Chapter 6

3 0 0
                                    

  Mitch POV.

    Natulala ako at diko alam kung maniniwala ako sa sinasabi nila..pero kung iisipin ko yung  yung accident 2 years ago ay tumutugma lahat ..Nalilito ako ..sino sila mama at papa?kapatid ko ba talaga sila ate belle at kuya albert? Marami akong gustong itanong at alamin pero mukhang wala pa akong lakas ng loob..

"Madame na uuwi muna po ako "paalam ko sa kaniya

"Hindi ,wag mo na kaming iwan ulit,ayaw kong mawala ka sa amin ulit" nakikiusap na tinig ni Madame

"Tatanungin ko lang sila Mama at Papa kung ano yung sinasabi niyo po" muling sabi ko ko..

"Sasama ako ,baby wag ka mong iwan si mommy" umiiyak nanaman niyang sabi kaya naman parang tinutusok yung puso ko.

"Sa cebu lang naman po ako ,babalik din po ako dito para linawin ang lahat" paalam ko kay madame

"Let's give her time to think and also to calm her mind it's look like she doesn't remember us, specially you..." Ani ni Raizel habang nakatingin kay madame

"He's right Laurdess,it seems our daughter doesn't remember us" pagsang-ayon ni Mr President

"No Silvestre ! Baka di na natin siya makita ulit.."pagpupumilit ni madame

"Uuwi napo muna ako sa cebu kakausapin ko ng personal sila Mama at Papa" muling sabi ko sa kanila .bagaman tutol si madame ay wala din siyang nagawa...

"Alright ,sasama ako anak " suggestion ni madame. .loading parin ako at wala na sa sarili....di na ako sumagot  at nag isip nalang.

Parang nakalutang ako sa aking isip...Tama ngaba na umuwi ako sa cebu...pwedeng tawagan ko nalang sila...tama tatawagan ko nalang sila para mas madali kong malaman ang totoo..gusto ko narin kaseng malaman yung totoo...

"Tatawagan ko nalang po sila" ani ko sa pinaka kalmadong paraan...

"Oh sige " yan lamang ang tugon niya...sumigla na siya at sobrang saya ng mata niya...naka upo kami sa sofa ,katabi ko si Raizel at Jacob..Magkatabi naman ang mag asawa at nakaupo sa harapan namin..Hindi ko alam pero natatakot ako.  Natatakot akong malaman yung totoo..mahal ko kase sila mama at papa,yung pamilyang kilala ko sa loob ng dalawang taon..kahit na sa dalawang taon nakakaramdam ako ng kakulangan at pangungulila ay natutumbasan iyon ng pag mamahal nila mama at papa..Anong gagawin ko pag hindi sila yung magulang ko?..paano pag di ako si michelle?..ihahanda ko nalang siguro yung sarili ko at tatanggapin lahat ng katotohanan tungkol sakin..

Lumipas pa ang ilang sandali at huminga ako ng malalim at sinusubukan kong magpakatatag..baka kase bumigay nako agad eh .inilabas ko ang cellphone ko..lahat sila nakatingin sakin at tila'y nag aabang sa susunod na mangyayari...inopen ko yung cp ko. .naku ang daming text and missed call pero diko na tinignan kung kanino galing..
Tinawagan ko ang number ni papa...nagriring palang kinakabahan nako...sana mag sabi sila ng totoo..kase sa totoo lang iba yung pakiramdam ko pag nakikita ko sila madame...parang kakilala ko sila. .parang kilalang kilala..

"Hello anak!" Masiglang bati ni mama sa kabilang linya...wala pa nga ay tumutulo na ang mga luha ko.

"Hello anak?may problema ba?ok kalang ba anak? May nambubully ba sayo?sabihin mo lang susugod talaga ako jan?" Mabilis niyang sabi. Parang dinudurog yung puso ko..ganyan kase si mama..may part sakin na hinihiling na sana siya talaga ang mama ko..huminga ako ng malalim at sinusubukan kong palakasin ang loob ko. Di rin tumigil ang luha ko...naramdaman ko nalang hawak na ni Raizel ang kamay ko...bakit kaya umeeksena to?pero aaminin ko nakaramdam ako ng kakaiba..pakiramdam ko kaya ko nang harapin lahat..oa man pero totoo..

I Love My MasterWhere stories live. Discover now