Ella's POV
Ang dami palang studyante dito. Halo-halong mukhang puno ng makeup yung isa pa mukhang paa.
"What do you want to order Megs?" I asked her. Ako nalang pipili since bago lang ako dito and di ko pa kabisado mga foods dito.
"Baked mac and mango shake sakin El"
"Okay. Just find a table for us nalang muna while mag-oorder ako ng foods natin. I'll be back after."
"Okay, I'll go ahead." taas naman ng pila maabutan pa ako ng siyam siyam dito. Lilipat nalang ako sa kabila ng
"Aray! Ano ba?!" hinanap ko kung sino yung bumato sakin. Oo tama ang dinig nyo binato ako lintek talaga. I heard some guys laughing near the counter. Mga bwesit to gwapo pa naman sana at kasama pa nila yung chonggong bumato sakin ng papel. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano na naman bang problema mong chonggo ka? Wala ka bang matinong magawa sa buhay mo kaya ako pinagdidiskitahan mo? Papansin ka masyado eh. Kung hambalusin kaya kita ng tray gusto mo?" gigil kong sabi sa kanya. Nanahimik ako dito tapos nangbabato sya aba sumusobra na sya akala nya siguro di ko sya papatulan.
"Wala lang. Gusto lang kitang pagtripan cute mong mainis eh mukhang tae hahahaha" nagtawanan din yung mga kasama nya. Okay na sana eh cute na eh kinilig na sana ako dun kahit kunti.
"Tae? Pwe! Kung ako tae ikaw parang batang uhugin, kulang sa aruga. Papansin masyado, di ka love ng family mo? Kawawa ka naman."
"Anong sabi mo? Ulitin mong sinabi mo panget ka." nangagalaiting tanong nya. Beastmode ang loko inumpisahan nya eh.
"Ulitin ko? Papansin ka kulang sa aruga. Kulang sa aru- Araaaay! Ano ba?" sigaw ko. Pano ba naman eh nasasaktan ako sa ginawa nya sobrang higpit ng hawak nya namumula na nga eh.
"Kapag ako di mo bibitawan basag yang itlog mo kasama na din yung jr mong jutay! Wag mo akong susubukan. Gutom ako kaya umalis ka or kakainin kita?" imbis na mainis ako sa lalaking ito ay natawa ako. Paano ba naman eh epic yung mukha nya nung sinabi kong jutay hahahaha buti nga. Binitiwan din naman nya kamay ko. Ang sakit talaga namumula pa rin.
"We're not done yet, panget! Remember this, gugulo ang buhay mo dito" walkout again. Ang hilig talagang magwalkout nito. Pabalik na ako sa table ng nagbulong-bulungan yung ibang studyante.
"Ang tapang naman nya. Di nya talaga alam kung sino binabangga nya, goodluck sa kanya" mga chismosang to.
"Here's your food Megs sorry natagalan binwesit na naman kasi ako ng gagong yun"
"It's okay, alam mo saludo ako sayo eh tapang tapang mo hahahaha. Pero El, be careful hindi kung sinu-sino lang dyan ang binangga mo. Anyways, let's eat na gutom na talaga ako." Natahimik naman ako sa sinabi ni Megs sa akin.
-
We're on our way going to our next subject class when some chaka girls blocked our way.
"Hey, newbie!" sabi nung mukhang white lady tapos anytime mukhang puputok na yung ilong nya.
Lumingon lingon naman ako baka kasi hindi ako yung sinabihan eh kaso tinawag nya ulit ako.
"Hey, newbie! with matching taas kilay. Sus, akala mo naman totoo yung kilay drawing lang pala.
"Yes? What do you want from us?" sabi ko, medyo naiirita na din si Megs sa mga impaktang ito. Nagmamadali pa naman kami. I asked Megs if sino itong humarang sa amin sila daw yung die hard supporters nung mukhang chonggo kanina."Why did you shout at Alexander?! Who are you? You're still new to this university yet you act like an almighty one? Such a brave woman huh?" sabi naman nung isa.
"And who the hell are you to shout at me then? I don't care if I shouted at him because first he's the one who throw a crumpled paper on me then. I don't need to explain it to you girls, so if you'll excuse us." aalis na sana kami nung hinablot nya yung buhok."Ano ba! Bwesit ka, gusto mo ng away? Then fine, I'll give you what you want" catfight pala gusto nito ha, pwes. Nagsabunutan kami, sakit ng anit ko bwesit na babae. Nasuntok ko naman sya sa tiyan na, tyaka sinipa.
"If you dare touch me again, di ako magdadalawang isip na patayin ka. Try me." a smirked plastered on my face. Kinuha ko yung bag ko tsaka umalis. Charot lang naman yung patayan eh jusko naman napasubo ako.