Chapter 1

28 2 0
                                    

"Mr. Arellano told us that you didn't come to school yesterday, Amber. Where have you been yesterday? Hindi na talaga namin alam ng mommy mo kung anong gagawin sa iyo. Wala ka ng ibang alam gawin kung hindi mag cut ng classes at pumunta sa coffee shop ni Six? Wala ka ba talagang planong ayusin yang buhay mo?"

Nag inat ako sabay hikab. Palagi na lang ganito ang scenario sa bahay namin. Inayos ko ang medyo nagusot kong school uniform bago mag slice sa cake.

"Chill daddy, ang puso mo," sagot ko.

Kumunot ang noo ni daddy habang nakatingin sa akin. Nakakainis lang talagang lagi na lang akong pinagsasabihan ng ganito. I'm not a freakin' child anymore.

"Do something valuable, Amber. You should learn how to run our companies. We're not getting any younger. Ikaw naman ang magmamana ng lahat ng iyon. Pati magka college ka na. Learn to plan for your future, " dagdag niya pa.

Inubos ko na ang cake sa plato ko. Masyadong seryoso si daddy. Natatawa na lang ako. I wonder kung nasaan na naman ang mommy ko. Sabi ng wag hahayaan si dad na mag isa.

"Kahit nagka-cut ako, honor pa din ako daddy. Kahit tulog ako, kayang kaya kong iperfect lahat ng exam namin. Hah! You're so blessed having a gorgeous and smart daughter like me. By the way, I have to go na," lumapit ako para halikan siya sa pisngi.

"And where are you going, young lady?" Pahabol na tanong niya.

Nakapamulsa lang ako habang palabas ng study room niya. "Magka-cut---

I mean, sa school po. Sige daddy, bye. Mwah!"

Patalon talon akong naglakad palabas ng mansion namin. Dala dala ko pa yung lollipop na binili ni Six sa akin kanina. Hay. So I guess, wala na kong choice kung hindi pumasok sa school.

Nakarating ako sa school ng late na. Nag half day na lang ako. Kasalanan ni daddy kung bakit ako na late. Nagmisa na naman kasi siya.

Pagpasok ko sa room ay naabutan ko na nagkaklase na sila. Nakatalikod si Mr. Arellano kaya nag tip toe ako papunta sa upuan ko. Sinenyasan ko naman ang mga kaklase ko na tumahimik.

"Ms. Trinidad! You're late," napatigil ako sa pagsigaw ni Sir.

Nagkamot ako ng ulo at ngumiti ng pagkakatamis sa kanya. "Sorry, Sir. Sisihin niyo po si daddy. Pinagsabihan niya kasi ako. Grabe talaga ang tatay ko no? Pwede na po ba akong umupo?" Pa cute ko sa kanya.

"Nakaupo ka na, Ms. Trinidad, " inis niyang sagot sa akin.

"Ah okay. Thank you, then." I awkwardly sat on my chair.

Nagklase na si sir. Bumabagsak na ang ulo ko sa sobrang antok. Pumikit na lang ako at natulog. Hindi naman siguro ako mabibigyan ng lifetime supply ng kape kapag nakinig ako. Gusto ko na tuloy mag ditch ng class. Miss ko na ang frappe sa coffe shop ni Six. Argh!

Nang marinig ko ang tunog ng alarm nagising ako agad. Napaniginipan ko pa na hinahabol ako ng favorite kong vanilla frappe.

"Naiihi ako. Wrong timing naman," tatakbo akong pumunta sa cr.

Basta na lang ako pumasok sa cr. Tinatawag na ko ng kalikasan at hindi ko maeenjoy ang kape ko kung may iniinda ako.

Papasok na sana ko ng cubicle nang mapansin ko ang isang lalaki. OMG! May lalaki sa cr.

"Waah!! Umalis ka dito! Hindi ka na nahiya sa paggamit mo ng banyo ng mga babae. Bastos ka! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na rumespeto sa aming mga kalahi ni Eba! O hindi mo lang binasa yung nasa may pintuan na para sa mga babae ang cr na to!" Sigaw ko.

Unti unting humarap yung lalaki. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo.

"Boys' cr ito, Amber." Aniya.

Iimik pa lang sana ako ng may mga lalaking lumabas galing sa mga cubicle. Napatingin ako sa mga katawan nila. Bago pa ko tuluyang maglaway, lumabas na agad ako ng cr saka ko tinignan ang label sa labas ng cr. How stupid. Boys' cr nga.

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa shop ni Six. Hindi ko na yata kayang mabuhay ng walang frappe.

Dumiretso agad ako sa counter. "Hi, one order of Vanilla Frappe, please, thank you,"

Umupo agad ako sa couch malapit sa may glass wall. Kitang kita ang view ng artificial lake ng Haven's Coffee Shop. The ambiance of the shop was too overwhelming. Nawawala lahat ng stress at problema ko sa mundo. Idagdag mo pa ang pagiging cozy ng place.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Riley. "Hey, bestfriend!" Rinig ko ang buntong hininga niya.

"Why?" Sagot niya.

"Nasa coffee shop ako. Punta ka dito, dali. I'll treat you. Wala na kasi akong mapaglagyan ng pera ko. Alam mo naman, rich prob--

Naputol ang speech kong iyon nang magsalita si Riley. "Are you done bragging? Busy ako. Magsama ka na lang ng iba. By the way, don't call me "bestfriend" it's annoying,"

Ang sungit niya talaga kahit kailan. Pero bestfriend ko talaga yun, simula pa grade school. Para lang talaga siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Here's your frappe, Amber." Pinatay ko ang phone ko. Tumabi sa akin si Six at kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga, kaya crush kita eh," hinampas ko ng mahina ang braso niya.

"Ikaw talaga. Maliit na bagay. Hay. Wag kang maingay. Baka malaman nila. Ay hindi! Alam pala nila yon. Nahihiya lang silang sabihin," uminom na ko ng frappe.

"Ikaw talaga. By the way, asan si Riley?" Tanong ni Six.

"Ah yung bestfriend kong kailangan ng attitude adjustment? Ayun nasa library yata, nag aaral." Sagot ko.

Napatingin kami ng bumukas ang pinto at pumasok ang iilang lalaki. Tumayo ako para yakapin ang gwapo kong kuya Ashley.

"Hi kuya! Ang gwapo mo talaga. Manang mana ka sa akin. Haha. Ililibre mo ko?"

Kasama niya lang ang dalawa niyang barkada. Yung chinito na maputi ay si Neon Cheng. Close din kami niyan. Tapos yung isang naka poker face lang at parang pasan ang mundo ay si Icen. Hindi naman siya masungit, tamad lang magsalita.

"Naka drugs ka ba, Amber?" Tanong ni Kuya. Inirapan ko lang siya. Bakit naman ako magda drugs?

Nagtawanan lang sila except kay Icen. Kumapit ako sa braso ni Icen saka umakto na parang nasasaktan.

"Buti ka pa, Icen. Ang bait mo sa akin. Ang mean ng kuya ko, no? Hay. Nasasaktan ako. Naka drugs daw ako? Grabe talaga. Mukha ba kong naka drugs?"

"Oo," sagot niya.

Laglag ang panga ko sa sagot niya. Iniwan niya ako doon at sumunod kina kuya. Doon sila umupo sa may katapat kong table. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag inom ko ng frappe.

Hindi ko na lang yun pinansin. Nagconcentrate na lang ako sa pag inom ng frappe. Napatigil ako sa pag inom nang tumunog ang chime sa may doorway ng coffee shop.

Pumasok doon ang isang lalaking nasa 5"11 ang height. His face was expressionless yet it brings out a lot of appeal. Those piercing eyes, pointed nose and luscious lips. Iling iling, Amber! Nababakla ka na naman. Umupo siya sa likod ko. At dahil friendly ako, pumihit ako para batiin siya.

"Hi! I'm Amber. Masarap ang coffee nila dito. And you're? " nag iintay ako ng sagot mula sa kanya.

Binalingan niya ako. Halos mapatalon ako sa titig niya. Nakakailang.

"I don't talk to strangers, " aniya.

"E nagpakilala na nga ako, diba? So, hindi na ko stranger. O baka naman gusto mo ng passport, NBI at Police clearance ko para maniwala kang hindi ako masamang tao. So, anong pangalan mo?" Sabi ko sa kanya.

"Ayoko ng babaeng maingay," iritado nitong sabi. May topak yata yun eh. Sayang. Gwapo pa naman.

"I see. Hi Mr. Ayoko ng babaeng maingay. Nice meeting you," at inirapan ko lang siya.

Then, I heard him chuckled. Napangiti na lang din ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ConquersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon