Chapter 1: First encounter

1.6K 20 0
                                    

Si Chelsea Lorraine Santiago ay isang college graduate, nag apply siya sa isang company, at ang company na yun ay kilalang kilala sa buong bansa ng Pilipinas pati narin sa Ibang bansa.

"6am ng tumunog ang alarm clock ni Chelsea (kring, kring, kring) ayaw pa sana niyang bumangon kaso naalala niya na mag aapply pala siya sa isang company, kaya dali dali siyang bumangon at nag asikaso, pumunta muna siya sa banyo at naghilamos ,pagtapos ay lumabas na siya ng kwarto niya at nadatnan niya ang mama niya na naghahanda na ng almusal nila kaya tinulungan ni chelsea ang mama niya na maghanda.

"Ma, pa, goodmorning ,bati ni Chelsea sa mama at papa niya

"Goodmorning din sayo anak ,sambit nila mama at papa ni Chelsea.

"Ma,pa tulungan ko na po kayo dyan, sambit ni chelsea.

"Oh siya sige mabuti pa nga tulungan mo kami para makakain na tayo, sambit ng mama ni chelsea.

"Sige po, sambit ni Chelsea.

at tinulungan nga niya ang mama at papa niya na maghanda ng almusal,maya maya ay naihanda na nila ang kanilang almusal at nagkaininan na sila, Makalipas pa ang ilang oras ay natapos na silang kumain ang mama ni chelsea ang nagligpit ng pinagkainan nila habang si chelsea naman ay nag asikaso na dahil mag aapply siya ng trabaho, agad siyang dumiretso sa banyo para maligo, maya maya pa ay natapos na siyang mag asikaso kaya nagpaalam na agad siya sa parents niya.

"Ma, Pa aalis na po ako, sambit ni Chelsea.

"Sige anak mag iingat ka, sambit ng mama at papa ni Chelsea.

After few hours:
Nakarating na si chelsea sa company na pag aapplyan niya napawow siya sa sobrang ganda at laki ng company na pag aaplyan niya, maya maya ay sumakay na siya ng elevator para madali siyang makapunta sa office na pag aapplyan niya, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa pupuntahan niya, pumasok siya agad sa office, pag pasok niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba sa mga interview na itatanung sa kanya, nung una akala niya ay di siya makakapasa sa mga interview sa kanya pero nagulat siya dahil nakapasa siya.

"Ok Miss Chelsea Congrats pwede ka na mag start mag work tomorrow, sambit ni Mr. Smith.

"Ah thank you po sir, nakangiting sambit ni Chelsea.

"You're Welcome Miss Chelsea, nakangiting sambit ni Mr. Smith.

at agad siyang lumabas sa office, paglabas niya ay sumakay ulit siya sa elevator, mga ilang sandali pa ay nakababa na siya pagbaba niya ay nagulat siya sa lalaking nakabanggaan niya, natumba siya ng magkabanggan sila, nainis si chelsea dahil imbes na tanungin siya kung ok lang ba siya ay ganito naman ang sinabi sa kanya ng nakabanggaan niya.

"Next time titingin ka sa dinadaanan mo para di ka nababangga at next time wag kang paharang harang sa dinadaanan ko , masungit na sambit ni Xian(Magiging Boss ni Chelsea)

at naglakad na siya papalayo kay Chelsea.

"Hoy sandali lang! ,pasigaw na sambit ni Chelsea.

"ang sama ng ugali ng lalaking yun,siya na nga itong nakabangga sakin siya pa itong may ganang magalit hmm, sambit ni Chelsea sa sarili niya.

Walang kaalam alam si Chelsea na ang nakabangga niya pala ay ang magiging boss niya.

Maya maya ay umalis na siya sa company, hindi mo na siya umuwi sa bahay nila dumiretso siya sa bahay ng kaibigan niyang si Nica, makalipas ang ilang oras ay nakarating na siya sa bahay ng kaibigan niya,Tok Tok Tok , tatlong beses na pagkatok ni Chelsea at maya maya ay binuksan na nica ang pinto,

"Oh bessy ikaw pala halika pasok ka, sambit ni Nica.

at pumasok na nga siya sa bahay nila nica, pinaupo muna siya ni nica sa sala nila, at kumuha siya ng makakain nila habang nakaupo si chelsea sa sala ay bigla siyang nakita ng mama ni Nica kaya nilapitan siya nito.

"Oh Chelsea nandito ka pala, grabe di kita namukhaan ah lalo kang gumaganda, pampupuring sambit ng mama ni nica.

"ah hehehe thank you po tita," nakangiting sambit ni Chelsea.

at habang nag uusap sila ng mama ni nica ay sakto namang dumating na si nica na may dalang pagkain at juice,

"Oh bessy ito na pagkain natin, sambit ni nica.

Tumayo si chelsea at kinuha niya ang dalang pagkain at juice ni nica at inilagay niya ito sa may lamesa malapit sa sala nila nica kung saan siya naka upo, at maya maya ay kumain na sila ni nica, habang nagkukwentuhan sila ay napansin ni nica na nakasimangot si chelsea kaya tinanung niya kung bakit ito nakasimangot.

"Oi bessy ayos ka lang?, bakit naman nakasimangot ka dyan? di ka ba natanggap sa inapplayan mong trabaho?, sunod sunod na tanung ni nica.

"Ayos lang naman ako bessy, natanggap ako sa trabaho, sambit ni Chelsea.

"Oh! yun naman pala eh, edi dapat masaya ka kasi natanggap ka sa trabaho, sambit ni nica.

"Masaya nga ako dahil natanggap ako sa trabaho na pinag applayan ko ang problema naiinis ako sa nangyari sakin kanina sa company na pinag applayan ko, sambit ni Chelsea.

"Huh? Bakit naman? Ano bang nangyari sayo kanina, sunod sunod na tanung ni nica.

"Nakakainis naman kasi may nakabangga akong lalaki kanina ang gwapo pa naman sana kaya lang masungit at mayabang kainis, sambit ni Chelsea.

"Ah kaya pala nakasimangot ka dyan, sambit ni nica.

"Ay ewan ayoko na pag usapan yun, sambit ni Chelsea.

"Ah ok sge ikaw bahala if ayaw mo nga pag usapan natin yun, mabuti pa kumain na lang tayo, sambit ni nica.

"Mabuti pa nga, sambit ni Chelsea.

"Btw bessy matanong ko lang saan ka nag apply? Tanong ni Chelsea.

"Ahm XJS Company, Sambit ni Chelsea.

"Hah? Seryoso nag apply ka sa XJS Company buti na tanggap ka hay naku bessy sinasabi ko sayo kung ako nga eh muntik ng di matanggap dahil sa napakamapili ni Sir Xian sa empleyado, sambit ni Nica.

"Oo natanggap ako si Mr. Smith ang ang nag interview sakin, teka sinong Xian? Sambit ni Chelsea.

"Si sir Xian Justin Smith siya magiging boss natin dun bessy ano ka ba yung nag interview siguro sayo daddy yun ni sir xian, mabait si Mr. Smith sadyang yung anak niya lang ang saksakan ng sungit, sambit ni Nica.

"Oh seryoso btw kailan ka ba nag apply dun, sambit ni Chelsea.

"Matagal na akong nag apply dun bessy, si sir Xian ang nag interview sakin nun eh kaso umuwi ata si Sir Xian sa ibang bansa kasi nayayamot na daw siya sa company, pero now ang pagkakaalam ko uuwi daw si sir xian dito sa pilipinas kasi sa kanya daw pinapahandle at pinamana ang Company nila, sambit ni Nica.

"Ah ganun ba jusq ko na naman pagka minamalas ka nga naman pero ok lang atleast may trabaho kaysa sa wala, sambit ni Chelsea.

At saka kumain na lang sila.

I Married With My Boss(Xiumin)💼(Completed✔️)Where stories live. Discover now