CASSANDRA'S POV
"Here's your DJ with a sweet smile and sweet voice. Your night will never sway 'coz here I am to stay and make your night all the way..."
Napailing ako. Mukha na talaga akong baliw. Buti na lang mag-isa ako sa elevator. Kung hindi, baka napa-mental note na sa akin ang guard.
Ever since, gusto ko nang maging DJ. Hindi naman imposible. I took up MassComm sa province, pero dahil sa kakulitan at tiyaga ko, napapayag ko si Daddy na mag-transfer ako sa isang kilalang university sa labas ng metro. New city. New life. Zero friends.
Pag-swipe ko ng card at pag-enter ng passcode, bumukas ang unit ko.
Yes. Condo.
Medyo sosyal pakinggan, pero hindi ganoon dati ang buhay namin. Galing kami sa siksikan at tipid mode. Ngayon, may sarili na akong unit. Lahat dahil sa sipag ni Daddy. Kahit nasa abroad siya bilang engineer, hindi siya pumapalya sa pangungumusta. Si Kuya naman, nakatapos na rin.
Pagkasara ko ng pinto, bumagsak ako sa kama kong may Minnie Mouse cover.
Wah. I love Minnie Mouse.
Paglingon ko sa kaliwa, tumambad ang bundy clock.
9 PM.
JETRO. That name.
Agad kong binuksan ang radio monitor. Tahimik ang buong unit, pero punong-puno ang gabi ko.
Simula nang lumipat ako rito, radio ang naging kasama ko. Walang barkada. Walang kapitbahay na close. At dahil sa pagiging DJ-wannabe ko, naadik ako sa midnight voice ni Jetro. Unang gabi ko pa lang dito, nahook na ako.
Boses pa lang, parang may kwento na. Parang kilala niya ako.
Inayos ko ang upo at tinaasan ang volume. Bahala na kung magreklamo ang katabing unit.
"Hello! Good evening! Good evening mga ka-metro. Apat na oras na naman tayong magsasama-sama. Apat na oras ng kulitan, harutan, dramahan, at kung anu-ano pang ka-emo-han ng buhay. This is Metro Love Diaries with your hottest and yummiest..."
Totoo naman.
"DJ Misteryoso... JEEETT—ROOOO! I'll be back only here on your newest favorite, 101.5 HAPPY FM... SOUNDS GOOD, YEAH!"
Pagkatapos ng intro niya, dumiretso ako sa CR at naligo. Paglabas ko, nagsisimula na ang first caller.
Sa show niya, puro love stories. Teenage heartbreaks. Family drama. Mga taong gustong umamin pero takot. Minsan, parang mas gusto pa ng caller ang DJ kaysa sa problema nila.
Pinatay ko ang ilaw at humiga. Tinapat ko ang speaker sa ulunan ko.
"Hello?"
"Good evening, Mommy. Kumain na po ba kayo?"
"Good evening rin, DJ Jetro. Ah oo, I already ate my dinner."
"So Mommy, how can I help you?"
"May i-she-share lang sana ako about sa amin ng husband ko."
BINABASA MO ANG
Perfect Beat [EDITING]
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...
![Perfect Beat [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/3670953-64-k121121.jpg)