Kasalukuyan kaming nasa hospital, ngayon ko lang din nalaman na may sakit siya na Leukemia."T-Tandaan mong mahal kita Kent. Kaya hindi ko sinabi sa 'yo ito, kasi ayaw kong masaktan ka," sabi nito sabay hinawakan ang aking pisngi. "Kung pagbibigyan muli akong mabuhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko."
"Kaya nga lumaban ka Siri! Don't leave me, don't leave us! Maraming nagmamahal sa 'yo!"
"Pero ramdam ko na 'yung sinasabi nilang calling ni God," nanghihina nitong sambit. "Isuot mo sa'kin 'yan." Dumako ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak ang singsing.
Isinuot ko ito sa kanya at sabay sabing, "Mahal kita Sigrid."
"Mahal din kita, Kent Gomez." Niyakap ko ito. "Once upon a time in Café Amore." Napahigpit ang yakap ko dito at napaluha—mahirap. "A place where a writer and barista's love story begins." Hinaplos niya ang aking buhok. "My last novel was dedicated to you at kahit hindi ko na muling malalasahan ang kapeng gawa mo, nandiyan pa rin ako sa tabi mo. . . Be happy and live, my Kent."
She died, exact 8:30 pm.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Time in Café Amore
Short StoryOnce upon a time in Café Amore is a short story about Sigrid who is the writer and a girl who had a hopeless crush on a barista named Kent. As they know each other, some feelings have been untold. But everything has been changed because of one sweet...