Chapter 3 (Begin)

0 0 0
                                    

Danica

Kumatok ako sa pintuan at pagbukas nito bumungad sa amin si jacob. We greet him with a smile except lea she just rolled her eyes.
"May lakad tayo?" Jacob ask as he open the door wider and let us enter their room.
I shook my head "Where is james?" I asked finding james in the room.
"Oo nga asan si james?" Tanong ni lea. "Tinago mo ba siya para hindi ko siya makita kasi magseselos ka?" dagdag niya. Napailing nalang ako sa sinabi niya.
"Nasa CR lang naliligo ano ka ba, kahit kay james ka lalapit alam kong sakin ka may gusto denial ka pa diyan." biro ni james habang may pa suklay-suklay sa kanyang wavy brown hair. Tinulak siya ni lea sa gilid at nakita namin si harold na nag la-laptop lang. He greeted us with a smile. My dimples pala siya, ngayon ko lang napansin. Ang gwapo rin niya with his hazel brown eyes and Pink kissable lips. Para siyang isang fiction character na nag e-exist. Ang ganda din ng kanyang mga pilik mata, ang tangos ng ilong omg parang perfect na ata siya.
"Dahan-dahan naman sa pagtutok mo sa brother in law ko nica! Matutunaw na siya!" Lea exclaimed. Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala ako nagfa-fantasize kay harold. Hindi naman sila gaano magkalayo ng mukha ni james pero kapag tinabi sila mas gwapo parin si harold. Pumula ang aking mga pisngi at nag iinit ito ng tumingin si harold sa akin at ngumiti. Justin pat my shoulders gently habang nakangiti.
"Oh girls andito pala kayo!" My sense came back ng nagsalita si james na kakalabas lang sa CR. Napatalikod ako at ang iba ko ring kasama except ni lea na nakatutok sa mga abs ni james. Nakatopless ngayon si james at towalya lang ang nakalagay sa pang baba niya kaya kami tumalikod.
"Mas gwapo ka pala james kapag naka topless! Wag kana lang kaya mag damit everyday?" tanong niya. Napatawa si james sa sinabi ni lea at dali daling nagbihis dahil alam niyang uncomfortable para sa amin.
"So....may lakad tayo?" James asked.
"Wala gusto ko lang magtanong marunong ka bang mag trace ng contact number." I told him directly so I can launch my plan next.
"Oo naman, bakit?" Sagot niya.
"Can you trace this number?" I gave him my phone so he can see the number.
"Wait let me try." He walk toward his bag and got his laptop. He headed towards the dinning part of the room and called us to go to him. Nang makalapit na kami binuksan niya ang kanyang laptop and start tracing I guess? Hindi ko alam ang mga ganyang bagay. We just look at him doing some stuff na hindi namin alam may mga numbers na hindi naming maintindihan pati letters kahit saan. Maya-Maya may lumabas na parang circle and may pangalan ng resort namin ang may red dot. Hindi ko ma explain dahil wala akong alam sa mga tracing-tracing na yan.
"Wait..." James murmured while holding his chin.
"Wait, dito lang ba yan sa resort? May nakasulat na pangalan sa resort eh." Justin asked habang tinuro-turo ang screen ng laptop.
Tumango si james "Andito lang sa resort ang nagsi-send sayo ng message."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni james. Pero kahit alam ko na nasa cebu ang dad ko hindi parin ako makapaniwala na nandito mismo sa resort namin ang mga kidnaper.
"Sorry nica ha, hindi ko na matrace kung saan talaga siya na part dito, yan lang ang alam ko eh" Nahihiyang sabi ni james sabay kamot sa batok niya.
"Ang laki na nga ng tulong mo" I smiled at him.
"Btw, bakit ka pala nagpapatrace?" Tanong niya. Nakalimotan ko ata i explain kung bakit nga ba, pero hindi rin naman siya nagtanong sakin diba? I explained everything to him, yung pagpunta namin dito ng maaga at pagsama ni tita. Napa 'ha?' at 'really?' face lang siya.

Nabigla ako nang may nag vibrate sa phone ko. Kinuha ko ito, nagtext ulit yung kidnapper. Inadd to contacts ko na ang kidnapper at pinangalanan ko itong trouble maker. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat there are numbers anywhere

From Trouble Maker:

01000010011000010111001101100101 01101101011001010110111001110100

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil parang familiar talaga ang tawag sa mga numbers na ito. I've been searching cipher codes recently, ano nga ba ito?

Brainy?

Birany?

"That is binary code." halos mapatalon ako sa gulat ng nagsalita sa likuran ko si james. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sila sa phone ko. "Ginagamit ata yan ng mga computer science students, I guess." paliwanag niya.
Oh yes it's binary code! Pero nakalimutan ko kung paano ito e-decipher.
"We need to group it by 8. " james added. Inabutan ako ng papel ni lucy---- wait, Saan siya kumuha nitong papel? . Pero hindi ko na siya tinanong. Pinatong ko sa mesa ang phone ko at nag umpisang isulat ang numbers.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEEKWhere stories live. Discover now