[ Master Ellah ]

411 12 2
                                    

Maaga kaming gumising ni Ayah.

Ngayon ang unang araw ng pasokan.

Nana may iba pa bang pwdeng kainan dito bukod sa Dining hall?.” Tanong ni Ayah. “Kung doon na naman tayo kakain ngayon hindi na naman tayo magkakasabay.”

“Meron dun nalang tayo kumain sa Canteen.”

Habang kumakain itinanong niya kung anong nangyari kagabe. Nag kwento naman ako.

“Ano yang kinakain mo?” Tanong niya.

“Witchew. Pampalakas ‘to ng spell naming mga witch.” Sumubo ulit ako.

“Mukhang masarap ah. Pwde ba akong tumikim?” Nakatingin siya sa pagkain ko na parang takam na takam. Hahaha. Kulang nalang tumulo ang laway niya.

Tumawa ako. “Gusto mo bang malason?”

“Nakaka lason pala yan?”  dismayadong niyang tanong.

“Oo. Para sa iba.” Uminom ako.

“E ano yang iniinom mo? Pampa lakas din ng spell niyo?” tanong na naman niya.

“Drinks lang namin ‘to. Hindi ito pampalakas.”

 

“Hindi mo rin ba itatanong itong kinakain ko?”

 

“Hindi na kailangan. Dahil alam ko na ang mga yan.” Kunti lang ang kumakain dito ngayon. Dito sa canteen pwdeng mag share ng table. Hindi parehas sa Dining hall na separate talaga.

”Kung kumain din ba kayo ng mga pagkain namin malalason din kayo?”

 

“Hindi. Pero manghihina kami.”

 

 

Pag katapos naming kumain. Ini hated ko siya sa Building nila.

Binabati ako ng mga kilala kung humanex.

“Pasok kana.” Sabi ko kay Ayah.

“Nana, diba si Shadow ‘yon?”Sabay turo ni Ayah sa papalabas na si Shadow.

“Mag iingat ka sakaniya.” Bulong ko kay Ayah.

“Bakit naman?. Tinulungan niya nga tayo sa forest diba.” Nakatingin parin si Ayah kay Shadow.

“Oo. Pero hanggat maaari iwasan mo siya. Lalo na pag wala kang kasama.” Kahit naguguluhan tumango nalang si Ayah. “Wag kang hihiwalay kina Sarah.” Tumango  ito bago pumasok.

Academy for SupernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon