Tinik sa dibdib

119 0 0
                                    

Aking nabatid na parang may mali,

Simula ng nagkaayos ika'y nakalimot sandali.

Bglang naglaho matatamis mong salita,

At unti unting isinantabi at ako'y binalewala.

Tanong ko sa Ama dapat ko bang pansinin?

Itong nararamdaman ko o wag na lng intindihin?

Maigi pang burahin itong nakainstall na viber,

Pagkat kahit kelan wala n akong maririnig sayo na buzzer.

Tiyak na masasabi ang katagang "sorry",

Automatic sasambitin ng iyong mga labi.

Tingin mo naman ito'y basta ko na lang tatanggapin?

Nagkakamali ka!!! Puso'y napagod na at di mo na kayang sagipin.

Muling magbabalik upang ako'y pangitiin,

At ipadama ang saya simula ng ako'y biruin.

Habang nakaupo sa malambot mong higaan,

Ika'y tumabi at binanggit na ako'y di mo pababayaan.

Tiwala sa iyo ay may lamat na,

At ito'y hindi na maibabalik pa.

Iyo sanang maramdaman kung gaano kasakit,

At wag ng hayaan na gawin ito paulit-ulit!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tinik sa dibdibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon