×××I envy her.
She's Smart.
She's Beautiful.
And lastly, She's Kind.
In other word... Perfect.
That's how people describe My Ate Kristal.
While me...
“Sya ba yung sumunod na anak? She look... Well... Ordinary.”
“Yeah, unlike her sister who almost perfect!”
“Ayos naman yung grades nya, kaso nga lang hindi katulad ng ate nya na may mga awards and with honors.”Simula bata pa lang ako naririnig ko na kung paano ako i-kumpara sa Ate ko, kaya since then I started to hate her.
Sa mata ng mga tao sa paligid namin, ang Ate Kristal ko ang magaling.
Pero sa mata ni Dad ako ang mas magaling.
Kasi hindi naman talaga anak ni Dad si Ate Kristal, Anak sya ni Mommy sa una nyang asawa, kaya ganon na lang siguro ang trato ni Dad kay Ate Kristal, basura.
Mga isang taon at ilang buwan lang ang tanda ni Ate Kristal saakin.
Mabait naman si Dad kay Ate nung una, hanggang ipanganak ako ni Mommy na naging sanhi ng kamatayan nya.
Hanggang sa unti unti na kaming lumalaki ni Ate, at doon ko lang napansin ang pagbabago ng trato ni Daddy kay Ate Kristal, hinihintay ko din na magalit si Daddy saakin, kasi ako yung pumatay sa asawa nya, pero hindi, never syang nagalit saakin, maybe kasi namana ko mostly ang mga features ni Mommy kaya siguro hindi ako kayang saktan ni Daddy, kasi kamukha ko si Mommy, ang babaeng mahal nya.
I'm a bad child.
Everytime na sinasaktan ni Dad si Ate Kristal through words, I feel somewhat happy.
Maybe si Dad ang meron ako na wala si Ate.
Cause...
My insecurities is my Ate Kristal.
But...
Now...
I regret everything.
Cause.
Now.
She's gone.
She was killed by her boyfriend.
×××
Today is her death anniversary.
Pagkatapos kong bumili ng bulaklak, lumakad na ako.
Malapit na ako kung saan naka libing ang Ate Kristal ko ng may makita akong motor na familiar sa hindi kalayuan.
Azza?
I'm sure kay Azza yun.
But anong ginagawa nya dito? Sinong kamag-anak nya ang dinadalaw nya dito?
Madaming tanong ang pumapasok sa utak ko, pero inalis ko muna yun.
I'll just ask him later.
Kaya tinuloy ko na ang paglalakad.
“A—ate.” nanghihina akong napaupo pagkatapos kong mailapag ang bulaklak.
BINABASA MO ANG
Ride of Love [HIATUS]
RomanceWarning: R 16+ | spg Vasiliadis Series: "Drive me crazy." Azza.