Chapter 4: Unexpectedly Reunited

46 1 0
                                    

Jaika's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jaika's Point of View





Naalimpungatan ako nang mahulog ako sa sahig. Tumama ang balakang ko kaya napadaing ako. Dahan-dahan akong umupo. Nabahala ako nang mapansin kong ibang k'warto ang tinulugan ko.

Dali-dali akong napatayo. "Shit, nasa'n ako?"

Kaninong unit 'to? Bakit nasa ibang condo ako? Ano ba'ng nangyari kagabi? Ang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala.

Wait. . . don't tell me, may naka-one night stand ako? No. . . no way. It can't be. Hindi p'wede na kung kani-kanino ko nalang ibinibigay ang sarili ko. I'm not a slut.

Naramdaman ko ang pantog ko-naiihi ako. Sa'n ba ang bathroom dito? Nakita ko ang isang pintuan sa loob ng k'warto. Maybe 'yon ang banyo.

Dali-dali akong nagtungo ro'n at saka binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang isang lalake na hubo't hubad-naliligo.

"Ahhhhhhh!!!"

Humarap siya sa 'kin kaya't nakita ko ang birdy niya. Bakit ba kasi walang curtain sa may shower niya? Dali-dali niyang pinatay ang shower at saka nagbalot ng t'walya.

Bakit ko ba kase siya pinapanood? Bahagya akong tumalikod nang matauhan ako.

Bakit ba ako nagulat na makita 'yong ano niya, eh, hindi ko naman first time makita 'yon. Infareness lumaki-hays, ano ba'ng iniisip mo, Jai? 'Wag mo ngang isipin 'yong ano niya.

"Sorry," rinig kong sabi niya mula sa likuran ko. "By the way, nagluto na 'ko ng breakfast. Dito ka na kumain," dagdag niya pa.

"Hindi ako gutom."

Pagkatapos kong sabihin na hindi ako gutom ay biglang kumulo ang tiyan ko. Narinig kong tumawa siya ng mahina kaya't napaharap ako sa kaniya. Wrong timing naman kasi 'tong tiyan na 'to.

"What's funny?" tiningnan ko siya ng masama.

"Ang cute mo parin," he chuckled.

"Shut up," awat ko sa kaniya. "P'wede bang magdamit ka? Parang walang babae dito, ah," dagdag ko pa.

"Why, don't you miss my abs?" nagpa-cute siya.

Napairap ako. "Bakit, may abs ka ba?" I sarcasticly said straight to his face.

Akala mo naman talaga may abs siya para ibalantra niya ang katawan niya sa harapan ko. You're so ugly Jeycie, you know?

Hindi na siya nagsalita pa. Siguro napikon na. Feeling may abs kasi. Kumuha na siya ng damit sa cabinet niya at saka humarap ulit sa 'kin.

"Papanoorin mo ba ako ulit?" he seductively glared at me.

The heck-inaakit niya ba ako? Bakit ganiyan niya 'ko tingnan? 'Tong lalakeng 'to. . .

Dali-dali akong pumunta sa loob ng bathroom at nag-lock. Tuwang-tuwa siyang asarin ako, eh, noh? Ano'ng akala niya sa 'kin, pagnanasaan ko siya? Baka siya ang pinagnanasaan ako.

Blue Flame Love (ongoing)Where stories live. Discover now