yata ngayon," iniayos ni Fel ang ribbon sa dulo ng buhok ko.
"Yah," maikling tugon ni Chia. "bandmates were too lazy."
"Super lazy," pinangalawahan ko. "mabuti nalang at walang mga events at competition!"
Naupo muna kami saglit doon sa school bench upang magpahinga.
Nilapag namin ang mga gamit namin sa tabi namin at tiyaka kami sumandal sa bench. "5 minutes lang tayo dito ah," anang Fel.
"Huh," ngumuso ako. "bakit naman?"
"Malamang," umirap si zchia. "Diba pipila pa tayo sa samgyup after pandayan, sabi mo?"
Oh, oo nga pala. I totally forgot about the dinner.
"Oh, oo nga pala. let's go?" pag-aaya ko, dahilan para tumayo na sina Fel at Chia upang tumulak patungong pandayan bookshop.
Tatawid na sana kami nang biglang humirit si Chia. "Sa pedestrian lane nalang tayo."
Nanlaki ang mga mata namin ni Fel dahil sa aming tatlo, si Chia ang demonyo na hindi sumusunod sa kahit na ano.
"May nagbabagong buhay, oh," kumindat si Fel sa akin, sabay baling ng tingin kay Chia. "Nasunod na sa batas ah!"
"Tanga ka," anang Chia. "Kapag sa pedestrian lane ka tumawid at nasagasaan ka, may bayad. Kapag kahit saan ka lang tumawid, at nasagasaan, walang bayad. E, siyempre, doon tayo sa may bayad."
Hagalpak ang tawa naming tatlo. Pero natigil din naman nang nadinig namin ang whistle ng traffic enforcer, hudyat na pwede na kaming tumawid.
Nang makarating sa pandayan, iniwan namin sa place ng guard ang mga bags namin. Kaming dalawa ni Chia ay dumiretso sa notebooks habang si Fel ay dumiretso sa section ng mga pangtahi. This girl's into embroidery!
Nakita ko na may hawak na pitong notebooks si Chia. "Mukhang ako lang ang walang gaanong kailangan dito, ah," napayuko ako at tiningnan ko ang hawak kong isang black ballpen, isang pastel pink highlighter at isang lavander-colored notebook.
"Nagtitipid ka ata, eh," panunukso ni Chia. "E kayang-kaya mo namang bilhin 'tong buong bookshop."
"I can't, but my parents can," pagtatama ko sa kaniya. "My money is mine, and their money's not mine."
"Iba talaga to," proud na sabi ni Chia. "Future national young artist ng Philippines yarn?"
"Gaga," nangiti ako sa sinabi ni Chia. Pangarap ko nga naman talaga yon. "I'll give my best. Pero hindi pa ako ready for next year. 2 years from now, maybe. After SHS graduation, ready na siguro ako for audition."
"Wushuu! kaya mo yan," tinapik ni Chia ang balikat ko. "O, siya, sige na. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Samahan mo ko at ikukuha ko si Ashia ng rubber grip tape para sa raketa niya. May competetion e."
"Sige, tara," walang pag-aalangan kong sabi.
Naglalakad kami ni Chia papunta sa section na makukuhaan ng rubber grip tape nang biglang may tumama sa noo ko.
Nasapul ako sa noo ng isang grip tape!
"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ang bahagyang sakit sa aking mga noo. Kinuha ko ang salamin upang tignan ang kalagayan ng noo ko. Mabuti na lamang at pamumula lang ang natamo ko.
"Sorry miss-"
"Ano'ng nangyayari?" dumating si Fel na medyo hinihingal. Mukhang tinakbo niya kami rito mula sa kabilang side ng bookshop.
"Sorry, miss Arimatea," bulong ng isang pamilyar na boses. "Hindi ko sinasadya."
Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang mamataan kung sino ang nagsosorry sa akin.
YOU ARE READING
Smile of the Daredevil
Fiksi RemajaShe's a daredevil that smiles like an angel. She lived in hell but gives me heaven. She started the war but keeps on giving me peace. Note: all my characters were flawed.