chapter 4

1 2 0
                                    

"Ba-baka naman ho nagkamali kayo ng bilang mang buboy... baka isa lang... kasi kung marami hindi napo ako maniniwala."

Saad ko saka siya tumitig ng masama sakin.

"Pumasok kayo dahil padilim na, delikado sa labas."

Utos nito kaya pumasok na kami sa loob.

"Ispesyal na babae si carol, minerva." Saad ni mang buboy kay mom nang makaupo na kami lahat sa mesa.

"Eh ano pong ibig niyong sabihin? Na may kapangyarihan ang anak ko? Haha mang buboy get straight to the point." Natatawang tanong ni mama.

Biglang may nag abot samin ng kape. Isang binata siguro kaedad ko lang rin.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin minerva... katulad ng sinabi ko kanina, may mga kaluluwa sa katawan ng anak mo." Saad nito.

"Then... what will we do para umalis ang mga yon inside carol?" Saad naman ni tita.

May kinuha si mang buboy na libro sa lamesa at saka tumingin samin.

"Narito ang sagot."

Saad niya. Ilang segundo lang ay may dumating na isang matandang babae galing sa labas. Nabalot kami ng katahimikan habang tinitingnan ang presensiya niya. She looks tired.

"Inay, maupo ka po." Sulpot nung binata tsaka binigyan ng upuan si nanay.

"Siya si inay puri, isang albularyo. Pinatawag ko siya dahil hindi naman kinukulam si carol. Kailangan ko siya dahil..."

"Dahil hindi kakayanin ni buboy..."

Biglang putol ni nanay kay mang buboy.

Hindi kakayanin? Ibig sabihin... mahirap ang haharapin naming kalaban... Okay so hindi parin ako fully maniniwala to this joke.

"Bakit po hindi kakayanin?" Tanong ni mom.

Tumingin muna sakin ng ilang sandali si nanay bago sumagot.

"Unang tingin palang sa anak mo.... umaalingaw-ngaw na agad ang mga boses nila sa tenga ko, at nakakarinding pakinggan ang mga kaluluwang ligaw." Sagot nito.

"At isa lang ang gusto nilang iparating sainyo, humihingi sila ng tulong."

Saad pa nito.

Tulong? Bakit saakin pa? Hindi ko nga alam kung pano sila tutulungan...

"Nay... bakit naman ho sakin pa? I mean hindi ho ako ganon kalakas para matulungan sila." Saad ko.

"Carol. Gusto mo ba silang maka usap ng personal?" Tanong ni mang buboy.

Isa lang ang gusto ko. Ang mamuhay ng maayos.

Tumango ako kay mang buboy.

Tumayo si nanay para kunin sa binata yung parang bato na may usok. I dont know whats that pero iniikot samin ni nanay yung usok.

"Maghawak kamay tayong lahat at pumikit. tulungan natin si carol na magabayan ng liwanag."

Nag hawak hawak kamay kami at tsaka pumikit.

I dont know if this will be effective para mapa alis namin sila sa katawan ko pero i have to do this.

"Ulitin niyo lamang ang mga sasabihin ko. Carol... wag kang mag isip ng kung ano ano at hayaan mo silang maka usap ka. Mag sisimula na tayo.

Saad ni mang buboy.

"Lunir sok filibus."

"Lunir sok filibus. "

Saad ni mang buboy na sinabi rin namin.

"Felicente ug wati."

"Felicente ug wati."

SOULS INSIDE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon