Kabanata 3
Mabigat ang loob na naglalakad ako.
Okay lang 'yan, Eva.
Baka hindi lang maganda 'yung mood ng tao. Baka hindi maganda ang gising nito at sa akin niya iyon ibinunton.
Puwede ba 'yon? Makatarungan?
I sighed.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ito na nasa labas ng gate. He was looking at his phone. His forehead furrowed. Mukhang inis na inis na naman ulit ito.
Linagay pa nito ang cellphone sa tenga at agad ding binaba. Inis na inis na napasipa sa iilang maliit na bato sa sementadong daan.
Naglakad pa ako palayo. Kasalungat kung nasaan siya. Mas mabuti na na malayo ako sa kanya para hindi ako nito makita.
Nakayuko lang ako habang binabagtas ang daan patungo sa kabilang labasan ng school. Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyang nakalabas sa school na hindi ako nito nakikita.
Napatingin ako sa paligid.
Wala ng tricycle. Gabi na rin kasi kaya wala nang naghihintay na tricycle sa eskuwelahan.
Maglalakad na lang siguro ako ngayon. Ayaw ko pa sana dahil medyo malalim na ang gabi. Delikado na rin ang maglakad sa ganitong oras sa amin. Lalo pa at wala akong kasama, wala si Floyd.
Umihip ang malamig na hangin. Hindi ko mapigilan na suminghot ng hangin. Magandang maglakad sa gabi pero hindi mo alam kung anong kahihinatnan mo kapag hindi ka mag-ingat.
Tumingala ako. Mayroong buwan.
I smiled. The moon will guide us to where we are going. It will bring some light for us whenever we need it. At least, I have a companion for this night walk home.
I laughed bitterly.
You can compare the moon in my not-so-beautiful life. The moon may sometimes have a companion, and sometimes it doesn't and a starless sky is what we have.
Katulad ko. May kasama ako ngayon, ang pamilya ni Floyd. Ngunit kung wala sila, kung hindi ko sila kasama ngayon, siguradong mag-iisa ako sa mundong ito. And I wonder if I could survive this cruel world...
"Why are you walking?"
Napatalon ako at napahawak sa puso. Ang tibok ng puso ko ay napadoble. Nanginig din ang mga tuhod ko kaya agad akong napa-upo sa daan.
Tiningala ko ang mukha, nakahawak pa rin ako sa dibdib ko.
"Bakit ka nanggugulat?" I hissed.
He chuckled. "Nagulat pala kita? I thought you knew I am following you because you slowed down your pace. Hindi ko naman inakala na ganito ang mangyayari."
Yumuko ako. Tiningnan ko ang kamay na naka tungkod na ngayon sa sementong daan. Dahan-dahan kong inalis ang kamay doon at agad na napangiwi. Merong maliliit na bato sa kamay ko. Dagdag na naman ito sa sugat ko sa katawan.
Tahimik na pinagpag ko ang kamay sa suot na palda at tumayo.
Tinapunan ko ng tingin si Matthan. Kanina pa ito siguro nakatingin sa akin dahil sinusundan nito ng tingin ang kilos ko.
He cleared his throat. "Saan ang bahay mo?" he asked.
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang titig nito. Masyadong mabigat.
I contemplated at first before I answered. "S-Sa Purok Rita."
Narinig ko ang mahinang tawa nito kaya tinaas ko ang mukha ulit para matingnan siya. Tumatawa ito na nakatingin sa akin. Ganoon na lang ang pag-iwas ko ng agaran at tumalikod sa kanya. Nagsimula akong maglakad.
BINABASA MO ANG
In The Darkness (Lacson Series #3)
RomanceRare. One in a million ika nga nila na magsilang ang isang babae sa kambal na anak na magka-iba ang tatay. Mahirap paniwalaan pero gano'n ang nangyari kay Evangelina Inez. She was the illegitimate daughter of the Figueroa of Iloilo. Iba ang tatay ni...