Chapter 16

7 2 2
                                    

Nakatulala kaming lahat sa pagpasok ng gwapong mukha ni Sir Clyde.

Well sila lang pala pwera ako na nakasimangot dahil may umay naman ako sa pagmumukha ng simang na yan.

Oo gwapo naman talaga di maikakaila ang hudyo kaya lang sa dami ng pagpaparusang ginawa niya sakin, makasama nga lang siya araw-araw ay isa ng malaking bangungot.

Ang choosy ko diba,ako na talaga pinagpala sa lahat. Buhat bangko sarap ihampas. Hahaha!

Okay nagmomonologue na naman ako dito,balik na tayo kay sir simang na ang sama ng tingin sakin na parang may malaking pagkakautang ako sa kanya. Laki talaga ng galit neto sakin eh,pinaglilihian ata ako. Hmmmpp!

Palibhasa at wala ng bakanteng upuan maliban sa tabi ko ay ang gagang Chloe, sa tabi ko pinaupo ang boss naming masungit. Okay quiet na lang ako baka mapaginitan na naman ako niyan, mahirap na baka tambakan na naman ako ng trabaho niyan bukas.

" CJ, they are mine and Ackie's friends. Jen, El, Joy, Jane, Gelie and of course your pretty assistant secretary Ana. Guys, this is my handsome but sungit best friend Clyde. Smile naman diyan,nakakatakot ang aura mo busangot much." Pagpapakilala samin ni Chloe. Ang lakas talaga mang asar neto ng babaitang to.

"You're not good in introduction Chloe. I don't have pretty assistant, just annoying and feisty assistant." What? Teka? Bakit??? Ano raw sabe???

"Oo nga girl ang pangit mo magintroduce. Wala naman akong nakikitang gwapong bff mo dito eh. Hi Sir! Andito pala kayo. Kamusta naman ang araw nyo sana maganda kasing ganda ko." Sabay flip ng hair sa mukha niya.

"What the heck! your hair, It's stinks! Stop messing with me woman." Iritang pinagpag ni boss sungit ang mukha niya dahil winagayway ko lang naman ang buhok ko sa pagmumukha niya.

" Sir imposible yang sinasabi mo,nagshampoo at conditioner ako,keratin pa yan sir amuyin mo pa" sabay lapit ng ulo ko sa mukha niya parang damang dama niya ang pait ng paghihiganti ko. Hahaha!

" You're so annoying! Don't come near me or else..."

" Or else what sir? Ano to, fill in the blank? Huhuluan ko anong kasunod na sentence sasabihin mo? Hulaan ko na ba sir, now na? Bukas na lang kaya. Hirap magisip pag gutom eh. Hehehe

"Shut up or else I will kick you out of my company for good. You're just an eyesore, I still don't know why we accepted you and work for me."

"Dahil siguro sa kagandahan at kabaitan ko sir kaya niyo ko tinanggap. Hahaha! Grabe ka sakin boss, wag naman ganun. Sige na shut up na lang ako. Kelangan magtrabaho para sa ekonomiya. Alam mo na sir, mahirap lang ako marami akong pinapakain mga sampung bunganga.
Di ka ba naaawa samin sir? Paano na lang kami pag nawalan ako ng trabaho. Di na kami kakain, sa kankungan na kami pupulutin. Maawa ka sakin sir, wala akong kasalanan. Hindi ako ang pumatay!"
Pagdadrama ko na may kasama pang pagtayo at pagsigaw.

At tumigil ang mundo, ng ako'y pinili mo char, ng bigla ang nakabusangot na mukha ni boss sungit ay biglang ngumiti at nagpipigil tumawa. Pero dahil atribida ako syempre pinansin ko yon.

" Wow boss! Totoo ba ang nakikita ng maganda kong mata? Tumawa ka sa patawang kalbo ko? Totoo ba talaga ito? o isang masama ayy magandang panaginip pala. Boss sa wakas naturuan ka na rin ngumiti. Walang himala!!!

" Stop talking nonsense. I'm not smiling. It's just your imagination. Chloe, what's happening here? Why do you want me here and why they are here as well?" Back to busangot mood na naman si sungit boss.

" Change topic my friend? Ana asked you about the smile thing and we also saw that. We are the living proof of this milestone hmmm... I smell something fishy here. Something malansa over there hahaha!"

Lakas talaga mangasar ng babae na to at ang mga miron na itlog, di nagsasalita. Napipe na ata sa kahindik hindik na natunghayan nila kani-kanila lang.

" Annoying brat! I should go, I just waste my time talking to you."

" Boss naman, galit ka na nyarn? wag ka muna umalis. Baka namiss ka lang ni Chloe kaya ka pinapunta dito o kaya baka naman naglilihi siya, ikaw ang pinaglilihian. Hehehe naku po wag naman sana baka maging masungit yung bata."

" Ano ka ba Angge, pinapangunahan mo na agad yung tao eh. Shut up ka na nga lang jan. Nakakahiya ka talaga." Galit na sabi ni Jane

"Oo nga Angge, wag ka manguna sa pagsasalita jan. Di ka naman manghuhula para malaman ang lahat. Mangkukulam pwede pa. Hahaha!" Tawang tawa na sabi ni Jen.

"Aba at nagsalita na rin kayo sa wakas. Kala ko nagevaporate na kayo jan sa inuupuan niyo eh. O sige na tatahimik na ako ayyy last na lang pala. Bakit mo nga ba kami pinapunta dito Chloe?" Ayaw papigil na pagtatanong ko. Ang mga gaga napatampal na lang sa noo nila, nabwisit na ata sakin ng tuluyan."

"Hahaha sige na nga sasabihin ko na. Eto kasing sungit na Clyde na to eh mainipin. Pero tama si Angge sa hula kung bakit ko kayo pinapunta dito ngayon. Yes! I'm two weeks pregnant. I will become a beautiful mom, and I'm so excited to share this good news to you guys." Tuwang tuwa na sabi samin ni Chloe.

Nagulat at natuwa kaming lahat sa narinig namin kahit si Heart mukhang di pa rin niya alam dahil gulat face din siya ngayon. Si Clyde dedma face lang ang takte. Grabe siya wala man lang karea-reaksiyon ang loko.

Pero mas nagulat kaming lahat sa malakas na pagkakabagsak ng kung anuman galing sa likod namin, pagkalingon namin lahat ay nabungaran namin ang gulat face reaction ni Ackie.

" Honey, totoo ba ang narinig ko? B-buntis ka?"

" Yes my love! I'm pregnant,you'll become a dzadhy!"

At tuluyan na ngang tumigil ang mundo ni Ackie, nagulat kami ng bigla siyang bumagsak sa sahig. Hinimatay ang loko.

" Honey!"
"Kuya!"
"Ackie!"

"Kupal wag kang mamamatay, may asawa at anak ka pang bubuhayin. Wag mo silang iiwan." Pagdadrama ko naman, dakilang epal talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon