Café Story 1

81 41 3
                                    

Sigrid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sigrid.

"One espresso please!" Nag-tipa muli ako sa aking laptop para magpatuloy sa pagsulat sabay sumulyap-sulyap kay Kent.

Isang barista si Kent at owner ng café amore. Matagal na akong may pagtingin sa kanya, noong mga high school pa kami.

He doesn't notice me kaya hanggang pasulyap-sulyap na lang ako at kaya lagi akong nandito sa café ay para makita siya.

Hindi niya rin alam na may gusto ako sa kanya, kasi nahihiya akong umamin. Famous siya lalo na sa mga babae, kaya isa 'yun na dahilan kaya madaming tao ang nag-pupunta rito.

But still, I support him.

"Here's your order, Miss." Napakurap ang mata ko noong nasa harap ko na 'yung taong sinusulyap-sulyapan ko kanina.

Ipinatong nito ang kape ko sa table ko kaya napatingin ako. Sumuot sa aking ilong ang amoy ng kape. "Mocha?"

Ngumiti ito. "Pansin ko kasi na palagi kang umiinom ng espresso, kaya hayan mocha! Well, nice to meet you, Miss Sigrid Torres."

- - -

Once Upon a Time in Café AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon