"At natahimik ang lahat ng dumating na ang grupo nina Mia. Walang ni isa ang nagsalita. Takot talaga sila kay Mia kahit mabait naman iyan."
"Ano yang binabasa mo?" tanong sa akin ni Jezza na kaibigan ko.
"Ah, wattpad story. Sobrang ganda kase ng paglikha ng author eh." sagot ko sa kanya.
"Wattpad? Ano yun? Parang ngayon ko lang yan narinig ah." tanong niya ulit sa akin.
"Ayan, magtambay ka pa sa cave mo Jezza." sagot ko sa kanya at tumawa nalang din. Para kasing timang. Ni hind inga to lumalabas ng bahay. Ang gawain niya lang dun sa bahay nila ay maglaro ng PS4 nila.
"Oh siya tara na Ms. Maxine Nicole Kim at maglunch na tayo. Nagugutom na ako eh."
"Tara na nga."
Ako nga pala si Maxine Nicole Kim. Isang education major sa Sullivan University. Sikat na unibersidad yan dito at maraming successful and powerful people ang grumaduate ditto sa unibersidad na ito. Parehas lang kami ni Jezza. Passion talaga naming ang teaching simula high school palang. Pangarap talaga naming ang maging isang guro. Third year college na kami and ito ang pinaka busy na year sa mga educators. Minsan nga naiinggit kami sa ibang taga department or sa ibang program kase nakakagala sila with their friends. Out of town there and here. Samantala kaming mga 3rd year students ng College of Education, di man lang magawa yan. Ang unfair ng buhay pero sanay na kami kase pinasok at ginusto naming ang maging guro eh. Kung nagtataka kayo kung bakit yung 3rd year ang pinaka busy na year sa mga education students, ito ay dahil kaliwat kanan na ang classroom demonstrations ng mga education subject naming. Actually, simula pa siguro 1st at 2nd year college kami, may classroom demonstration na kaso hindi pa kase kami ganun ka expose sa classroom setting and sa 3rd year kase, dito malalaman kung pwede na ba kaming maging interns.
Dito kami ngayon ni Jezza with our other friends. Nakatambay sa may umbrella na katabi ng lang canteen naming. Dito kami nagkukwentuhan, nag-aasaran, nagdadamayan, umiiyak, gumagawa ng assignment, at dito rin naming ginagawa mga teaching materials naming. Minsan nga naiingayan na ang mga taga guidance sa amin pero nasanay na ata sila sa amin hahaha. Lahat pala kami dito ay English majors maliban lang kay Tim na Social Studies major.
"Monique, ready ka na bas a classroom demo mo mamaya?" tanong ko sa kaibigan naming si Monique. "
"Oo mamsh, kaso kinakabahan na talaga ako eh. Alam niyo na naman pagdating sa teacher nating iyon, gusto perfect o di kaya the best yung classroom demos natin." sagot niya.
"Mamsh, kaya mo yan. Ikaw pa. Favorite ka nun eh." sabi naman ni Ericka na umiinom pa ng tubig. Nagtawanan nalang kami kase totoo naman eh hahaha. Minsan talaga may favoritism eh.
"Oh siya, basta tulungan niyo ako dun ha? Maliwanag?"
"YES MA'AM!" sabay-sabay naming sabi at nagtawanan nalang.
1:00 PM
Kakapasok lang naming dito sa classroom naming. Maaga kami dito kase tutulungan pa naming si Monique na mag-ayos ng visual aids niya. Lahat tulong-tulong para maging perfect yung classroom demo ni Monique. Ang tanging maririnig mol ang sa classroom na eto ngayon ay ang mga tape. May nag lalagay na ng tape sa visual aids, meron ding naglalagay sa mga briefcase ni Monique. Nagtataka kayo kung bakit sa briefcase? Para kase madali lang kumuha ng tape si Monique para sa activities niya at madali lang kase kunin yun. Natapos na naming ilagay dito sa green board ang mga visual aids ni Monique at tinakpan niya lng eto ng white cartolina na malinis para madali niya rin ipakita sa lahat.
Naghintay nalang kami sa time namin. Yung iba abala sa lesson plans nila. Yung iba nagfafangirl sa K-pop. Yung iba nagchichikahan lang. Parang si Monique lang ata ang kinakabahan dito. Syempre ako rin kinakabahan dahil ako ang susunod kay Monique sa classroom demo. Nga pala, papatulong nalang ako sa kanila sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa mamaya after ng classes naming.
BINABASA MO ANG
Passion
RomansaGusto ko lang naman makamit ang aking pangarap bilang LPT pero bakit ba ganito ang naging kapalaran ko? Ang bobo ko talaga dahil ni pagpasa sa board exam ng teachers di ko maipasa. Ano na ang mangyayari sa akin? Nawawalan na ako ng pag-asa na maging...