Chapter 2

4 0 0
                                    

Nakarating na kami dito sa bahay. Actually, mansion pala. Mayaman kase ang foster family ko pati na rin yung real parents. Kaya nung namatay yung totoo kong mga magulang pinag merge nalang naming ni Dad yung company namin tapos si Dad na ang bahala sa lahat kase wala naman akong alam diyan sa negosyo nay an eh. Kaya marami ang nagtaka kung bakit Education yung kinuha kong program, bakit daw hindi ako nag business program. Eh, sa ayaw ko tsaka teaching is really my calling. Noong grumaduate ako ng high school, nagulat nga sila mom and dad kung bakit yan ang kinuha ko pero inexplain ko naman sa kanila at ayun tinanggap nila desisyon ko. Si kuya Lance naman, siya yung nag business program kase sa kanya naman ipapamana ang business eh tsaka business minded talaga si kuya.

Pagbaba namin ng van, dumeretso agad sila sa sala at naupo at ang iba ay nahiga pa. Feel na feel talaga nila. Natanaw ko naman si mom dun sa may kitchen na naghahanda ng foods. Para sa amin ata to eh pero masyado naming atang marami.

"Akyat muna ako sa kwarto ko guys at magbibihis lang ako saglit." Paalam ko sa kanila at tumango naman silang lahat kaya agad-agad akong pumunta sa itaas at nagpalit ng damit. Magshoshorts nalang ako total sanay naman sila na nakikita nila akong naka shorts at tsaka nasa bahay lang din naman kami. Naka sando lang din akong kulay pink.

Pagbaba ko, nakita ko silang gumagawa rin ng lesson plan nila. Ang sisipag talaga ng barkada namin.

"Guys, kaen muna tayo bago gumawa ng IMs ko o tapusin nalang naten muna ang IM's tsaka kumaen?" tanong ko sa kanila habang papalapit ako sa kanila.

"Gawa nalang muna tayo ng IMs mo bago tayo kumaen." Sabi ni Tim.

"Oo nga Nik. Let's just say na reward sa ating lahat ang hinanda na pagkaen ng mom mo." Pagsang-ayon naman ni Jezza.

"Oh siya sige. Eto na lahat ng gamit na gagamitin natin." Dinala ko na kase yung gagamitin namin para sa IMs ko. Yung mga materials hahaha. Struggle is real. Kaya nagsimula na kaming magtrace ng letters sa mga cartolina at sa mga specialty paper. Trace nalang kase ang ginagawa namin para tipid sa pera, sa bondpapers, at syempre sa ink ng printer hahaha. Ang kukuripot kase naming kaya ganito nalang ang ginagawa naming. Yung letters ng apala, may tracer na kami. Iba't ibang fonts and size para di masyadong nagagamit yung fonts. I must say that being a practice teacher is so tough dahil kulang na kulang ka sa tulog. Kaya nga ang motto naming is "what is sleep? Sleep is for the weak." HAHAHA pero wala eh, nakasanayan na kase namin.

Habang ginagawa naming yung IMs ko bigla kong narinig ang boses ni kuya. I thought his coming home late tonight? Anong nangyari? Pero teka, his not alone. Kasama niya ang buong team and kasama niya yung nakabangga ko kanina. So, magkakilala pala sila ni kuya? Bakit ngayon ko lang yan nakita? Eh, halos araw-araw tumatambay dito sa bahay ang mga teammates ni kuya.

"KUYA LANCE!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga barkada ko. Kung maka kuya naman ng mga ito. Nginitian lang sila ni kuya and guess what? Tumingin agad sa akin nan aka simangot. Alam ko na kung bakit ganyan ang mukha niya.

"Oo na kuya. Magbibihis na ako." Sabi ko sabay tayo and pumunta sa kwarto ko. Ayaw na ayaw kase ni kuya na kapag andyan ang mga barkada niya o ang mga teammates niya, na ganito ang suot ko. Alam ko naman he's just trying to protect me however I can still wear the clothes I want to wear pero ayoko na makipagtalo o makipag-away kay kuya. Iba kase magalit si kuya parang kumakaen ng buhay kapag nagalit yan.

Nagpalit na ako ng damit and this time t-shirt na kulay puti na ang suot ko and yung shorts ko, abot tuhod na. Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan na ulit ang mga kaibigan ko. Bumaba ako and yun nakikipag harutan na ang aking mabubuting kaibigan sa mga teammates ni kuya.

"Nik, andyan ka na pala. Halika nga muna dito. Diba siya yung nakabangga mo kanina sa school?" sabi ni Aisha.

Tinignan ko yung tinuturo niya and siya nga yun. "Ah, oo. Kasama ka pala sa varsity team?" tanong ko dun sa lalaking nakabangga ko kanina.

"Ah, oo." tipid niyang sinabi.

"Wait, nabangga ka niya? May sugat ka ba? May masakit ba sayo? Bro, ingat ka naman sa dinadaanan mo." sabi ni kuya Lance sa akin.

"Kuya, huwag ka ngang OA. It was just an accident and besides, it was my fault. I was too clumsy kanina." sabi ko nalang sa kuya kong OA. "but wait, what's your name?" I asked the new guy while pointing at him.

"His name is Lincoln Ezekiel Sy. You can just call him Eze but di mo siyang puwedeng jowain." sabi ni kuya Lance and di ko napagilan na batukan ang kumag.

"ARAY! Aba aba binabatukan muna ang kuya mo ha."

"Aba'y syempre! Para ka kaseng baliw kuya eh!"

"Ezekiel Sy? Parang familiar ka sa akin ah." sabi ni Tim. "Saan ko ng aba narinig ang pangalan mo? Hmmm... aha! Alam ko na! diba ikaw yung new student na Geodetic Engineering student?" sabi niya ulit kay Eze.

"Excuse me Tim but he's not a new student. In fact he's an old student of the school kaso nga lang ngayon lang siya ulit bumalik sap ag-aaral." sabi ni Tyrone, na ka teammate ni kuya.

"He does look familiar to me though." sabi ko without any hesitation. Totoo naman kase, he does look familiar to me but I don't know kung saan ko siya nakilala or nakita.

"Ah, siya ng apala kuya. I have a practice tomorrow. Kaya late ako makakauwi." biglang sabi ko kay kuya kase iba na ang tingin sa aking after kung sabihin na familiar sa akin si Eze eh.

"EH??!! Eh Nik, diba practice mor in tomorrow para sa demonstration mo?" tanong ni Monique sakin na may kasamang pag-aalala.

"Okay lang yun Monique. Sa morning and afternoon naman yung practice ko sa demonstration tapos yung isang practice ay sa 6PM pa naman." Sabi ko kay Monique ng nakangiti para di na siya mag-alala.

"Teka, anong practice ba yang sa 6PM mo?" singit ni Aisha.

"Volleyball." biglang sabi ni kuya Lance. "Oh, sige. Pero hihintayin kita bukas hanggang matapos practice mo. May practice rin kami bukas kaya makakasabay ka sa akin ng uwi."

"Yes, sir."

"Alam mo Lance, masyado kang mahigpit sa kapatid mo. Hayaan mo na siya and take note, captain din yan ng volleyball team. Baka nakakalimutan mo." Sabi ng isang ka teammate ni kuya.

"Alam ko but I don't trust the guys in the men's volleyball team. Magkasama pa naman sila ng court. Kaya ayokong sumali ka dun eh kase nakakasama mo yung mga asungot sa men's volleyball team."

"Kung maka asungot naman neto. Andun din kaya best friend mo." Sabi ko kuya habang tinatapos yung mga IMs ko.

"Ah basta. Kung may mag-aalok sayo para sa Volleyball League, tanggihan mo agad." – Lance.

"Di ka sure." – ako at tumawa silang lahat.

Makalipas ang dalawang oras...

"Haaaaay sa wakas! Natapos na rin tayo!" sigaw ni Tim.

"Huwag ka ngang sumigaw Tim. Ang baho ng hininga mo tapos sisigaw ka pa." sabi ni malditang Janna kay Tim na ngayon ay binalewala lang ang sinabi sa kanya.

"Maraming salamat talaga sa tulong niyo, everyone. I can't do this without your help."

"No worries, bestie. Andito lang kami para tulongan ka. Tayo-tayo lang ang nagtutulungan diba?" – Janna.

"Oh siya, kita nalang tayong lahat sa school bukas." – Aisha

"Okay." – sabay sabay naming sabi.

"Good night guys! Ingat kayo pauwi." – sabi ko sa kanila habang naglalakad sila papunta sa van na maghahatid sa kanila sa kanikanilang bahay.

I closed the doors and went inside my room. Kanina pa nakauwi mga teammates ni kuya and si kuya naman ayun andun sa kwarto niya naglalaro ng PS5.

Lord, salamat sa araw na ito dahil natapos ko na rin sa wakas ang IMs ko. Salamat din sa mga kaibigan ko na todo ang suporta sa akin. Sana po bukas, everything will be fine and smooth.

At di ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon