Chapter 3

0 0 0
                                    


Alex's POV

"Alex!" Nagulat ako dahil may biglang sumigaw ng pangalan ko,lumingon naman ako at tiningnan siya ng masama

"Hehe sorry" sabi ni felix at nag peace sign pa,lumapit silang lima sakin

"Diba sabi ko tigilan mo na yang pambubully mo" nakakunot noong sabi ni Daniel

"Hindi ako titigil habang may nakikita akong nangbubully niel" walang modo na sabi ko

"Baka mapa office ka niyan at mapatawag ang mga magulang mo lex" nagaalalang sabi naman ni jake

"Hayysss pano naman sila mapupunta dito eh busy nga sila sa BUSINESS nila,ni tawagan nga ako hindi nila magawa eh.Tch!"

"Eh kung yung lolo mo ang ipatawag aber?" Si Daniel

"Hindi pwede! Wag na wag niyo tong mabanggit banggit kay lolo kung hindi mayayare kayo sakin" pagbabanta ko sa kanila at dali daling naglakad papunta sa canteen at dahil nagugutom nadin ako,ramdam ko namang sumunod sila sakin

"Hey" habol sakin ni Daniel "Alam mo ang tigas tigas ng ulo mo alam mo yun?"

"Oo,simula nung pinanganak ako" pamimilosopo ko sa kaniya,kinutungan naman niya ko sa ulo

"Ano ba! Sinisira mo buhok ko ulol,tigilan mo 'ko dahil wala ako sa mood ngayon" sabi ko pa sa kaniya at inayos yung buhok ko

"Woi! Palagi ka namang wala sa mood eh,kutungan kita ulit gusto mo?" Sabi pa niya habang itinaas yung kamay niya na akmang kukutungan ulit ako

"Sige subukan mo,kamao ko nalang yung bahala sa'yo" sabi ko naman at itinaas din ng bahagya yung kamao ko

"Hoy! Labberds! Ano yan ha? May pa ganiyan ganiyan na kayo ha,ano yun?!" Habol samin nung apat,nauna kasi ako kanina eh hinabol ako nung asungot na Daniel kaya ayun,nagkasabay kami at naiwan yung apat

"Tigilan mo 'ko zypher nagugutom na 'ko" ang kukulit naman ng mga lalaking 'to,parang elementary kung umasta putchaakk buti nalang hindi ako nahahawa sa mga ito tsk!

"Oh siya dali ako na ang o-order,ano yung sa inyo mahal na reyna at mga hari" pabiro pang sabi ni felix,nagsiupuan naman na kami ng may makita kaming vacant sits

"Sandwich tsaka cola nalang sakin" sabi ni Jake

"Bread,one slice of pizza tsaka cola din" si Jay,antakaw ng isang 'to

"Pizza,yakult then water sakin" si zypher

"Dalawang burger isang cola at isang tubig" nakangiting sabi naman ni Daniel

"Wow alam na alam paborito ni Alex ah,ikaw Daniel Choi ah may hindi ka sinasabi samin"

"Stop it felix,mag order ka na dun at gutom na 'tong isang 'to,baka magwala 'to" sagot naman sa kaniya ni Daniel,tumingin muna sakin si felix tsaka,ngumiwi,inambahan ko naman siya ng kamao

"Nyee,samahan mo nga 'ko zy hindi ko kaya 'to mag isa" tumayo naman siya tsaka inakbayan si felix "Dalian mo,baklang 'to" kinuha naman niya yung kamay ni zypher na nakaakbay sa kaniya tsaka tinawanan lang siya nito..Tsk!

"Wahhh! Guys ayan na siya oh!"

"Myghadd ang gwapo nga niyang talaga!"

"Ethan,mahal na ata kita"

"Mr.Hamada ang gwapo gwapo mo!"

P*ta ansakit sa tenga yung mga tilian ng mga babae dito,nakakarindi,psh! At dahil gutom ako hindi ko sila pinansin at naka kunot noong pinagmasdan sina felix at zypher na pumipila sa counter para mag order,nung makita pa sila ng mga babae pinauna pa silang pumila,weews may panginabang din pala yung pagiging gwapo nila eh...Buti naman,kasi gutom na talaga ako

Bully of the BulliesWhere stories live. Discover now